Fifteen

330K 9.3K 1.1K
                                    

Aaliyah


Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. Everything is so weird, kung titignan naman para silang normal na estudyante pero mas maputla nga lang, given na 'yon para sa mga bampira. 

Pero iniisip ko palang na ako lang yung tao dito, weird na agad para sa 'kin. At oo nga pala kailangan ko pang tanungin si Rachel tungkol kay Ivo, sigurado ako na siya yung tinutukoy ni Kai.


"Meeeeen!" Muntik na akong mapamura nang may umakbay sa 'kin at ginulo ang buhok ko. Pusang ina! Pigilan niyo ako!


"Bitaw! Baka may makakita sa 'tin baka pagkamalan kang rapist."


"Ouch! Nung una akyat bahay gang, pangalawa mumu, at ngayon naman rapist? Asan ang hustiya doon?!"


"Bitaw sabi!"


Siniko ko siya sa tagiliran pero bigla kaming natigilan nang may tumikhim sa likuran ko. Dahil nga nakatalikod ako, si Ark lang nakakaalam kung sino man 'tong nasa likod ko. Sht baka mamaya guidance councelor 'to at baka huliin kami ng bakulaw na 'to. Nasa harap pa naman kami ng meeting room.


"Patay..."


"Ano? May patay sa likod ko?"


So pati zombies meron na rin dito sa Reagan Academy? Pakshet kukutusan ko talaga 'tong si Ark!


Ngunit mabilis siyang umiling at lumunok ng malalim sabay takbo nang mabilis at iniwan ako. Aba! Nakahithit na naman ba siya kanina ng baygon? Bahala na nga yung bakulaw na 'yon. Tumalikod na ako at agad na sumalubong sa 'kin ang nakangiting si Rachel.


"Tara na sa classroom mo." Tumango ako pero napatigil ulit ako.


"Ano bang course meron dito?"


"Wala."


"Wala?!"


"Oo wala."


Pinagloloko ba ako nito? Yung totoo? Ayaw ko ng magtanong dahil wala talaga akong makuha na matinong sagot sa mga nilalang na 'to at isa pa hindi naman kasi normal na paaralan 'tong pinasukan ko.


Naglakad kami ng ilang minutos, maraming pasikot sikot hanggang sa wakas tumigil na kami sa isang room.


Beginners


Binasa ko yung plaka sa itaas ng pinto. Weird.


"Good luck."


I nodded, habang nasa labas pa lamang ako ng pinto tahimik akong nagdadasal na sana wala ng Ynna version 2.0 dito sa loob ng room na 'to. Aba sawang sawa na ako sa riot.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon