Five

382K 12.2K 1.6K
                                    

Aaliyah

Medyo kumalma na ang sarili ko sa nangyari kanina pero parang tatapusin yata ng lalakeng 'to ang ang buhay ko sa bilis niyang magmaneho.

Magtatanong na sana ako pero naunahan niya ako.

"Shut up." Wala pa nga akong sinasabi shut up na agad?---Pero teka nababasa niya ba nasa isip ko?

Tahimik lang kami sa buong byahe pero 'di pa rin ako mapakali. Nangako ako sa sarili ko noong una palang na dapat layuan ko na siya hayys.

Huminto kami sa tapat ng condominium na medyo malapit sa school at una na siyang lumabas kaya sumunod lang ako.

Pumasok kami sa elevator at nakita kong pinindot niya ang pinaka last floor. Nakakailang kasi para akong tuod na nakatayo dito sa sulok para medyo malayo sa kanya.

*ting*

Bumukas ang entrance elevator at may pumasok na babaeng may mahaba at kulot na buhok, ang damit niya ay eleganteng tignan kaso ang make up niya nakakairita. Nagmumukha siyang clown sa peryahan. Sayang maganda pa naman.

"Oh babe! I miss you so much!" And boom! Naka witness ulit ako ng nag aalab na halikan sa harap ko kaya noong saktong nakarating kami sa last floor ay lumabas agad ako. Ayokong makaistorbo sa kanila at mas ayokong mapanood ng live porn show.

"Puuuuuta?" Napamura ako sa nakita ko. Oo, malaki ang condo unit niya kasi sakop nito ang buong last floor. Oo, ang linis tignan. At oo, may babae!

Naka negligee siya habang naka higa sa sofa na para bang kanina pa niya hinihintay si Ash para akitin ito pero nagulat siya nang ako yung makita niya. Oh shet.

"Ah hello?" This is so awkward! Paglingon ko sa likuran ko nakatayo na doon si Ash habang seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Uhm hindi ba niya papansinin 'tong haliparot na nakahiga? At asan na yung isa pa niyang kasama kanina? Jusko!

"Baby!"

Pang aagaw pansin ng babae kaso nagulat ako ng isinandal ni Ash ang baba niya sa kaliwang balikat ko at iniyakap niya ang mga braso niya sa bewang ko. Ano na naman ibig sabihin nito?

"What do you want? You're disturbing my wife and I." Wife? Pwede bang magmura? Ginawa pa akong asawa para lang mapaalis ang bruhang 'to.

"O-oh how? W-when? Really?"

"Miss may problema ka? At pati detalye ng kasal namin gusto mong malaman?" Yes, ako yung nagsalita. Sa tingin niyo ginusto ko? Hindi. Kinurot kasi ako ng lalaking nasa likod ko sa bewang at binantaan akong magsalita. Nyeta lang diba?

"Ha? Ah I-I need to go." Nang makaalis na siya ay umalis agad ako sa mga hawak niya at tinignan siya ng matalim. "Bakit mo ako dinala dito?"

Pero hindi niya ako pinansin at bugnot na umupo sa sofa at bigla bigla nalang binato kung saan ang mga nagkalat na bra sa couch. Ipinikit niya ang mga mata niya at talagang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

"Okay. Nice talking to you po, aalis na ako." Bakas sa boses ko ang pagkairita at nag marcha patungo sa elevator.

"You are going to receive your punishment today Ms. Lopez incase you forgot." I stopped. Ano daw?

"Wala akong maalala." Inis kong tugon. Eh totoo naman, kailan pa ba ako nagkasala sa 'kanya? Pramis.

"Really? Nagka-amnesia ka ba at wala kang maalala?" Iniinis ba ako ng lalakeng 'to?! Kahit na seryoso ang boses niya bakas pa rin doon ang pang iinis. Langya.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon