Thirteen

329K 9.7K 2.5K
                                    

Aaliyah


I can only see his shadow and it is only 3 feet away. Ghad! Sobra akong kinakabahan. I held my baby's arm na nakatulog pa rin. Maybe he's too tired to wake up and sense that someone's here.


"Uy men bingi lang? Sabi ko anak mo ba yan? Shet patingin ako!"


Halos atakihin ako sa puso nang may tumabi sa 'kin sa kama at inakbayan ako. Napatingin ako sa mukha niya at ang lawak lawak ng ngiti niya sa labi.

Punyemas na bakulaw 'to! Akala ko kung sinong nilalang ang nakapasok dito, isang bampira na naka rugby lang naman pala.


"Pano ka nakapasok dito?!" Pasigaw na bulong ko sa tenga niya. Seryoso, kabilang ba siya sa akyat bahay gang?


"Oy nabasa ko yan. Sa mukha kong 'to magiging akyat bahay jeje gang? Wag na men!" Sa lakas ng pagkakasabi niya biglang nagmulat ang mata ni Ivo. Ang ingay ng bampirang 'to.


"Mama! Mumu...mumu...huhu."


"Aray! Kanina gang ngayon naman mumu? Aba asan ang hustisya? Mag ina nga kayo men!"


Sh*t nalintikan na!


"Ark, can we--can we just keep this as a secret?"


"Bakit men?"


Bakit ba ang daming tanong ng abnoy na 'to?


"Just please don't tell it to anyone."


"Anyone? Does it mean pati ka close ko?"


Bakit ba parati siyang may follow up questions?!


"Yes so please."


Ngumiti siya ng nakakaloko at humawak pa sa baba niya. Tapos tumingin siya kay Ivo na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Sino ba ama ng batang 'yan?" Halos mabilaukan ako sa tanong niya.  Napansin ata niya na hindi ako nakasagot kaya bumuntong hininga siya at napahilot sa sintido niya.


"Hayys oo na, gwapo ako eh." Ngumisi siya at tumayo na at nag inat inat. Teka anong connect?

"Pano ba yan, aalis na ako men. Ingat nalang sa inyo ng pamangkin ko." Pinisil niya ang pisngi ni Ivo pero sinamaan niya lang ito ng tingin at tinanggal mula sa pisngi niya ang kamay ni Ark.


"Hetchuu."


"Labyu too!"


After that he vanished in just a snap. Pero bigla akong tinamaan ng kaba nang maalala ko kung anong sinabi niya kanina.

Hindi naman siguro seryoso yung pagkakabanggit niya ng pamangkin kay Ivo kanina diba?


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon