Twenty (Part One)

318K 9.1K 1.8K
                                    

Aaliyah


"Mommy wake up!" 


"Aaliyah wakey wakey na, male-late kayo sa PE class!"


"Oh shut up please, inaantok pa ako." Kinuha ko yung kumot at itinakip 'yon sa buong mukha ko, ang aga aga nang i-istorbo. "Mom fvcking wake up now!" Mabilis akong napabalikwas, as if it was the worst alarm clock in my whole life hearing your son cussing just to wake you up, jusko nag self learning ba si Baby Ivo kung pano magmura? Malaman ko lang kung sino nagturo sa kanya masasampolan talaga ng kamao ko.


"Baby your mouth!" Sita sa kanya ni Cindy pero tinignan niya lamang ito ng walang kabuhay-buhay. "Shut the fvck up Cindy." Kulang nalang lumuwa 'tong mata ko sa sobrang gulat. "Who taught you to cuss?!" Seryoso kong tanong sa'kanya pero mas seryoso siyang tumingin sa'kin. "I love you mom, as much as I want to explain, you're already late in your class." 


"What the fvck?! Late?!" Napamura ako ng tuluyan, huli na ng mapagtanto ko kung anong sinabi ko. "We're now quits mom, love you!" Ngumisi si Ivo sabay inom sa straw, alam niyo naman na siguro kung anong iniinom niya. Napabuntong hininga na lamang ako, punyemas naisahan ako 'don. Wala na akong nagawa pa, nagpaalam na ako dahil pupunta pa ako sa dorm ko. Dito kasi ako natulog sa dorm ni Cindy kahapon dahil ako ang naging referee nila, mga sira ulo talaga.


Malapit na ako sa dorm pero napako ang paa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sinong nakatayo sa harap ng pinto. Ayaw kong ipakita na hindi ako komportable sa presensya niya kaya huminga ako ng malalim at taas noong naglakad papalapit sa dorm ko. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong hinarangan. 


"Excuse me." Sinubukan kong lumusot sa kabila pero bigla niyang inagaw ang braso ko at tumitig sa mata ko. Medyo napalunok ako dahil ang seryoso niya bigla. "Nanapak ka daw ng kaklase mo." By the way he said it, it's not a question in fact it's a statement. "Lopez." Huminga ako ng malalim at tumitig din sa mata niya. 


"Ready akong pumunta sa guidance, sabihin mo lang pero huwag ngayon dahil late na late na ako sa P.E class namin." Inagaw ko ang braso ko pero hindi niya binatawan kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin, oo nga pala may nakalimutan akong sabihin. "Bitawan mo ako, baka may makakita na naman sa'tin hindi lang gas ang maabutan ko." Sinubukan ko ulit agawin ang braso ko pero this time mas humigpit ang hawak niya, bwisit pag ako kinaladkad na naman niya kung saan-saan baka hagisan ko rin siya ng napkin.


"Stop pulling your arms back." 


"Oh edi i-pupush ko."


Kung matalim ang binibigay kong tingin sa'kanya, mas matalim naman sa'kanya. Ramdam kong bumuntong hininga siya ng malalim saka binitawan ang braso ko, *sigh* salamat naman. "Go do you morning routines." Binuksan niya ang pinto ng dorm ko. "I don't have time for that late na ako." Pumasok na ako pero narinig ko na naman siyang nagsalita. 


"You're not late, I postponed your P.E class today, they'll start once you're there." Bigla akong natigilan, hindi ata ako makapaniwala sa narinig ko ngayon. 

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon