c.Pain and Scent "Vampires"

3.9K 95 1
                                    

All the wolf sense and look at his mate and he can even read through his eyes what they were thinking. Ariana have his pack and all of his guests' attention pero napamura siya sa isip niya ng may naramdaman siyang dumating na banta sa buong paligid kaya agad na hinigpitan niya ang yakap kay Ariana. In a span of seconds ay naramdaman niya na mas dumami pa ang nakapasok na mga banta sa pack.


Ariana☆

Napasulyap siya sa buong paligid may kakaiba kasi siyang naramdaman kaya agad na hinanda niya ang wolf niya. Nakita niya rin na ganun ang ginawa ni Kael pero agad na dinaluhan niya naman ito ng wala pang ilang segundo ay may dumaplis na pana sa isa sa mga braso nito.

"A-are you okay K-Kael..."

Malakas na bumaling siya sa paligid at inikot ang paningin sa buong lugar. Nakita niya ang mga ilang lalaking mga nakaitim na lahat na mga damit.

"Bampira"

"Ariana umalis ka na ako na ang bahala dito."

Nag-aalalang sabi nito sa mind link karamihan din sa mga pack nito ay nagbago na din ng mga anyo. May ilang lobo naman na agad na pumaikot sa kanya.

"Sumunod ka sa akin Luna dadalhin kita sa ligtas na lugar."

Pakiusap ng babaeng lobo sa kanya pero tiningnan niya lang ito at patuloy na niyakap ang may sugat na si Kael.

Nagbago na rin ang kulay ng kanyang balahibo mula sa abuhin nitong kulay na may asul ay bumalik ito sa kulay pula na mga highlights.Lumiliyab din ang dulo ng kanyang buntot. Wala na din siyang pakialam kung bakit nagpapabago-bago ang kulay niya.May ilang kabayo din siyang narinig na papalapit din sa pack nila na sa tingin niya ay hindi naman banta.

"Ariana umalis ka na sumunod ka na muna sa akin paki-usap." 

Sabi ng kanyang ina na nakaposisyon  din para protektahan siya kasabay ng pagdaiti ng dulo ng wand nito sa kanyang noo na naging sanhi ng nakakabulag na liwanag.




Yasmine☆

"Mga bampira!!" Sigaw niya ng kanyang maamoy mula sa kalayuan ang mga bampira.

"Huwag kayong mag-alala sa tingin ko ay hindi tayo ang pakay nilang lusubin kundi ang pack na pupuntahan natin. Magsipaghanda kayo tiyak na isa sa pangkat natin ang maaring mamatay kung hindi tayo handang makipaglaban." 

Ang sabi naman ng isa sa mga namumunong sundalong-lobo sa kanila.

"Kung ganoon nga protektahan ang Prinsesa." ani ng kanyang tiyuhin

Nakita niya na agad na lumapit sa kanya ang ilang mga sundalo pero agad na tiningnan niya ang mga ito ng masama.

"Kaya ko na ang aking sarili hindi ako pinasama dito para bantayan niyo. Bilisan na natin ng matulungan natin ang ating mga kalahi laban sa ating mga kaaway."
Agad na binilisan niya ang takbo ng kanyang sinasakyang kabayo.



Someone's POV

"May paparating pa na mga Lobo sakay ng kabayo ng Palasyo."aniya sa kanyang mga kasama na nais na takutin ang mga lobong nagdiriwang

"Wala ka pa rin talagang pinagbago takot ka na naman."
Natatawang ani sa kanya ng kanyang kapatid na si Renzo.

"Nais kong masunod ang nais ng ating ama pero hindi sapat ang ating bilang para labanan ang nariritong mga lobo."

"Sumunod ka na lang sa akin Raquim ako na mas matanda sa ating dalawa ang siyang bahala dito tutal hindi ka naman talaga sinanay ng ating ama para makipagdigma."

"Mahal na Prinsepe Renzo mukhang tama ang inyong kapatid hindi natin kakayanin ang bilang ng mga lobo lalo na at may kakaiba rin akong naramdaman ng makita ko ang abuhing lobo kanina."

Napatingin siya sa kasamahan ng malaman niya na pareho sila ng naramdaman. Totoo na talagang kakaiba ang kaninang lobo na nakita nila dahil sa kakaiba ang balahibo nito at ang apoy na nasa dulo ng buntot nito.

"Umalis na tayo kailangan na nating bumalik sa Palasyo."Agad na nagsipaghanda naman silang aalis ng maramdaman niya na may panang tatama sa kanya na agad niya ding naiwasan.

"Wala talaga kayong pinipiling oras.Tsk. Hindi pa ba kayo aalis?" 

Narinig niyang sabi ng isang boses babae sa kanyang likuran at nang tumalikod siya ay nakita niya ang isang babae na may suot-suot na cloak na kulay maroon. Brunette ang kulay ng buhok nito na nakatirintas at hanggang ilalim ng beywang ang haba. 

"Isang magandang lobo,Mahal na Prinsepe." Narinig niyang turan ng kanyang kasamahan sa kanyang kapatid na natulala ng makita ang babae.

"Magsipaglikas na ang lahat!"

Utos niya sa lahat at ginamit na nila ang kanilang bilis at nang makalayo na sila ng isang kilometro ay doon palang sila tumigil.


"Natutulala pa din pala ako sa kanya." Asar na sita ng kanyang kapatid sa sarili nito.

"Nagkita na ba kayo dati?" Tanong niya sa kapatid na mukhang tanga na nakangiti.

"Oo. Sa isang labanan. Tara! Umalis na tayo baka maabutan pa nila tayo."




Aisle_infinity 💋💋

Thank you for waiting 😊😊
Please just enjoy reading💕

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon