Voice

4.2K 104 5
                                    

ARIANA'S POV

Isang araw na lang at magiging lobo na siya at sa araw mismo ng birthday niya and she have no idea kung ano na ang mangyayari sa susunod pang mga araw. Si Dane naman ay hindi niya pa nakikita at nalaman niya kay Kael na nakatakas ang binata mula sa kwarto na inilaan dito bago pa man siya makabalik. Wala naman kasi sa plano ng mga lobo na ikulong talaga si Dane lalo pa at malaki ang binigay na tulong ng binata para makabangon ang buong pack.Tanging si Kael lang naman ang may gustong ipalayo at ihiwalay sila ni Dane mula ng malaman nito na kasama niya sa kwarto mula pa ng dumating sila ni Dane sa pack nito. Nalaman din ng lalaki kung saang Familia siya nanggaling ang ikinababahala niya lang ay kung malaman ng kanyang lolo ang hindi niya pagsama kay Dane. Natatakot sya sa maaaring maganap pero naniniwala siya na mahal siya ng tita niya at ng lolo niya at hindi totoong may interes ang lolo niya sa kapangyarihan nilang magkapatid.

  "Tanghali na, kumain ka muna dahil masamang hindi kumain ng breakfast." 

Napaharap siya kay Kael nang marinig niya ang boses nito. Nakasuot lang ito ng pambahay at hindi man lang sinuklay ang buhok pero gwapo pa din ito lalo pa at nakikita niya na naman ang agarang pagdilaw ng kulay ng mga mata nito. 

"Pwede bang itigil mo muna ang pagtingin sa akin gamit ang mga mata mo." 

Tingin lang din uli ang ginawa nito at may nakapaskil pa na ngiti sa labi nito bago lumapit sa kanya dala ang breakfast in bed na hinahanda nito sa kanya tuwing umaga. Mula noong dinala siya nito muli sa pack ay hindi pa siya nakakalabas sa silid nilang dalawa. Oo, dalawa silang natutulog sa silid na inuukupa niya lalo pa at noong isang beses na umaalis ito ay hindi talaga siya mapakali o yung boses sa loob ng katawan niya hindi nga niya alam kung sarili niya ba yung may gusto na hindi mawala sa paningin niya si Kael o ang boses na nagsasalita sa utak niya basta ayun na nga hay ewan na nga lang.Nararamdaman niya lang talaga na hindi lang siya nag-iisa sa katawan niya tapos ang kwento.

Agad na isinubo niya naman ang dalang pagkain nito.

"Kumain ka muna I know gutom  at pagod ka. I love you."

Ani pa nito na ikinapula ng mukha niya agad na hinaplos naman nito ang mukha niya.

Inaamin niya na sa sarili na mahal niya na nga si Kael at may ilang beses niya na ring napatunayan dito kung gaano niya ito kamahal pero may takot pa rin siyang nararamdaman kaya kahit naamin niya na sa sarili na mahal niya ito hindi niya pa din mabigkas ang salita na tugon sa laging sinasabi nito sa kanya.

"I can wait until you could say you love me too." sabi pa nito at niyakap siya. 

The only piece of cloth that covers her nakedness is their white blanket kaya naramdaman niya ang init ng katawan nito sa kanya. Mula ng mamarkahan siya nito ewan niya ba pero parang naadik na yata siya kay Kael lalo na sa amoy nito something na weird lang para sa kanya dahil kahit saang lugar na kung saan ito ay mabango para sa ilong niya.

"Advance Happy birthday Love" sabi nito at siniksik sa leeg niya ang ulo nito while kissing her mark

"K-Kael!" Nakikiliting saway niya dito agad na umalis naman ito pero naasar na tumayo siya at tiningnan ang mark niya.

"I gave you another love mark." tuwang-tuwa na sabi nito naiinis siya na kinikilig na parang tanga sa lalaki

HE IS MY MATE

Nagulat siya at napatingin sa repleksiyon niya sa salamin narinig niya na naman ang boses sa loob ng ulo niya. WHO ARE YOU?  tanong niya

I AM WHO YOU ARE  ang sagot nito sa kanya na ikinagulo lalo ng utak niya naramdaman naman yata nito na naguguluhan siya

I am Arien your wolf who lives in you since you were born 

Nagulat siya ng makita ang isang lobo na may matingkad na kulay abong balahibo na kapag sa dilim ay mapagkakamalang kulay itim.

MY WOLF





The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon