Magical Kingdom's Academy

4.1K 112 3
                                    

The NEW MAGICAL KINGDOM 

THREE YEARS LATER

Nakatingin lang siya sa bagong paaralan nilang mga nasa magical kingdom na punong-puno ng mga bagong mukha ng mga estudyante at karaniwang pagala-gala lang sa field sakay ng mga broomsticks.

Sa pagkakabuo sa kanilang walo na mga Guardians na mula sa pinaka-makapangyarihang Familia agad na gumawa ng paraan ang mga matatandang Pinuno ng kanilang lahi na bumuo ng isang paaralan na para sa lahi lamang nila.

Isang section lang sa bawat baitang (grades) ang mayroon sa Elementarya na mula Grade 1 -Grade 6 . Pero bago makatuntong ng first year ang mga estudyante kailangan ng mga itong sumabak sa magical exam na pinapataw ng kani-kanilang mga elders o matatandang pinuno mula sa kanilang Familia kasama na ang pagsubok sa lahat ng mga kapangyarihan ng mga ito.

Sa pagtuntong naman nila ng High School doon na sila ihihiwalay ng mga sections batay na rin sa kung ano ang kapangyarihan nila.



"Lady Crowell"

bati ng mga estudyante sa kanilang paaralan habang kasalubong niya ang mga ito


Maraming bumati pa sa kanyang mga estudyante lalo na at kilala siya sa kanilang lahi pero tiningnan lang niya ang mga ito. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito tungkol sa kanya at hindi naman niya kailangan ang kung anuman ang gustong sabihin ng mga ito. Nawala ang dating siya halos sa loob ng tatlong taon na pagiging Guardian natutunan niya na din ang trabaho ng ina niya at kahit saan tingnan nagsisi siya kung bakit hindi na lang siya naging kalahi ng kaniyang ama.

Higit na lumakas ang taglay niyang kapangyarihan at nagawa niyang lagyan ng proteksiyon ang buong paaralan nila na nasa isaang daan hectares ang lawak kasama na ang himpapawid nito. Nadiskubre niya na ang kapangyarihan niya ay hindi lang basta sa mama niya nagmula kundi sa pinakamatanda nilang ninuno na namatay na. She is the real definition of a guardian. Sa tuwing makikipaglaban siya ay hindi niya hinahayaang malapitan siya ng kaaway niya kaya kahit sa ilang laban na nasabakan na niya siya ang laging nananalo.


"Ariana!!"

masayang bungad ni Dane sa kanya at dalawang taon na din siyang sinusuyo para maging nobya at may hawak na isang pumpon ng pulang mga rosas

"salamat"-normal na bati niya dito

"May pinag-utos ang mama sa akin pero gusto ko sanang magpaalam muna sa ýo" sabi nito

"Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi mo na kailangan na magpaalam pa sa akin sa mga misyong pupuntahan mo Lord Carlisle"- seryosong sabi niya sa lalaki na ikinatungo lang nito agad na iniwas naman niya ang tingin sa lalaki

Tatlong taon na din ng magtapat ito sa kanya na gusto siya nito at bago niya malamang ang lolo niya at ang lolo nito ay ipinagkasundo sila para ganap na ipagsanib ang kanilang pamilya. Nagalit siya sa lolo niya pero hindi kay Dane kahit na hindi naman niya ito mahal at naging isa naman itong mabuting kaibigan pero wala siyang maramdamang kakaiba sa lalaki na gusto niya ito.


" Pupunta ako sa pack ng nag-alaga sa iyo dati at alam ko na matagal na din ng huli mo silang makita baka nais mong dalhin ko ang mensahe mo sa kanila"

sabi nito kaya agad na napatingin siya dito

"sige" aniya

Nasa digmaan ang angkan ng lobo laban sa mga bampira kaya nag-aalala siya sa magulang na kumupkop sa kanya at hindi niya maiwasang isipin ang Alpha ng mga ito. Ipinikit niya ang mga mata ng maalala ang lalaki na hindi niya alam kung bakit hindi na nga niya makalimutan gayong nasa tabi niya lang ang isang lalaking matagal na nga siyang sinusuyo.

"Sige ihanda mo na ang mensahe mo at kung ano pa ang nais mong ipadala para sa kanila aayusin ko na din ang pinapahanda ng lolo mo na mga potions para sa sugat ng Alpha nila"

Napatingin siya sa lalaki na papaalis at hinawakan niya ito sa braso

"Anong sabi mo? tungkol ba kamo sa Alpha?" Tanong niya kay Dane


"0-oo, gamot na panglunas sa makamandag na lason mula sa pangil ng heneral ng mga bampira ang kumagat sa Alpha ng mga lobo kaya humiling ang mga ito na gawan natin sila ng lunas"

Nagtatakang paliwanag nito kung ganoon nga may sugat ang lalaki na nasa isipan niya agad na tinawag niya ang broomstick niya at hinawakan ito

"SASAMA AKO"

Matibay na sabi niya sa lalaki


The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon