She is sitting in the middle of her bed. Gusto sana niya lumabas kaso nagbago ang isip niya ng makita niya ang mga lobong nakapalibot sa bahay nila at kapag talaga nagalit siya sa mga ito hindi niya alam kung anong gagawin niya sa tinatawag na Alpha ng mga ito.
"Kailangan ko yata magbago ng anyo" tumayo siya sa harap ng salamin niya and utter a magic spell
"Lumabas na ba si Ariana?" Tanong niya sa mga inatasan niyang magbantay sa buong bahay nina Ariana kinausap niya na din ang ama at ina nito na umalis muna sa bahay ng mga ito at tumuloy sa kaniyang villa .
"Wala po Alpha. Lalabas sana siya kaya nga lang ng makita niya kami ay bumalik uli sa loob ng bahay"
Inamoy niya ang paligid at nakakalat sa buhay lugar ang amoy ni Ariana hindi ito basta-bastang makakalabas ng bahay lalo't nandito na siya kahit anong gawin nitong pagtago tiyak na malalaman niya kung nasaan ito. Napatingin siya sa bulaklak na nasa paso sa labas ng bahay nina Ariana na tila may nakita siyang kakaiba dito dahil siguro sa paru-parong na may itim na kulay na nakadapo dito.
Agad naman lumipad ang paru-paro na parang nagmamadaling makaalis.
"Salamat naman at nakaalis din." sabi ni Ariana sa sarili ng magbalik siya sa pagiging anyong-tao mula sa pagiging paru-paro.
"Mabuti naman at naabutan pa din kita" Nagulat siya ng makita si Kael na nasa likuran niya na at nakatunghay sa kanya
"Paano mo ako nasundan?" manghang tanong niya dito
" Naaamoy kita kahit san ka magpunta alam mo naman sigurong lobo ako at isang Alpha at dati pa naman isa na talaga ako sa may malakas na pang-amoy sa lahi namin."
Sagot nitong nakangiti sa kanya at kumikislap ang dilaw nitong mga mata at narealize niya na kakagaling lang pala nito sa pagiging lobo. Wala man lang damit o kahit anong saplot sa katawan ang lalaki!!!!!!!!!!!!!!!!
"WAHHHHH!!!"
Agad na tumalikod siya dito at narinig niya ang pagtawa nito.
"Pasensiya ka na"-narinig niya ang kaluskos mula sa likuran niya at ang mahinang tawa nito
"Tapos ka na bang magbihis?" tanong niya dito
"Wala akong damit na dala dahil hinabol kita mula sa bahay ninyo."
Peste namang lalaki 'to inaasar talaga siya.
"Okay, ganito na lang kumuha ka ng kahit anong pantapal diyan sa hubad mong katawan at haharapin kita para magmagic ako ng damit mo"
"Sige sandali lang maghahanap ako ng dahon"
"Ayos na ba?" -tanong niya
"Oo ayos na"
Humarap siya dito at may nakatakip naman ditong dahon ng saging na mula baywang nito hanggang papuntang tuhod. Nagulat ang lalaki ng makita nito na may damit na ito sa katawan.
"Thanks" -sabi nito at talagang trip na yata nitong yakapin siya
"Tsansing ka na" sabay tulak dito
"halata na ba?" ani pa nito sa kanya
Tinawag niya ang broomstick niya para maikot din naman niya ang dating Pack nila
"Saan ka pupunta?"- tanong nito sa kanya
"Wala!wala kang pakialam"
Sasakay na sana siya sa broomstick niya ng hawakan na lang bigla nito ang broomstick niya kaya agad na napahiga ito at nawalan ng malay hihintayin niya na lang ang ilang segundo kung ano ang mapapanaginipan nito.
"A-aaray ANG SAKITTT..." kinakabahan siya sa nagyari dito dahil nilagyan niya ng spell ang broomstick niya na kapag hinawakan ito ng iba ay makakatulog ang mga ito at makikita ang bagay na pinakakinakatukutan ng mga itong mangyari.
"Kael!" sigaw niya dito
"Huwag ako na lang ang kunin at saktan niyo wag si Ariana wag siya!!!" sigaw nito
Nagulat siya sa panaginip nito dahil mukhang siya pa nga ang nasa panaginip nito at siya ang sinasaktan kaya pati ito ay sumisigaw na huwag siyang saktan. Kinakabahan na din siya lalo't panay ang ungol nito at punong-puno ng pawis ang noo nito at nahihirapan na din itong huminga.
"Ano bang gagawin ko?"
Asar na tanong niya dahil kahit anong paggising niya dito ay hindi pa din ito gumigising"Bahala na nga"
Pinikit niya ang mga mata niya at nilapat ang labi niya sa labi nito. Naramdaman niya na lang na hinawakan nito ang mga pisngi niya as he responds to her kiss.
" Ariana... Hmmm.. I love you"
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate was a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)
WerewolfPaano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle Crowell Isa lang ang alam niya, sa mundo ng mga immortal isa siya sa hindi alam kung saan siya luluga...