CHAPTER 39
Doubt
I didn't have a good sleep after my blind date yesterday. Hindi pa rin kasi talaga ako maka move on sa mga naka date ko. I know it's bad to judge but I can't help it and I'm no saint here. I'm a little biatch since I was a kid kaya pwede ba.
Tahimik at seryoso kong tinatahak ang hallway papunta sa room ko at nasa tabi ko naman si Kate na inaayos ang schedule ko para mamaya. Marami pa rin interested but sa nangyare yesterday ayoko ng umilit pa. But I can't say no to Kate kasi alam kong bubungangaan niya na naman ako pag magka taon saka I'm doing this because she enjoys it. Yeah, silent evil rin 'tong babaeng 'to eh. Deep inside her enjoy na enjoy siya sa fail na nangyayare sa date ko.
I'm having a doubt na nga rin na baka sinasadya niyang mga ganon ang makaka date ko eh. Pinilig ko ang ulo ko para tanggalin ang mga nonsense na lumilipad sa utak ko. Wala akong makukuha sa pag iisip about that stupid blind date thingy kundi stress. Imbes na gumaan ang problema ko mukhang mas nadadagdagan eh.
"Hey! You're spacing out!" Agad akong nagising sa realidad ng may pumalakpak sa tapat ng mukha ko. It's Kaizer.
"What heppened? You look stressed." Kunot noong puna niya, ngumuso naman ako saka nag iwas ng tingin. Nakakahiya if malaman niyang nakipag blind date ako ugh!
He lowered his face to mine para mahuli ang mata ko, napa singhap ako sa ginawa niya. His face is too at konti na lang magkaka dikit na ang labi namin. Ngumisi ito ng mapansin niya ang pagka tensed ko. It seems like he enjoys teasing me!
"U-Uy!!" saway ko, naduduling na kasi ako sakaniya, tumatawa naman itong lumayo. Doon lang ako naka hinga ng maluwag. Damn him, no doubt mag kaibigan talaga sila ni Kurt.
"Pula ng ilong mo ah? So effective pala ang charms ko sayo?" He teased, nag-pout na lang ako at umupo agad din' umupo si Insan sa tabi ko na naka nguso rin.
I'm still wondering kung paano niya nagagawang pumasok dito basta basta. Easton is very strict kasi when it comes to an outsider or guest, talagang hindi sila basta basta magpapa pasok labas na lang kung may valid reason. I asked her kung paano niya ginawa yun but she only told me that she used her charms and money.
So.. I assume napa lambot niya ang Principal ng Easton. Bat pa ako magtataka? It's Katerin Jones.
"Wag nga kayong maglandian sa harapan ko nakaka asiwa." Bulalas ni Kate natawa naman ako first time mairita ng loka loka since bumalik dito.
"But seriously? What happened?" Concern na tanong pa ni Kaizer, hindi ko na ito nasagot ng biglang pumasok si Kurt sa room kasama ang girlfiend niya. Napa angat ang kilay ko dahil sa pagkaka kabit niya sa braso nito at sa dahilan na nandito ulit siya sa Easton. Seriously? Bat dumadami ang outsider dito? Don't tell me nilandi rin niya ang Principal ng Easton?!
"It just.. Because." Kibit balikat na sagot ko saka nag iwas ng tingin ng panliitan ako nito ng titig. Tila hindi kuntento sa sinagot ko sa tanong niya.
"Really? Spill it." Agad akong namutla hindi ko pwedeng sabihin sakaniya na nakipag blind date ako kahapon. Nakakahiya saka nandito si Kurt at kasama pa ang girlfriend niya, ayokong mag mukhang kawawa!
"A-Ah secret kasi yun Kaizer ano ba..." Saway ko, nginisihan naman ako nito.
"Ipagkakalat ko na may nangyare satin if hindi ko sasabihin." Banta niya habang naglalaro sa labi niya ang nakaka iritang ngiti.
Napa tayo ako sa gulat dahil sa sinabi niya, this jerk! "Baliw kaba?!" Humalakhak naman ito saka lumapit sakin. Napansin ko ang pag singhap ni Kate habang umiiling.
"Of course, Ayumi ako pa?" Bulong niya sa tenga ko, ramdam ko sa gilid ko ang dalawang matutulis na titig nila Kate at Kurt.
"EVERYONE! LISTEN! I WANT TO TELL YOU THAT I AND AYUMI HAD SE-"
Agad kong tinakpan ang bibig niya, "The hell Kaizer!" Inis na bulyaw ko nagulat ako ng maramdaman ko ang dila niya sa palad ko kaya agad ko itong tinanggal at hinapas hampas sa braso niya.
"Gross!" sigaw ko habang nandidiri dahil sa ginawa niya this damn jerk makaka patay ata ako ngayon sa lagay nato, humagalpak naman ito at muling bumalik sa upuan niya kung saan nandoon sila Jake at Jann na nakikitawa rin habang naka tingin saamin.
"Ano sasabihin mo sakin o hindi? Ready na kong isigaw na may nangyare-"
"You're gonna shut up or I'm gonna sew your mouth?!" Banta ko sakaniya pero tumawa lang ito at umarteng sisigaw kaya mabilis ko siyang hinabol at para naman 'tong bata na nag pahabol. Para kaming elementary student dahil nakuha naming mag habulan sa loob ng room, tawa lang ng tawa sila Jake at Jann at si Kate naman patay malisya.
Si Kurt naman katabi pa rin ang girlfriend niya pero matalim ang titig nito saamin--saakin. Hindi ko na lang pinansin pake ko ba sakaniya bwisit siya.
"Yah! Sasabihin na nga eh!!!" Pagsuko ko dahil hindi ko talaga siya mahabol, agad naman 'tong lumapit at inalalayan ako natatawa pa rin ang loko.
"You're slow dapat fast para mas masarap." He teased. Namula naman ang pisngi ko saka kinurot ang tagiliran niya, lumiyad naman 'to habang tumatawa."Joke lang. Ano nga kasi." Naka ngiting usal niya.
Ngumuso ako saka bumuntong hininga alam kong hindi ako tatan-tanan ng hinayupak nato. Binulong ko sakaniya iyon kahit hiyang hiya ako sa magiging reaksyon niya.
Napa pikit ako ng mariin ng lumaglag ang panga nito at lumaki ang dalawa nitong mata. Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, ugh nakakahiya dapat hindi ko na lang sinabi eh. Sana hindi niya isigaw dahil nakakahiya talaga pag magka taon. Nandito pa naman si Kurt.
"BLIND DATE?!"
Halos mapa upo ako dahil sa sinigaw niya. Sabi na nga ba hindi ko maasahan 'tong hayop nato eh.
Kurt's Pov
Mahigpit ang hawak ko sa phone ko habang nakatitig sakanila. I can't belive what I'm seeing right now, after me si Kaizer naman? Kaibigan ko naman? Damn this. Is she doing this on purpose para pag selosin ako? Well, kung oo then it's fucking working.Bat sa lahat pa ng lalaki si Kaizer pa? Bat kaibigan ko pa? And I also don't get this son of a bitch. Alam niyang may feelings ako para kay Ayumi but he's now hitting on her, because may girlfriend na ako? He should've told me! He should've asked for my permission first hindi yung parang ginagago niya ako dito.
Nakuha pa nilang mag habulan sa room, what are they? A fucking ten years old?
"Hey, hon what's with the frown?" Tanong sakin ni Cass habang naka yakap sa braso ko.
Sinamaan ko ng tingin si Cass, "You don't have to call me like that, they're not looking." Iritadong sambit ko sakaniya saka marahan na tinabig ang braso ko. Napahiya naman 'tong umatras.
"BLIND DATE?!" Sigaw ni Kaizer pagkatapos ng may ibulong si Ayu sakaniya. Kumunot ang noo ko saka biglang kinabahan.
May kutob ako at alam kong tama iyon. Nakikipag blind date si Ayumi?
Fuck! She's making it worst!
BINABASA MO ANG
Good Kisser 1: Her Greatest Downfall [SEASON1]
RomanceAng pamilyang Jones ay isa sa mga sikat at marangyang pamilya sa bansa dahil sakanilang matagumpay na negosyo. Si Ayumi Lorraine Jones ang nagi-isang unica ija ng kaniyang pamilya at halos lahat ay nasa kaniya na ngunit ang inaakala ng karamihang pe...