NAKARAAN

13.9K 307 0
                                    

FIVE YEARS AGO

Nasa terrace si Ariana ng  kanilang bahay at tinitingnan ang mga magulang niya. Naghahanda ang mga ito para sa digmaan ngunit maiiwan siya dahil wala siyang maitututulong sa mga ito. Hindi pa siya nagiging lobo na kahit isang beses man lang at labing-walong taon na siya kaya alam niya na iba siya sa mga ito. 

"Ariana!" tawag sa kanya ng kanyang ina kung kaya napunta sa kanya ang atensiyon ng mga kasama nito.

"Ina?" Tiningnan siya ng mga kasama ng kanyang mga magulang at ang iba pa sa mga ito ay tila nahihipnotismong nakatitig sa kanya. Alam niya na isa siya sa pinakamaganda sa kanilang lahi at marami din ang nagsasabi na iba ang kaniyang itsura sa kanyang mga magulang na kahit siya ay nagtataka din. 

"Kumuha ka muna ng makakain, mamaya ay aalis na din kami." utos nito at agad nya ding sinunod para na rin iwasan ang mga kalahi nila lalo at hindi pa rin siya sanay na tinititigan na parang ibang-iba siya sa mga ito.

BATTLE FIELD
(Werewolf Academy) 

"Ano ba yan Ariana ang bagal mo naman!" Sita ng mga kaklase niya na hindi pa nakapag-shift sa pagiging lobo.

Hindi niya naman kasalanan na ang bibilis ng mga kasama niya lalo pa at apat ang ginagamit na mga paa pantakbo ng mga ito samantalang ang sa kanya ay dalawang paa lang at mismong siya ay hindi kayang sabayan ang stamina ng mga ito.

"Sino ba naman ang may sabing pabilisan to?"
Balik na angil niya din sa mga kakampi niya.

May battle exam sila kaya nasa field sila ng akademya at naglalaban ang bawat grupo ng mga lobo at dahil nga sa hindi pa siya nakakapag-shift ay hindi talaga siya makasabay sa mga ito. Patagal nang patagal na ang oras ng kanilang labanan at kahit isa man sa mga ito ay pawang hindi maawat sa labanan. Rules lang naman sa battle exam nila ay ang manalo sila at makuha ang flag ng kabilang grupo kaya misyon nilang protektahan ang kani-kanilang mga kampo. Walang konkretong plano ang mga ito at kadalasan ay iyon din ang naiisip niya ring rason kung bakit hindi agad natatapos ang laban nila. Hindi sila nagkakaroon ng magandang game plan para manalo at lahat sila ay gumagamit lang ng lakas. 

"Pabigat ka lang naman! Magtago ka na lang jan!"
sigaw ng leader nila sa kanya dahil napansin siguro nito na kanina pa siya hindi kumikilos

Tumigil siya sa pagtakbo at lumapit sa kanilang flag, magbabantay na lang siya at may hawak siyang espada dahil yun lang ang armas na master niyang gamitin. Nagsipagsugod na ang mga nasa kabilang grupo kaya agad na prinotektahan nila ang kanilang flag.

"Hindi kami matatalo!" sigaw ni Kael na leader ng kabilang grupo at habang binalibag ang kanyang mga kagrupo.

Nagpalit ito ng anyo at sumugod papunta sa direksiyon niya kaya walang pag-aalinlangan na tinutok niya ang kanyang hawak na espada dito.

"Ano bang ginagawa mo Ariana?! Umalis ka na diyan hayaan mo ng matalo tayo!" sigaw ng leader nila na hindi na makatayo sa labis na pinsala. Agad na iwinasiwas niya ang espada niya sa kaharap at hindi siya natatakot dito.

"Ariana!" sigaw pa ng kanilang guro 

Sumugod sa kanya si Kael at binalibag siya. Naramdaman niya ang sakit sa ginawa nito napapikit siya at hinihintay niya na bumagsak siya sa lupa pero ng maimulat niya ang kanyang mga mata ay nasa ere siya at lumulutang umaapoy ang kanyang buong katawan. 

"Ano ang nangyari kay Ariana?"

Agad na nawala ang apoy na nakabalot sa kanya nasunog din ang ilang bahagi ng kanyang mga damit .

Agad na bumaba ang kanyang katawan mula sa ere at nilapitan siya ng kanilang guro natigil na din ang kanilang laban nagsipagtakbuhan ang kanyang mga grupo papunta sa kanya.

"A-Ariana?" 

Nagulat siya ng magbalik ang mga ito sa pagiging anyong tao

WALANG MGA DAMIT ANG MGA ITO!!

"Ano ba naman kayo!? Pumasok na kayo sa Shower Room at kumuha sa mga locker niyo ng damit." sigaw ng teacher nila sa mga kaklase niya at agad na nilapitan kung ayos ba siya. Habang ang mga kaklase niya ay tinitingnan siya na tila may malaking problema siyang ginawa.

"Natural lang naman kami na ganito Teacher pero si Ariana hindi iyon normal" sabi ni Kael sa guro nila at umalis na din ang mga ito.

CLINIC

Nasa loob siya ng kanilang clinic sa Akademya ng dumating ang kanyang mga magulang.

"Ariana, anak anong nangyari?" Tanong ng kanyang ama sa kanya. Niyakap naman siya ng ina niya.

"Hindi ko din alam ama bigla na lamang akong nabalot ng apoy."

"Hindi niyo sinabi sa kanya na hindi naman talaga siya lobo?!" Galit na sigaw ng kanilang Principal na dumating.

"Peter!" sigaw ng kanyang ama sa kanilang Principal dahil magkapatid ang dalawa at higit na matanda din ito.

"Tama ako hindi ba? Isang Sorcerer ang naging anak ninyo maari na sinumpa kayo ng isang sorcerer at napasa sa anak ninyo"

Ngayon na nga ay mas naguluhan pa siya sa narinig.

Ano nga ba siyang talaga?







The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon