Chapter 26

7.3K 244 3
                                    

CHAPTER 26
Manliligaw ko na suplado

After that incident we all tried to forget about it and move on, especially me na literal na na trauma about sa nangyare. Kurt fixed everything after that day kaya hindi ito nalaman nila mom, it would be a big mess if nalaman nila at ayokong ma issue ang family namin dahil saakin. At ayoko ring interview'hin ng mga reporters kung bakit ako napunta doon at anong puno't dulo. Hell I still have a pride no, wala akong balak ipaalam sa buong mundo na muntikan akong mamatay sa murang edad dahil sa isang lalaki. 

I'm not Juliet from Shakespear's famous masterpiece, Romeo and Juliet. 

I tried my best to act normal nung hinatid ako pauwi ni Kurt. I didn't mind na nga if ulanin nila ako ng tanong kung bakit ako umuwi ng late at hatid pa ng isang lalaki. Ang naalala ko lang is hinatid ako ni Kurt, my mom saw him, and of course kuya na tinorture na kami sa utak niya. I didn't bother to explain and just go straight in my room. Hindi pa kasi ako nakaka move on na wala na si Piper.

With that she's gone. 

Hindi ko napansin ang pag kamatay niya kanina dahil sa halo halo kong emosyon. I'm the worst because nakuha ko pang kiligin sa mga oras na iyon, naiinis ako sa sarili ko. I feel ashamed and disgusted with myself. But kahit na ganoon I keep it from myself, ayokong pag aalahin ang mga tao around me. I tried to act happy and normal, wear my mask and smile--a fake smile.

"So, Kael and Jame? Wag na wag na kayong papasok sa ganong trabaho huh?" Paalala ko, agad naman silang tumango at ngumiti. 

"Maraming salamat talaga Miss Ayumi, napaka laki po ng naitulong niyo saaming dalawa. Scholarship para sa pag-aaral namin at hind pa basta basta kasi sa East High pa. Tas, binigyan niyo ng trabaho ang mga magulang namin.. Maraming-maraming salamat talaga napaka laki ng utang na loob namin sainyo.. Sorry din sa nagawa namin, nabulag lang talaga kami sa pera." Nahihiyang sagot ni Jame saka yumuko.

Ngumiti naman ako at nilapitan sila, "Ano ba kayo hindi naman talaga ako ang gumastos ng lahat ng iyon. Si Kurt ang pasalamatan niyo basta mag-aral kayong mabuti huh! Okay.. Galingan niyo at ipasa niyo 'tong year nato para next year sa Easton na rin kayo." i said and smile.

Yayakap na sana sila ng biglang humarang sa harapan ko si Kurt kaya siya ang nayakap nung dalawa.

"Hep! Hep! Magpasalamat lang, walang hawakan at yakapan!" Kahit ngayon inis pa rin siya kay Kael at Jame kesyo wala daw siyang tiwala sa dalawa sira ulo talaga. Buti nga na blackmail ko siya eh para matulungan itong dalawa saka yung magagastos niya idadagdag ko na rin yun sa utang ko sakaniya. I know na mabait at may future ang dalawang iyon sadyang gipit lang talaga sila sa hirap ng buhay.

Napakamot na lang sa ulo yung dalawa at sabay na nagpaalam. Napangiti na lang ako habang pinagma masdan ang dalawa, may mga itsura talaga ang dalawa at may perpektong height rin. Noong pina bihisan ko sila talagang natulala ako sa dalawa, sila kasi yung typical Campus crush sa high school. Kung kaedaran ko lang sila talagang pwede na.

"Konti na lang iisipin kong may gusto ka sa dalawang yun." Sabat ng nagmumukmok na Kurt nasa Park kasi kami ngayon para kitain at kausapin sila Jame at Kael.

Nginisihan ko naman siya "Selos kana niyan?" Pang-aasar ko. Napataas naman ang kilay ni Kurt at patulak akong nilayo sakaniya. Napa aray naman ako, bwisit na lalaking 'to talagang walang modo. 

