Chapter 38

6.4K 224 8
                                    

CHAPTER 38
Blind Date Day 1


I can't still believe it na napapayag ako ng lokaret kong pinsan sa kalokohang pinaplano niya. At first umayaw talaga ako dahil hindi naman ako ganoong ka desperada para lang makahanap ng panakip kay Kurt but sa huli napa-oo niya ako. Sa anong dahilan? Dahil nakulitan na ako sa kakapilit niya at siguro nga desperada na talaga ako.

But I'm concerned about myself. Malay ko ba kung anong mangyayare sa isang blind date? I never had an experience about that thing before at even now hindi ako makapaniwala na susubukan ko talaga. Bad influence talaga 'tong si Kate sakin tsk.

"Insan.. Malay mo pangit ang maka blind date ko?" I asked while pouting I heard kasi na most sa mga nakikipag blind date eh yung mga desperadong hindi biniyayaan ng mukha, hindi ko naman nilalahat 'yun lang ang narinig ko but sana hindi naman. 

"Edi i refuse mo, problema ba?!"  Irap niya habang inaayos ang magiging schedule ko, pinaalam niya na kasi sa isang cite (I don't know what cite) na magkakaroon ako ng isang blind date kaya punong puno ang mail niya dahil sa daming interesado. Lalo na't magaganadang larawan ko ang nilagay niya doon tsk.

"I'm not comfortable Kate, ayoko sa ayos ko. Konti na lang mahuhubaran ako eh."  Angos ko sabay hila sa pencil dress na suot ko pababa. Hindi naman ako mapili when it comes to this type of dress but this is way too much for me. Konti na lang makikita na ang singit ko eh. 

"Anong gusto mong isuot sa date mo? Jacket? Sweater? Jeans? Oh come on Ayumi Lorraine! Date ang pupuntahan mo date. You need to dress up like that para naman good ang first impression sayo ng makaka date mo. Show some karne ano ba!" Singhal niya sakin saka marahas na hinila ang tela sa bandang dibdib ko.

"What the hell Kate?!" Sigaw ko sakaniya saka hinampas ang kamay niya pero tinawanan lang ako nito ng mala demonyo.

I can't belive that I'm playing dirty games with her again, parang kelan lang noong mga bata kami, kung gaano kami mag laro sa putikan at kung gaano kami ka baboy noon but now hindi lang basta basta ang kalokohang gagawin namin. Hindi ko nga maimagine sa buong buhay ko na magagawa ko ito. Gusto ko ngang sisihin si kuya Migs dahil siya ang puno't dulo ng kalokohang ito eh but I'm pretty sure dead meat kaming dalawa ni Kate if malaman niya 'to.

She's the boss according to her. Well siya naman talaga parati ang utak ng kalokohan at kalandian eh kaya nga siya napatapon sa US dahil sa kalokahan niya but that is the thing I love about her. She's not wasting her life, ginagawa niya lahat ng bagay na ikakasaya niya kahit naba ikakagalit at ikakasama iyon para sakaniya and I salute her for that.

 She's applying a makeup on my face at medyo naiinip na ako sa tagal. Feel ko rin ang bigat bigat na ng mukha ko dahil sa pinaglala lagay niya. I told her pa naman na light makeup lang pero mukhang hindi nakaka intindi ng english 'tong babaitang 'to. Ginagawa na atang coloring book ang mukha ko.

"Done!"  Sigaw niya at pumalapkpak ng bongga agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin.

Hinikap ko pa ito. "Ako ba 'to?"

Napa aray ako ng marahas ako nitong binatukan. Sisigawan ko na sana siya kaso inirapan lang ako nito saka umayos ng tayo.

"Ang OA mo! Umayos kana nga dyan at baka ma-late tayo sa lakad natin!"

Ang excited naman nito. Siya na lang kaya ang makipag date?

"Seryoso ka bang normal 'yang lalaking 'yan Insan? Parang isang ubo ko na lang patay na 'yan eh." Naka ngusong tanong ko habang naka masid sa isang table na may nakaupong lalaki, mukhang excited ito dahil pangiti ngiti pa ito habang sumisilip sa glass door ng restaurant kada minuto. 

Bigla akong binatukan ni Kate kaya naputol ang pagtitig ko doon sa payat na lalaki. 

"Maka-lait ka malay mo mayaman 'yan sige na tumpak--"

"Gage! I didn't came here for money, marami na ako non. Ayoko niyan, it's a pass for me." Ani ko saka umirap at tumalikod.Sa totoo lang talaga ayoko ng gawin ito para kasi akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa kahibangan ko. Really? Gagawin ko 'to dahil lang sa Kurt na 'yun? Woah.

Napa-iling na lang ito at tinawagan yung lalaking akala mo may TB sa sobrang payat umalis din ito agad ng may dismayadong mukhang dala-dala. After that may sumunod naman this time normal na siya... Hindi na siya katulad nung lalaki kanina, sorry to judge but.. Whatever. 

Agad akong pinapunta ni Insan sa table at sumunod naman ako kahit na tutol ang kaloob looban ko sa mangyayare ngayon. Bumuntong hininga ako saka nag suot ng pekeng ngiti, act normal Ayu. This is for your own sake too. Ginusto mo 'to at nandito kana, there's no turning back.

"Uh... Hi?" Bati ko saka mas nilaparan ang pag ngiti.

Nagtaka ako ng hindi siya nagsasalita. Pipe ba 'to? Oh baka naman hindi siya nagandahan saakin? Baka sa makeup ko? Oh no! Maybe because of what I'm wearing right now! "A-Ah may masakit ba? Bat ayaw mong magsalita?"  Kabadong tanong ko, darn it gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa hiya.

"A-Ah sorry huh. Baka kasi umalis ka kaagad."  

I fowned when I smell something- I can't freaking explain! What the hell? Muli akong suminghap para muli itong maamoy at nangasim ang mukha ko saka napa takip sa ilong ko. Damn ayoko mang mag salita ng masama o mang insulto ng kapwa ko tao but his breath stinks!

"A-Ah sorry!"  I said at patakbong pumunta sa lugar kung nasaan si Insan. Darn it! Sabi na nga ba fail na naman eh! Ok na sana kaso mukhang hindi uso ang salitang toothbrush sakaniya. 

"Ano okay naman ah? Anyare sayo?"  Takhang tanong niya.

"Palit kaya tayo ng pwesto?! Grabecious di ko kinaya ang bunganga ni Koya!" Iritadong sigaw ko saka umarteng nasusuka. Ayaw pa ring mawala nung amoy na yun sa ilong ko ugh!

Humagalpak naman ito.

----Few hours later----

Muli akong bumalik sa table kung nasaan si Insan. "Hindi pa nakapatay pero suspect na eh, ayoko."  I said at pagod na umupo at nag head down. This is tiring than I thought akala ko pa-cute lang ang gagawin ko the whole time but no! I need a break!

"Nakaka pagod! May gwapo, pero may diperensya. May pangit pero kapal ng mukha. Yung iba mukhang Drug Lord ang iba naman mukhang draculang hilaw at grabe ang eyebags!" Bulyaw ko dahil sa inis, wala akong mahanap na matino!

Tinapik naman ako ni Insan sa braso at parang sinasabi... 'Kaya mo 'yan, para sa kalandian! Go lang ng go!'

"I feel you Insan, pero... Hindi umabot sa puntong ganto. Sige eto last call na bukas na ulit tayo after class mo."  Agad akong tumango dahil sa pagod.

Biglang dinuro ni Insan yung likod ko napatingin naman ako lalaking naka sunglasses mukhang gwapo naman kaso wag ka ng umasa... May diperensya 'yan! Napa irap na lang ako saka pinilig ang ulo ko.

"Gwapo Insan sige go na para sa kalandian!"

Agad akong umiling habang nakanguso, "Hindi pa ako lumalapit pero na se-sense ko ng may diperensya. I ref-"

"Gaga wag mong sayangin gwapo oh lakas maka sunglasses!" Taboy niya sakin.

Nag-pout na lang ako. No choice.

Agad akong pumunta sa table kung asan yung lalaking lakas kung maka sunglasses. Where's the sun though?

"Ah, yo."  I said napatingin naman ito at ngumiti. Oh he's cute.

Sinenyas ko ang sunglasses niya agad naman niya 'tong tinanggal.

"OH MY GOD! LESBI?!"  Sigaw ko namumulang tumango ito agad akong umiling at pumunta sa pwesto ni Insan at hinila 'to palabas.

"Ayoko na! Walang ayos eh!" Give up na ako! Ayoko na!

"Hahaha! Wag mawalan ng pag-asa... may bukas pa! Ano nga ulit ang motto ng babaeng sawi na maganda?" Naka ngising tanong niya.

Naka pout akong tumingin sakaniya.

"Para sa kalandian? Go lang ng go."

Good Kisser 1: Her Greatest Downfall [SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon