Chaos

4.2K 110 0
                                    

 ARIANA'S POV

"Nasaan tayo?" tanong niya sa kapatid

"Miles away from Kael's Pack."

"Akala ko ba magtatago tayo?" gulat na tanong niya sa kapatid

"No. Bakit tayo magtatago? We are born to rule them. They should hide from us and not us."

 Mariing sabi nito and based from her sister's words she hates the idea of hiding.

"Sabihin mo sa akin Alex. Paano ka pinalaki ng ina natin?"

Nais niyang marinig kung anong buhay ang kinalakhan nito kasama ang ina nila.

"She planted all lies I thought was real. She told me I'll be a werewolf someday. I trained myself to be one of our father's kind and live with werewolves most of my life she even forbid me not to use my magic. Halos ako ang sumanay sa sarili ko para matutong gamitin ang magic ko at para sa ganoon ay makontrol ko rin------"

"ALEX!!!!"

Nagulat siya ng makita na lang ito na tumalsik sa isang puno ng Acacia dahil sa hindi nila parehong namalayan na dumating si Kael at agad na sinugod ito. Paano nito nalaman kung nasaan sila? Wala pang ilang minuto na dumating sila ng kapatid niya sa lugar. Lalapitan niya na sana ang kapatid niya ng lapitan siya ni Kael at agad na niyakap ng sobrang higpit.

"Ayos ka lang ba hindi ka ba niya sinaktan?"

Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Agad na tumango naman siya at inalis naman nito ang yakap nito sa kanya kaya agad na tumakbo siya sa kapatid niya pero nagulat siya ng makitang hindi katawan ng kapatid niya ang nakita niya kundi isang puno ng saging na nakahiga sa malaking puno. Sigurado siyang kapatid niya ang nakita niyang tumilapon pero bakit wala ang katawan nito.

"Kung hindi pala ako agad naka-iwas malamang na  nakita ko na si kamatayan"

Sabi ng kapatid niya na nasa ere at seryosong tumingin sa direksiyon ni Kael.

"Paanong?" 

Gulat na tanong ni Kael na katulad niya ring hindi inaasahang makita sa ere ang kapatid niya na wala man lang isang gasgas.

" Kailangan kita makausap Kael kasama ng kakambal ko." 

Ang sabi ng kapatid niyang si  Alex na seryoso pa ding nakatingin  kay Kael.

"Kakambal?!"

Gulat na tanong naman ni Kael na tumingin sa kanya.



"Oo magkapatid kami at kailangan ka naming maka-usap may dapat kang malaman."




KAEL'S POV

 May pakiramdam siya na mahalaga ang pag-uusapan nila ng babaeng ang pagkaka-alam niya ay isang sundalong sorceress pero hindi niya alam na kapatid pala ni Ariana at mas lalong kakambal pa. Malayo naman kasi ang pisikal na anyo ng dalawa. Higit na mas matangkad din ang babae kumpara sa babaeng mahal niya na tahimik lang sa likuran niya at mahimbing na natutulog. Nasa anyong lobo siya at ang babae naman ay nasa ere lang din at lumilipad at may kung anong aura siyang nasasagap sa babae na tila may palagay siyang naramdaman niya din niya kay Ariana noong hindi niya pa ito namamarkahan pero higit na mas malakas ng halos ilang beses. Umiwas siya ng tingin ng tumingin din ito sa kanya.


"Alam kong mahal mo ang kapatid ko."

 Ang sabi nito at napatigil siya sa paglalakad ng bumaba ito sa harapan niya.

"May papaki-usap ako sa'yo. Isang linggo mula ngayon dadating ang kaarawan namin at ang kapatid ko paki-usap itago mo siya mula sa kung sino mang lobo sa araw na iyon. Hindi ko kayang ialis at ilayo siya sa'yo alam kong alam mo na mahal ka din ng kapatid ko.Isang bagay din pala gusto kong ipakausap sa'yo magtiwala ka sa kapatid ko katulad mo isang lobo din siya pero ngayon hindi pa siya nagiging isa sa inyo at hindi pa nagkakaroon ng pagbabago ng anyo bilang isang lobo.Kailangan ko siyang ipagkatiwala sa'yo dahil nilikha kayong dalawa na maging isa at dapat na maging katuwang ng isa't isa. Dapat na akong umalis "

Agad na nawala na parang bula ang babae sa harap niya.Natutuwa siyang alam din ng babae na may damdamin din si Ariana sa kanya. Kaya nga niya nahanap ang lugar kung saan ito ay dahil sa may nararamdaman siyang enerhiya na parang tinatawag siya.




The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon