Magical Instrument: RING

6.9K 168 2
                                    

Nasa madilim na lugar si Kael at napapaligiran ng madaming mga matatandang puno at hinahabol niya ang papalayong si Ariana hawak ng mga naka-itim na mga mangkukulam at may busal ito sa bibig. Hinabol niya ito pero nasa isang pwesto pa din siya at tila hindi na maka-alis pa dahil sa ginamitan siya ng mga itim na kapangyarihan ng mga ibang-iba sa kapangyarihan taglay ng mga good witch and sorcerer.

"Ariana!!!" habang tila sinasakal naman siya ng isang sorcerer gamit pa din ang kapangyarihan nito ngayon lang siya natakot ng ganoon 

"Kael..."

Narinig niya ang isang boses mula sa kung saan at naramdaman niya ang magaan at malambot na bagay na tila bumalot sa kanyang labi. Binabangungot lang ba siya? Pinilit niyang magising sa bangungot na iyon, napamulat siya at nakita niya si Ariana ang nakapikit nitong mga mata at nalaman niya na ito pala ang humalik sa kanya. Ito ang gumising samasamang bangungot na naranasan niya. 










Lumayo si Ariana kay Kael ng makita niyang gumising na ito at ang loko tila sarap na sarap yata sa paghalik sa kanya dahil ngumiti pa ito sa kanya.

"Hindi ka ba tatayo dyan?" pairap na sabi niya dito 

"Hinalikan mo ako akala ko panaginip lang"

"Ginawa ko lang yun to break my broom's spell at kung di ko yun ginawa malamang bukas ka pa magigising o baka hindi na." Mahabang paliwanag niya at ang loko mas lumapad pa ang mga ngiti sa kanya

"so meaning? takot kang mawala ako o hindi na magising? at least naenjoy ko yung kiss mo bago man ako mamatay" 

"Talaga nga namang baliw ka na!!" inis na tumayo siya at tumayo na din ito

"uy,teka lang!" 

Sigaw nito sa kanya dahil sumakay na siya sa broomstick niya at gusto niya munang umalis at maging malayo sa lalaki na dapat sanang matakot na mamamatay na ito pero baliw na nga ito dahil mas natutuwa pa talaga ito sa halik na ibinigay niya dito.

"wag kang susunod sa akin" banta niya dito 

"Ariana!!!" sigaw nito pa lalo dahil sa ang bilis na ng paglipad niya 

Huminto siya sa border ng Pack nila kung saan may isang matandang puno na pwede niyang pagpahingahan.

"but before that" tiningnan niya ang kulay ng buhok niya it's blonde siguro palitan niya na lang uli 

"wait, kagabi ko pinalitan 'to ah?" napa-tsk na lang siya di pa din naman nagbago yung sarili niya kahit na napalitan niya na ang kulay ng kanyang buhok tuwing nakikita si Kael para siyang tanga pagkaharap ito. 

"Why not? hmmmm..." Naisip  niya na ang magandang kulay para sa buhok niya sabay kumpas ng wand niya and cast the spell she want. Bumagay naman ang bago niya uling kulay na buhok sa kanya. 







"It's good to see that my daughter seems a real Sorceress now, but how sad naman at hindi ka nagmana sa akin." Napatingin si Ariana sa likuran niya ng makita ang isang babaeng na katulad niyang nakabalot ng itim na damit 

"Anong sinasabi mo?" tanong niya dito dahil hindi naman siya bingi at narinig niya na sinabi nito ang salitang Daughter

"You are my daughter" Ngumiti ang babae sa kanya.

 Mukhang kaedad niya lang ang babae at sa tingin niya sorceress din ito tulad niya dahil may suot suot ito na maraming singsing. Malaking pagsubok muna ang pagdadaanan niya bago siya magkaroon ng kagaya ng mga singsing na suot ng  babae dahil nga sa hindi naman sila makakakuha ng mga ganun na lang.

"Paano kita magiging nanay eh ang bata mo pa?" tanong niya

"Well, mana ka talaga sa papa mo ganyan na ganyan din siya sa'yo at pareho pa kayo mukhang masungit." sabay lapit nito sa kanya na ikinaatras nya naman. 

"Anong pinagsasabi mo?!!"asar na tanong niya

"well... hmmm..." 

Kinuha nito ang isang singsing sa daliri nito at hinawakan ang kamay niya.

"For now and by the last breath of my life you will be my own successor, my apprentice and as I die my power would be  passed on you,you alone." 

Kasabay ng pagsuot nito ng singsing sa kanyang daliri gumalaw ang singsing at biglang sumikip sa daliri niya. Tila ugat na gumalaw at sumakop sa iba pa niyang mga daliri ang singsing kasabay ng paglabas ng mga ilang guhit na tila tattoo.

"Anong ginawa mo?" gulat na tumingin siya dito

"Binigay ko na saýo ang magic ring ng Familia  natin at dahil diyan kapag namatay ako lahat ng kapangyarihan ko mapupunta saýo." 

Ngumiti ang babae at nawala sa paningin niya hanggang sa makita niya ang puting pakpak na nasa kinatatayuan nito kanina.

















The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon