Chapter 42

6.9K 225 2
                                    


CHAPTER 42
Official Couple

I still can't believe that we're finally official. After he said those words, after he confessed, after he said the three letters literal na natinag ang bato na nakaharang sa puso ko. This is all a foreign feeling for me never ko pa 'tong naramdaman sa buong buhay ko at ngayong nararamdaman ko na ang nararamdaman ng mga clients ko before ang tanging masasabi ko lang is..

I'm totally fucked up.

I like the feeling of being in love. I like the butterflies and chills inside my body. I like it but I know na kailangan ko na ring mag ready sa mga bagay bagay na mangyayare pa. Because honestly we're still starting. Nasa pinaka unang linya pa ang relasyon namin ni Kurt and I'm scared. 

I'm scared to make a mistake. 

I never thought that I'm gonna fall for someone so deeply like this at natatakot ako na sa sobrang pagmamahal ko ay ito pa mismo ang sisira sa katauhan ko.

"Babe, ano gusto mo?"  Kurt said while grinning, we're here by the track field and he's starting to tease me again. I told him kase na I hate cheesy endearments, totoo naman kasi simula noon pa nandidiri na talaga ako sa mga baby, babe, hon and etc. But everytime na sasabihin niya ang mga katagang 'yon parang tina-traydor ako ng sarili kong katawan at isipan and I hate it! 

"Gusto ko? Ikaw?" Pagsakay ko sa kalokohan at kalandian niya. I can't believe myself right now, did I just.... said that? Ugh. Ngumisi ito ng sobrang lapad saka ako sinundot sundot sa tagiliran kaya humalakhak ako.

"Assuming! I mean, ikaw ang bahala." Bawi ko saka umirap ngumuso ito saka lumayo saakin kaunti. 

"Tss! Pasalamat ka mahal kita.."

And that made me shut up. Hindi pa rin ako sanay na sinasabi niya 'yon at pinapamukha saakin. Nasanay ako na lagi kaming nagtatalo at nag aasaran but this time it's different. This time we're both in love. 

After flirting and everything dumiretso na kami sa classroom pinagtinginan pa nga kami dahil sa magkahawak kamay naming dalawa. Well, I can't blame them parang isang araw lang kumalat sa campus na mag jowa si Kurt at si Cassandra but now eto kami na. Hell I care, wala akong pake sa opinyon ng iba. They don't know our story so I'm not gonna waste my time for them.

Kurt already told me about their "fake relationship" I found out na he just used her para pag selosin ako which is gumana talaga. But the strange thing is bat nag suggest yung babaeng yun para gamitin siya ni Kurt. Unless may secret agenda siya but what is it? 

Nakanganga sila Jake at Jann ng makita kaming dalawa ni Kurt I assume wala pa si Kaizer. Nabaling ang mata nilang dalawa sa kamay naming magkahawak, natawa si Kurt saka hinila ang kamay ko para mas makalapit sa mga kaibigan niya.

"Uh.. What happened?" Ani ni Jann saka nginuso ang kamay namin.

"Holding hands tanga lang?" Pambabara ni Kurt dito.

Nag pokerface naman si Jann, "Kurty naman! Alam ko wag mo kami gawing bobo pero... Bat kayo magka-holding hands? Diba kayo ni Cass-"

"Walang kami ni Cass, it's only a show." Labas sa ilong na putol niya dito ng umubo ako ng peke.

Nagsilingunan ang ibang mga classmate namin kaya lihim akong napa irap. I'm pretty sure wala pang isang oras kalat na 'yan sa buong campus hays.

Agad ko siyang hinampas sa balikat, "Abnormal ka talagang hayop ka! Aish!" Inis na singhal ko tumawa lang ito.

"Oh! Nandyan na pala si Kaizer!" Sigaw ni Jake kaya napatingin kami sa pintuan ng room nako mukhang kulang sa tulog.

"EXCUSE ME DAW?! MAY DADAANAN LAKAS MO MAKAHARANG EH!" Sigaw ng bagong dating na si Kate. I thought mamaya pa 'to pupunta? I went home kasi para makapag change then she told me na susunod na lang siya sa school but I'm not expecting na maaga rin siyang susunod.

"Oh nandyan na rin pala si Kate oh!" Sambit ko, nagtagisan lang ng tingin sina Kai at Kate. 

"Ano magtitinginan lang tayo dito? I know I'm pretty!" Panigurado may dalaw 'tong babaeng 'to ngayon.

"Pretty asan?? Asan??" sarcastic sa tanong ni Kai at sumunod kay Kate napa-iling na lang kami.

"The more you hate?" Biglang sabi ni Jann saka tinignan si Jake na akala mo may sinasabi.

"The more you Love!" Dugtong ni Jake at malanding tinignan sila Kate at Kai gawa para makakuha ng malutong na batok si Jake sakanilang dalawa.

"Ulol kalandian niyo!" Angal ng dalawa napa-iling na lang ako at sumandal sa balikat ni Kurt.

Gulat na napatingin sila Kate at Kai saaming dalawa, nagkatinginan pa silang dalawa habang hine-head to foot kami.

"Done?" I asked agad namang tumango si Insan. 

"Anyare parang kahapon lang war kayo? Then now.. Anong kalandia? Baka talagang binaon mo sa utak mo na basta kalandian GO LANG GO HUH? Umayos ka Lorraine!" Singhal nito sakin.

Napa-iling na lang ako habang nakangiti.

Sasagot na sana ako ng mag over react si Insan. "Wag mong sabibin na.... Oh my God! Magkakaroon na ako ng pamangkin?!" Sigaw nito agad akong namula habang umiiling kaso ang gago na Kurt sinakyan ang trip ng bobo kong Insan.

"Yes at baka 2 weeks from now mag kakaroon kana ng pamangkin." Napailing na lang ako, napatingin ako sa tatlo halata namang hindi sila naniniwala kasi hindi sila rume-react si Insan lang talaga sabagay bobo at uto uto.

Nagulat kami ng lumapit ito kay Kai at umiyak sa braso nito.

"Ka-Kaizerrrr! huhuhuhuhhuhu ayokong tumanda agad! Bakit insan?! Bakit mo sinuko ang VCard alam kong gwapo si Kurt at hot pero bakit?! Nakakainis kaaaaaaaaa!" Ngawa nito.

Natatawa akong hinila ang buhok niya, "Bobong Talandi! Gaga hindi ako buntis virgin pa rin ako sira ulo lang talaga 'to si Kurt uto uto kang bobita ka tsansing ka lang kay Kai!" Pang-aasar ko.

Bigla ako nitong sinabunutan ako? Natatawa lang asar talo kasi si gaga.

"Anong napkin ang gamit mo? Baka nakialam ka sa gamit ko ah-"

"YANG BUNGANGA MO AYUMI!!!"

Tumawa lang ako ng tumawa. Grabe sana tumigil ang oras at ganto na lang, masayang kaming lahat except kay Insan hahahaha!

Sana hindi magbago si Kurt.. Sana mag tagal kami.

Sana.

Good Kisser 1: Her Greatest Downfall [SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon