Thirty One

302K 8.4K 1.5K
                                    

Aaliyah


"Oh yan, isuot mo na, lalabas muna ako." May iba sa ngisi ni Rachel habang ibinibigay niya sa'kin ang gown pero nagkibit balikat nalang ako saka isinara ang pinto pagkalabas na pagkalabas palang niya. May tiwala naman ako sa gown na 'to eh. Isinukat ko na 'yon pero parang may mali? Nang tuluyan ko 'yon maisukat muntik na akong mapamura. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina! Wala akong tiwala sa suot ko!


Simple, classy and prococative. Hindi ako sanay dahil medyo nakaexpose ang cleavage ko. Yung parte naman ng braso, likod, hita at yung gilid ng ribs  ko naka seethrough, at lacey parts naman yung gilid ng bewang ko. Jusko! Hindi ko alam kung pakana 'to ni Rachel o kung ano. Medyo masyado na akong nag eexpose ng skin, kung kaya magpalit nalang ako ng casual? Pero natigilan ako nang may kumatok ng pagkandalakas-lakas sa pinto.


"Uy men! Ang tagal mo naman, nauna na si Rachel kaya ako nalang daw maghahatid sa'yo sa main hall! Oy nakikinig ka ba? Hays mga babae talaga ang tagal tagal kumilos."


Napasampal ako sa noo. Muli ko na naman tinignan ang suot ko sa salamin, ngayong gabi lang Aaliyah, ngayon lang kaya wag ka ng maginarte. Wala na akong nagawa kundi hablutin ang pouch ko sa kama. After all this dress is the queen's choice, buti nalang sexy in a sassy way 'tong suot ko at hindi yung panghaliparot.


"Teka lang!"


Binuksan ko ang pinto.


Natatawang tumingin sa'kin si Ark kaya di ko kaiwasang magtaka. Tawang insulto ba yan?


"Nagpahair extension ka pa pala kay Rachel ng buhok haha." Saka. bumaba ang tingin niya sa suot ko


"This is my real hair you dimwit."


Hindi ko alam pero iniinis ba ako neto? Tawa siya ng tawa, sugod ko kaya 'to sa albularyo?


Napairap na lamang ako sa kawalan at tuluyan nang lumabas at naglakad pababa sa hagdan. Mas lalo ko pa tuloy siyang napamura nang makita niya kung gaano ka-not-conservative ang design sa likod.


"Fak men! Fak! Yung likod mo---fak! Hoy dalagang pilipina in disguise ka pala! Oy hintay!"


Nagbingibingihan ako hanggang sa makababa kami. Binuksan ko ang pinto at unang bumungad sa'min ang isang itim na sasakyang naghihintay sa labas. I'm guessing ito yung maghahatid sa'min kaya pumasok na ako kasunod 'non si Ark na walang tigil sa pagrereklamo tungkol sa pagiging 'dalagang pilipinas in disguise' ko kuno.


"Gusto mo palit tayo ng damit?" Pambabasag ko sa kadaldalan niya. "Men naman kasi! Baka may magagalit mamaya!" Napatigil ako nang may maalala ako. Muli akong nanlamig lalo na't naalala ko yung sinabi ni Ash kanina.


Do not wear something daring.


Holy cow! Lagot ako! Tumingin ako kay Ark na pareho kong problemado. "Uy Ark anong gagawin ko?" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at iyinugyog ito. "Aray! Dahan dahan lang men huhu!" Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at inialis yon sa balikat niya. Bumuntong hininga siya ng malalim saka unti unting ngumiti ng pilyo.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon