Nagulat si Ariana nang sa pagtingin niya sa salamin ay isang itim na lobo ang nakita niya. Tiningnan niya ang mga paa niya pero imbes na dalawang paa ay apat ang nakita niya.Ang dating taong anyo niya ay napalitan ng isang itim na lobo na asul ang mga mata. Tila hinihila siya ng kakahuyan at ng kanyang mga paa para lumabas sa kanyang silid.
Sa paglabas niya sa silid niya ay nagulat siya ng biglang sumigaw ang isang witch na nasa katabi niyang silid nakatira at papasok sana. Agad siyang napatakbo papalabas at mas marami pang mga Sorcerer ang nandoon sa labas ng kanilang dormitoryo kasama ang iba pang mga witch.
Nakaupo si Dane sa loob ng kaniyang silid sa Dormitoryo na para sa mga Wizard na kagaya din ng mga Dormitoryo para sa mga witch at sorceress pero malayo at hiwalay sila sa mga ito. Ang Dormitoryo nila ay nasa hilagang parte habang ang mga ito naman ay nasa timog na parte ng paaralan nakatayo.
"May itim na lobo daw na nakapasok sa dormitoryo ng mga witch at sorceress!" sigaw ng kaniyang kaibigan sa kanya at isa siya sa mga Guardians na pumuprotekta laban sa mga outsiders na may tangka sa kanilang paaralan. Agad na tinawag niya ang kaniyang broomstick at kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang wand at pinalipad ang kaniyang broomstick. Nakita niya ang isang itim na lobo at nilapitan ito maaari niya itong kausapin para walang madamay na Civilian ng unti-unti na lang itong tumigil at tila nanghihina kaya agad na lumapit siya dito.
Tatakbo na sana si Ariana ng harangin siya ng mga Guardians ng kanilang paaralan na sa pagkakaalam niya ay mga wizard o witch lang din ang mga ito. Wala siyang alam kung paano babalik sa dati niyang anyo siguro kinakailangan niyang kunin ang wand niya na nasa loob ng silid niya pero maaari din naman niya itong tawagin.
Unlike witches at other sorceress na kailangan ang wands and magic instruments kaya niyang gumamit ng magic even without wand or any magical instruments. Ginamit niya ang buo niyang konsentrasyon para baguhin pabalik ang magic na ginamit niya. Naramdaman niya na unti-unting humina ang naramdaman niyang init sa katawan at nawawala na din ang kakaiba niyang nararamdaman.
Nakita niya ang isang Guardian na papalapit sa kanyang direksiyon at naramdaman niya rin ang panghihina ng buo niyang katawan.Nawalan na siya ng lakas at matutumba na sana siya ng maramdaman niyang may sumalo sa kanya bago siya mawalan ng malay.
"Wake-up" rinig niyang sinabi pa nito
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate was a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)
WerewolfPaano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle Crowell Isa lang ang alam niya, sa mundo ng mga immortal isa siya sa hindi alam kung saan siya luluga...