"Woah! ASA! Sino kayang OA kung maka confess sating dalawa?" Balik niya, simula nung araw na 'yon lagi niya na yung pinapamukha sakin lalo na yung ebidensya niya. Yung video na kinuha ng mga kaibigan niyang mga sira ulo rin. Punong puno na ako ang sarap niya ng sampalin ng mag asawang sampal.

"Tse!" Iritadong react ko saka nag martsa.

Natawa naman 'to at inakbayan ako, "Alam mo? Sagutin mo na kasi ako... Tutal dun din naman tayo patungo." He said and smirk, napa ngisi naman ako saka tumawa at inalis ang braso niya na naka rest sa balikat ko.

"Okay." Simpleng sagot ko, sumeryoso naman ito habang naka awang ang bibig. He's face is so epic right now, para siyang natatae na ewan.

"T-Teka? What do you mean?!" Utal na bulalas niya. Ngumiti ako saka lumapit sakaniya.

"Bakit ayaw mo o sige madali lang naman akong kau--"

"OH SHIT! GODDAMN IT YES!!!" OA na sigaw niya.

Agad kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko ng sumigaw ito at binuhat ako at inikot-ikot what the hell medyo marami rami pa naman ang tao! Nang maka get over siya sa kabaklaan niya. Hinarap ko ang hayop, ayun maka ngisi akala mo nanalo sa lotto!

"Hi, Babe..." He said huskily and wink. Napakagat ako sa dila ko para pigilan ang pag ngiti.

"Sorry Babe, break na tayo."

Agad na napawi ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na napigilang tumawa sa mukha niya.

"TEKA KAKASAGOT MO LANG SAKIN AH!"

"Ano kaba, dun rin naman tayo papatungo sa break up-an." Sambit ko nagulat ako ng mag seryoso 'to.

"Eto ang tandaan mo Ayumi Lorraine, Iba mag mahal ang isang Kurt Lewis. At pag mangyare yun.. Bubusugin kita ng pagmamahal ko at never na never akong makikipag hiwalay sayo. Maybe I'm a a big jerk, but this jerk would love you till death."

He said and left me speechless. Tanginang lalaking 'yon papatayin talaga ako dahil sa kilig.

"ANO BA MANLILIGAW KITA AH! BAT WALANG ROSES?? CHOCOLATES??? O KAYA TEDDY BEAR MAN LANG!!" sigaw ko, pinahintay hintay niya kasi ako sa condo niya para sa wala. Akala ko pa naman may mga surprices dito and everything kagaya sa mga nagtre-trend sa facebook but nothing. Nada. Wala. Zero. Nga nga.

He gave me a bored look na mas nakadagdag sa inis ko sakaniya. Manliligaw ba talaga siya or what? Or baka naman may mga nagtatago dito sa condo niya at maya maya susurpresahin na ako tapos maiiyak ako sa tuwa tapos kikiligin ako tapos yayakapin ko siya dahil sa tuwa tapos tatanungin niya ako ng "Will you be my girlfrien?" Then, I'm gonna answer him, YES! 

"Excuse me? Hindi ako basta bastang manliligaw lang.. Don't expect too much, hindi ako mahilig sa masyadong sweet, mabilis akong maumay."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng biglang pag kirot ng puso ko dahil sa sinabi niya. I wasn't expecting it, all my hopes break into pieces para ngang nasali na doon ang maliit na parte ng puso ko. Naramdaman ko rin ang pag hapdi ng gilid ng mga mata ko, what the hell. What is wrong with me? Nasaktan ba talaga ako dahil sa sinabi niya? Well, I'm a girl normal lang yun lalo na't manliligaw ko siya. It's hard not to expect. Kainis, tanga ka kasi Ayu, taas mangarap, grabe mag assume duh ano ka ngayon?! Kaasar wagas mag pakilig kaninang umaga tas ngayon mabilis maumay?! Tarantado gagawin pa akong dessert o isang lime kapag nandidiri na siya sa kinakain niya.

Gago.

"A-Ah K, sige una na ako.. Sumama yung tyan ko eh di ata kita matuturuan ngayon." Malamig na sambit ko nang hindi siya tinitignan.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at patakbong umalis sa Condo.

Ano bang nangyayare sakin?

Good Kisser 1: Her Greatest Downfall [SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon