Thirty Three

283K 8.1K 2.3K
                                    

Cindy


Hindi ko makita si Ate Aaliyah, asan na kaya 'yon? Oh my gosh! Does that mean pumapayag siyang solohin ko si Ivo my pyutur husband? Emegesh I'm so kilig kilig sa wakas!


"Hoy baliw ka na ba? Teka asan na si Ivo?" Tumabi si Rachel at inagaw ang juice sa kamay ko, bruha 'to buti nalang maganda ako hmp.


"Nandito lang siya sa tabi ko kumakain---" Oh my ghad nawawala si Ivo sa tabi ko! Ang sama ng tingin sa'kin ni Rachel kaya dali-dali kong hinawakan ang pendant ko, remember ito ang ginagamit ko sa pagbabantay sa'kanya, this serve as a gps thingy eklavu, okay wala kayong pake maganda pa rin ako.


"Hawak hawak siya ni queen." Napasimangot ako, akala ko masosolo ko na ng tuluyan si Ivo pero nagkakamali ako. Lesson learned wag maging assumera. Tae, sarap dukutin ng mga mata ng malalanding haliparot sa tabing table namin, kung makatingin kay Ivo ang lagkit, tengene akin lang siya!


"Hi Cindy."


Para bang tumalon ang puso ko nang matunugan ko ang boses niya, shet shet shet sorry my Ivo huhu pero andito si Sir Klint may number two crush! Tengene ang landi mo Cindy, kalma lang, chill pero yung puso ko!


"Sir Klint, pagpasensyahan mo na yang babaeng yan, nagmukmukang timang palagi." Pambabasag ni Rachel kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin, naman oh! Ngumisi siya saka niya ako tinapik sa balikat at umalis kaya kami nalang ni Sir Klint ang naiwan.


"H-hello rin po." Ngumiti ako ng pagkatamis tamis, yung labas lahat ng ngipin ko. Aba alagang colgate 'to. Pasimple kong kinuha ang tinidor na nasa gilid ng plato ko kaso ang totoo niyan nakadantay doon ang kamay ni sir kaya sinadya kong ipinatong doon ang kamay ko hihi.


"Oh my gosh! Sorry sir! Yung tinidor sana kukunin ko pero epal este nakadantay po pala yung kamay niyo diyan hehe." Ano ba Cindy nagmumuka ka ng shunga baka major turn off na sa'yo si Sir. Isinubo ko ng buo ang prutas na nasa plato ko para hindi halatang nahihiya ako sa kabaliwan ko, sus nahiya ka pa Cindy? Dibale maganda ka kaya okay lang.


"You're cute."


T-teka nabibingi ba ako? YUNG PUSO KO GUYS TUMATALON. Hindi pa ako nakakaget over at parang tukmol na nakangiti pero nawala din agad 'yon nang may humawak sa balikat ni sir na isang babaeng epal. Aba sino 'to?


"Klint babe, let's go."


"Sige Cindy mauna na ako, andito na pala date ko."


NGA-NGA. Oo literal akong napanganga, kingina ayoko ng umasa! Sasabihan ako ng cute pero may ka date pala? Aba pakshet nacute-zone lang pala ako huhu para kasing pagmamahal yan eh kikiligin ka sa una pero sa huli iiwan ka rin na parang--maganda pa rin ako che!


Padabog kong ibinaba sa plato ko ang mansanas na kanina ko pa nginangatngat dahil sa inis. Nagtungo ako sa c.r pero umalis din agad ako dahil wala nga pala akong gagawin doon, siraulo lang. Kinuha ko ang wine na nakalagay sa tray at ibibigay sana kay Kai kaso mukhang saktong nagbubunganga na naman sa may terrace, omaygash mukhang alam ko na kung saan ako nagmana huhu. Naaninag ko pa ang anino ng asawa niya na nasa gilid habang hawak hawak si baby Kar, Karren for long hihi.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon