KAEL'S POV
Nagising siya mula sa sinag ng araw but he just close his eyes and rest his head to his mate's neck, who is still sleeping. Nakapasok na sila sa mansiyon niya after they roamed around the pack. Buti na lang at wala masyadong nakakita sa wolf ni Ariana kundi ang ibang mga katulong niya lang sa mansiyon . He loves to tell to the whole pack that he has a beautiful mate that he really loves but this is not the right time especially when he found out na kakaiba ito sa kanilang lahi. Kailangan niyang protektahan si Ariana at kinakabahan siya sa kung ano ang mayron dito.
"hmmm.." Napangiti siya ng marinig niya ang mahinang ungol ni Ariana habang inaamoy niya ang leeg nito.
Adik na nga yata siya sa amoy nito.
CANINE PALACESOMEONE'S POV
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng palasyo ay dagling yumukod sa kanya ang mga lobo at ilang mataas na opisyales ng Palasyo nang makita ang suot niyang Itim na Kapa na may binurdanang simbolo ng kanyang pagiging punong-babaylan.
"Nais kong makita ang Kamahalan."
"Kamahalan"
Yumukod siya sa Alpha at Hari ng Kaharian ng lahat ng mga lobo.
"Ano ang ginawa ng punong-babaylan sa aking Kaharian? Naparito ka ba para balaan uli ako na itigil na ang digmaan ng mga bampira at lobo?"
Agad na umiling siya sa sa tinuran ng kanilang Hari.
"Wala akong magagawa kung gusto mo pa ring ipagpatuloy ang sinimulang kaguluhan ng mga bampira pero naparito ako para ipahayag ang isang pangitain na maaaring makatulong para wakasan ang digmaan."
Napakunot-noo ang Hari at sinulyapan ang malapit na sunugan ng mga bampirang nahuhuli sa bawat digmaan.
"Nais kong burahin ang lahi ng mga bampira gaya ng ginawa nila sa pack ng aking isang Kapatid na Alpha. Isang pack na ang nawala sa kaharian natin at ngayon nga ay pito na lang ang mga pack. Nais kong marinig ang iyong pangitain lalo na kung ito ay tulong. "
"Maaari ba akong makalapit sa inyo?"
"Sige kung saan ka magiging mas komportable."
Agad na tinanggal niya ang kapang nakatakip sa kanyang mukha at lumuhod sa harapan ng Hari. Agad na nagbulong-bulungan ang lahat ng masilayan ang anyong tinatago niya sa kanyang kapa."Napakaganda ng kanang mata niya."
"Siya pala ang sinasabi nilang may isang mata ng buwan."
"Mula sa kanyang pagkasilang ay binigay na iyan sa kanya ng Goddess ang espesyal na mga matang iyan"
"Maganda nga talaga siya tama ang balibalita ang inaakala ko'y matanda na siya"
"Tunay na kabigha-bighani." dinig niya pang sabi ng isang sundalong lobo
"Nais ko ng katahimikan buhat sa makakasaksi sa aking mga ituturan ito ay mula pa sa Dyosa ng buwan at ipinapapabatid niya lang sa akin"-aniya sa mga ito
Pumikit siya at nanalangin habang hawak ang isang kwentas na may pendant na katulad ng isang bilog na buwan na minana niya pa sa dating punong-babaylan."
"Isang Tagapagbantay at karapat-dapat na gawing Hari ang aking binibigay sa inyo. Isang lobong kayang patigilin ang digmaan na nagsimula buhat sa isang miyembro ng bawat Kaharian ng mga immortal at nauwi sa kamatayan ng isang buong Pack ng lahi nilikha ko. Nais kong hanapin ninyo siya at gawin ang lahat siya ang sagot sa lahat ng dasal nyo sa akin."
Nagulat siya ng pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay galit na anyo ng Hari ang bumugad sa kanya.
"Ako ang Hari ng ating Kaharian!! Papaanong ang pangitaing iyon ay pinapahanap niya sa atin ang kaniyang gustong ipalit sa akin sa trono?!"
"Kamahalan ang inyong narinig ay buhat pa sa Moon Goddess at ako lamang ang tagapagbatid sa inyo. Wala akong karapatang bawiin iyon. Magandang balita iyon hindi ba? May magpapatigil na sa digmaan kungsaan maraming inosenteng lobo ang namamatay at nagbubuwis ng kanilang mga buhay."
"Kung ganoon anong nais mong ipabatid pa? Tanggalin ang trono sa kapatid kong Hari at ipalit kung sinuman ang lobong tinutukoy sa pangitain na iyan! Sa walo na Orihinal na mga lobong nilikha ng Goddess kaming magkapatid na dalawa na lang ang karapatdapat sa trono dahil kami ang naiwang may purong dugo mula sa orihinal na tagapagmana. Hindi ang kung sinuman!"-Napabaling ang tingin nila sa isa sa dalawang kapatid ng Hari at ang pangalawa nitong kapatid na kilalang pumaslang sa mismong kapatid nitong bunso na dati rin nitong beta dahil sa paglabag ng isang kautusan ng mga immortal. Kautusang bawal umibig ang mga immortal sa hindi nila kalahi.
"Wala akong pwedeng baguhin sa mga nasabi ng aking pangitain at kayo mismo ang nakarinig sa boses ng Diyosa ng Buwan."
Tumingin siya sa lahat ng mga nakarinig sa kanyang pangitain.
"Alam kong hindi basta lamang isang lobo buhat sa ibang dugo ang sinugo ng Goddess kundi buhat mismo sa inyong dalawa at sa unang angkan ng mga lobo. Kayo na lamang dalawa ang may Orihinal na purong dugong-bughaw sa ating lahi at inaasahan kong sa inyong mga anak lamang matatagpuan ang sugo kaya huwag kayong mangamba pa sa pag-alis ng inyong mga trono Kamahalan. Ang lahat ng ito ay sa inyong lahi din magmumula."
"Kung ganoon kapatid ko tawagin mo lahat ng ating mga kalahi mula sa pamilya ko at sa kadulo-duluhang lobo na may bahid ng dugo ng unang walong mga taong-lobo. Nais kong tanggapin ang pag-alis ko sa trono at ipalit ang lobong nais ng aking Diyosa. Dumito ka muna punong-babaylan at ikaw na mismo ang tumingin sa kung sino nga ang sinugo ng ating Diyosa ng Buwan"
Bigkas ng Hari kaya agad na yumukod siya sa harap nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate was a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)
WerewolfPaano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle Crowell Isa lang ang alam niya, sa mundo ng mga immortal isa siya sa hindi alam kung saan siya luluga...