Special chapter

225K 5.7K 782
                                    

Flashback...


Third Person's POV


Palibot libot sa buong candy store si Yvonnie at tila ba nauubusan ng pasensya dahil sa kakahanap kung anong ireregalo niya sa kanyang nakababatang kapatid.


"Maybe chocolate will do? But argh! That's too sweet." Lumiko siya sa right corner at naaninag niya ang naglalakihang mga lollipop.


Candy floss flavor, no

Marsmallow, nope

Tutti Frutti, nah

Sour green, absolutely not

Blueberry mint, Yas! Yas! Yas!


Kinuha niya ang malaking blue na lollipop at ipinahawak ito sa kanyang yaya na napapagod sa kakasunod sa 'kanya.


She giggled. She knew very well that Ivo had this thing with mints.


Pagkatapos nila itong bilhin pumunta sila sa bahay na tinitirhan ngayon ng kanyang nanay at kapatid. Maingat siya sa bawat galaw niya dahil ayaw niyang masira ang plano nila ng lola niya.


Nakaisip ng kalokohan si Yvonnie at naisipang kumatok sa pintuan saka siya mabilis na bumalik sa labas ng bintana ni Ivo kung saan naririnig at nakikita niya ang mag ina na nagkakausap.


"See mommy? Daddy's here." Napakunot noo si Yvonnie ngunit agad din siyang natigilan dahil nakaramdam siya ng napaka pamilyar na aura. Bumaba ang tingin niya at naaninag niya ang kanyang tatay na may kasamang babae na dahilan upang mas naningkit ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga nalang siya at naalala niya muli ang plano nila ng lola niya.


Hindi pa alam ni Ash ang tungkol kay Yvonnie ngunit naiintindihan naman niya ito dahil hindi pa 'yon ang oras para magkita sila. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa loob at napansin niyang mag isa na lamang si Ivo doon.


"Psst!" Dahan dahan niyang binuksan ang bintana at pumasok nang walang kahirap hirap habang hawak hawak niya ang malaking lollipop sa kanan niyang kamay.


"Who are you?"


"Gusto mo ng candy?" Sinadya niyang hindi magpakilala. Iwinagayway niya ang candy kay Ivo.


"What flavor?"


"Blueberry mint."


Napangisi siya nang biglang nagningning ang mga mata ni Ivo. Narinig naman niya ang yapak ng kanyang ina na mukhang pabalik kaya binilisan niyang kumilos.


"Here. Don't tell anyone about me okay?"


"Why?"


"Sssh! Just don't. I'll be back lil bro. Buona sera!"

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon