(Part One End..)

5.2K 121 8
                                    

Nangangamba at halo-halong emosyon ang meron siya habang hinahawakan ang kamay ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi pa din siya binabalik sa Pack ni Kael.

"Mama kailangan ko ng bumalik sa Pack para matingnan ko ang kalagayan ni Kael."
Tumingin ito sa kanya at tinanguan siya.

"Sige kailangan mo na ngang bumalik sa Pack."
Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng ina na nagsimula na umusal ng orasyon.


Alicia ☆

" Halika na mam---- arggghh!! "

Malakas na tili ni Ariana ang nakapahinto sa gagawin niya dapat na orasyon at nakita niya ang kakaibang hugis na tila tattoo sa kanang kamay nito. Simbolo ng Pack nina Kael

"Ang marka mo bilang tunay na kasapi at kalahi ka na nga talaga ng mga lobo ay lumitaw na. Binigay na ng Moon Goddess sa iyo, natutuwa ako para sa iyo Ariana."

" A-ano po ang ibig sabihin nito?"
Naguguluhang tanong sa kanya ng anak.

"Isa ka na ngang ganap na kasapi sa lahi ng iyong ama at napapasakop sa Pack ni Kael. " At ang kinakatakutan kong mangyari ay nalalapit na

" Kung ganoon mama umalis na tayo kailangan kong makita si Kael. Tiyak na matutuwa siya at ang buong Pack."

"Mula ngayon mas mag-ingat ka na lalo hindi ka na sorceress kung kaya wala ka ng bakas na maiiwan sa ating familia. Obligasyon mo na ngayon ang pangalagaan ang Pack kung saan ka kabilang at ang pagsunod kay Kael bilang siya ang iyong Alpha."

"Kung ganoon ay isa na rin pala akong kasapi sa Kaharian ng kapatid ng aking ama. Isang lobo na kailangan sumunod sa mga ninuno at matandang mga lobo sa Kaharian."

Tumango siya sa sinabi ni Ariana.

"Totoong kasama na nga nila ako at ganap na kalahi pero si Kael lamang at ang Pack niya ang obligasyon ko.Sinisugurado kong hindi ko kailanman susundin ang mga kapatid ni papa. Sila ang rason kung bakit namatay siya."

"Kung ano man ang mangyari nandito lang kami ng kapatid mo Ariana, sisiguraduhin namin ang kaligtasan mo. Tayo na! Tama ka kailangan na kitang ihatid."

Inaabot niya ang anak at umusal ng isang orasyong para pangalagaan ito laban sa mga lobong maaaring makaalam ng sumpang iyon. Sumpa para sa kanya ang magkaroon ng mga kapangyarihan ang mga anak na maaaring maging sanhi ng mga kamatayan ng mga ito. Hindi maaaring paslangin ng lahi ng kanyang asawa si Ariana at ng kanyang lahi naman si Alexandreia. Kailangan ko silang protektahan buhat sa mga ganid sa kapangyarihan na mga werewolves at sorcerers wala ng dapat pang makaalam na maaaring maipasa ang kapangyarihan nila sa kung sinuman ang makakapaslang sa mga ito. She promised that to herself after killing the sorceress who prophesied the powers of her twins.


Kael☆

" Hindi na sumasakit, salamat Prinsesa. "
Sagot niya sa prinsesang lobo na gumamot sa kanya.

"Yasmine. Tawagin mo akong Yasmine."

"Kung ganun salamat Yasmine, anong dahilan nga pala kung bakit kayo nandito?"

"Sa bawat Pack na napuntahan namin isang tanong lang naman ang lagi naming tinatanong sa lahat ng Alpha." sagot nito sa kanya

"Anong tanong?"

"May lobo bang may kakaibang taglay ang napunta sa Pack ninyo?"

Lobo na may kakaibang taglay. Si ARIANA!

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon