KASALUKUYAN

10.2K 254 0
                                    

PRESENT 

Sa loob ng kakahuyan piniling tumira ni Ariana mula ng malaman niyang hindi naman talaga siya isang werewolf. Hindi din totoong isinumpa siya ng isang mangkukulam kundi isa talaga siyang anak ng isang totoong Sorceress at ibinigay siya ng totoo niyang ina sa kanyang kinilalang magulang na pawang mga lobo.

Hindi niya na rin pa tinanong kung bakit siya ibinigay ng totoo niyang magulang sa mga ito at sinabi lang ng kanyang totoong ina na kukunin siya nito sa tamang panahon. Marami siyang nababalitaan na wala lang para sa mga Sorcerers at Wizards ang magkaroon ng mga anak at hindi sila sanay magpalaki ng sarili nilang mga anak kaya ang iba ay pinapalaki lang nila sa mga mortal at kinukuha pag dating ng ika-16 na kaarawan.

Wala namang alitan ang mga totoo niyang kalahi (sorcerer) sa mga lobo kaya hindi din masamang tumira siya sa kanyang mga magulang ngunit napagdesisyon niya pa din na umalis mula ng matuklasan niya ang lahat ng tungkol sa kanyang sarili. She can't live with her parents dahil sa tuwing mas lumilipas ang panahon mas higit na lumalabas ang kapangyarihan niya and she needs to control herself and her powers.

5 years mula ng lumabas ang kapangyarihan niya and still hindi pa din naman siya kinukuha ng tunay niyang ina at ngayon nga nasa paaralan siya para pumasok sa klase niya sa bago niyang paaralan na exclusive for Magic users.

Wala naman sigurong masama kung umikot siya sa buong academy. One week na din siyang nag-aaral kaya nasanay na din siyang makita ang kapwa niya mga estudyante na nakasakay sa mga magi broomstick. Nagulat siya ng nasa gate na siya ng school nila nang matabig siya ng kung sino at napaupo siya sa harap ng Gate.

"Mga mangkukulam na hindi marunong magsorry."

Asar na asar na tumayo siya at tiningnan ang magandang babaeng nasa harapan niya .

"You can try to use your magic para isumpa ako." Sabi nito at nginitian pa siya well not a bad idea pero agad niyang binura sa isipan.

Nilampasan niya ito she can say na isa itong anak ng malakas na wizard at may hawak itong broomstick at magic wand kaya agad na malalaman kung anong lahi ito.

"Hey!" tawag nito sa kanya pero wala siyang planong kausapin ito nasa dugo na rin yata ng mga Witch at tulad niyang magic users ang madaldal dahil talagang sinundan siya nito at sigaw ng sigaw. 
















"Dane!"

Tiningnan niya ang bestfriend niya na tinatawag siya mas nauna siyang pumasok sa school kaysa dito dahil hinatid niya pa ang kapatid niyang babae pero mukhang ngayon lang din ata pumasok ang bestfriend niya.

"Sid, ikaw pala. " Walang ganang bati niya dito kanina niya pa hinintay ang kapatid niya para sana sabihin dito ang pinapasabi ng ina nila na sa kung saan na naman pumuntang lugar.

"Huhulaan ko kung bakit ganyan ang itsura mo." Natatawang sabi nito

"What?"

"Hinahanap mo na naman ang kapatid mong lagalag na mana sa ina mo."

Kasabay ng tawa nito kilala na siya ng bestfriend niya na laging tagahanap ng kapatid niya kaya sanay na din siyang pagtawanan nito.

"Yes dude, she is missing again for heaven's sake."

Inis na inis na siya halos buong araw siyang nasa classroom nila at nagrerelax and his sister just ruined his day. Wala yatang araw na hindi nawawala ang kapatid niya lalo pa at may kapangyarihan ito ng teleportation na gaya sa kanilang mama.

"Bakit di mo na lang siya gamitan ng magic mo para makita mo na siya."

That's a good idea but his power might be uncontrollable.

"I can't."

"Pwede ko siyang hanapin, if you want. I have my magic mirror to find her."

Sabi nito at nilabas na nito ang magic mirror na ang mayroon lang ay ang Familia nito na masasabing heirloom na din at naipamana pa dito.

"Sure" Mas may tiwala siya sa magical instruments nito kesa sa kapangyarihan niya.

"Pero pwede ding hanapin muna natin ang pinakamagandang sorcerer sa buong school natin."
Ngumiti pa ito sa kanya medyo matakaw sa magaganda si Sid kaya walang ganang nginisian na lang niya ang kaibigan.

Bumulong na nga ito ng isang magic spell, isang spell na tinuro muna dito ng sarili nitong ama bago pinasa sa kaibigan niya ang magic mirror. 

Agad na umusok ang salamin at may nakita silang imahe na medyo malabo at agad na naging malinaw din naman agad makalipas lang ang ilang segundo.





The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon