Guardian

4.5K 123 0
                                    

ARIANA'S POV

Naka-upo siya sa silid niya at inaalala ang mga magulang na kumupkop sa kaniya at hindi niya naiiwasang maalala si Kael na nagsabi na mate siya nito. Isang buwan na siyang nasa mansiyon nila at ngayong araw nga dadating ang lolo niya.

"Lady Ariana pinapatawag po kayo ni Lady Pricilla nandiyan na po ang lolo ninyo" -tawag ng isang maid nila sa mansiyon agad na tumayo naman siya at sumama sa babae 

Nakita niya ang tita niya kausap ang isang nasa edad 30 pataas na lalaki pero unti-unting nagbago ang anyo nito at naging anyong matanda. Tumingin sa kanya ang lalaki at lumapit sa kanya at wala ano anoý niyakap siya ng mahigpit naramdaman niya ang agarang lukso ng dugo sa lalaki.


"apo..." suminghot- singhot pa ito na umiiyak habang yakap siya 

"l-lolo ... "

Lumuwag ang yakap nito at tiningnan  siya nito sabay ngumiti sa kanya at pinupunasan ang luha niya sa mga mata. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya. 

"Prisci anak ng ate mo nakita ko na din."tuwang-tuwang sabi nito



Naglalakad sila sa garden ng mansiyon nila habang nagkukwento ang lolo niya tungkol sa mama niya.

"Napakagaling ng mama mo at lubos ang tiwala ko sa kanya na siya ang magmamana sa aking kapangyarihan lalo na nga at siya ang panganay. Siya ang inutusan ko noong dalhin sa mga lobo ang potion na pinagawa nila sa akin para sa mabilis na paggaling ang mga sugat. Mabilis siyang magpalipad kaya nagtataka ako kung bakit ang tagal niya noong nakabalik isang Alpha ang nag-utos sa akin na gawin ang gamot at isa sa mga kaibigan ko kaya agad na nakausap ko naman ang kaibigan ko at sinabi niya na inutusan niya ang mama mo na dalhin ang gamot sa kanilang pack doctor.Pero hindi agad umuwi ang mama mo ng makita niya na kailangan ng tulong ng mga lobo at doon nga niya nakilala ang ama mo sugatan ang ama mo noon at siyang ginamot naman ng mama mo. Wala naman akong dahilan para pigilan ang mama mo na tulungan ang mga lobo pero nalaman ko na minahal ng lobo mong ama na iyon ang mama mo hindi ko sila hinayaang magsama dahil hindi maaari ang gusto nilang dalawa. Isang sorceress ang mama mo at siyang tagapagmana sa angkan natin ng singsing ng Familia Crowell." 

Tila may dumagan sa dibdib niya ng marinig ang sinabi ng lolo niya

" kung ganon kayo ang dahilan kung bakit umalis ang mama ko at iniwan ako sa isang mag-asawang lobo"-hinanakit niya dito at malungkot na tumango ito 


"Inaamin ko,  ako ang naging dahilan ng pag-alis noon ni Alicia may ilang beses na din siyang humingi sa akin ng tulong para tanggalin ang singsing na binigay ko sa kanya pero wala akong magagawa sa oras na karapat-dapat na ang tagapamana ng singsing ay doon lang maaaring tanggalin ang singsing." tiningnan nito ang singsing sa daliri niya

"pero bakit ako iniwan ni mama?" tanong niya sa lolo niya

"Bago umalis ang mama mo nalaman ko na buntis siya sa ama mo at gusto kong alisin ka sa katawan ng mama mo sinubukan kong gumawa ng potion at pinilit siyang inumin iyon" 

Nagulat siya sa sinabi ng lolo niya.

"Pero imbis na malaglag ka gaya ng inaasahan ko tila mas lumakas pa ang mama mo at ang kapit mo sa kanya at sa gabi ding iyon hindi ko namalayang tumakas siya papunta sa iyong ama pero pagdating niya doon nakita niya ang ama mo na wala na ding buhay at pinarusahan ng kanilang  Alpha. Galit na galit ang mama mo at mula noon hindi ko na ulit siya nakita pa.Natutuwa ako at buhay siya base na din sa sinabi mo kung siya ang nagbigay sa iyo ng singsing marahil tinago niya ang sarili para protektahan ka sa kaibigan kong Alpha at sa iba pang mga lobo. " 

Naramdaman niya ang galit sa Alpha na pumatay sa ama niya at kung bakit hindi siya maalagaan noon ng mama niya magpasa hanggang ngayon.

"Mabuti na lamang at hindi mo na kailangan pang mamili sa kung saan ka sasama. Ang mama mo ang kauna-unahang tagapagmana na hindi nasunod at nagawa ang tungkulin niya sa angkan natin ngayon ikaw na lang ang papalit sa kanya. Ipapakila na kita bukas na bukas din sa buo nating mga angkan inutusan ko na din ang tita mo para ayusin ang damit mo "

sabay hawak nito sa kamay

Papalit siya sa mama niya?? Naramdaman niya ang kagustuhang humindi sa lolo niya at kaagad na tinanggal ang hawak nitong kamay niya.

"hindi ako bagay na pwede niyong utusan lolo at hindi ako tulad ni mama na masunuring bata"

agad na tinawag niya ang broomstick niya at sasakay na sana dito ng biglang tumigil ang paligid niya at nahilo siya bigla

"kailangan ka namin apo " 

narinig niya sabi ng lolo niya bago siya bumagsak sa damuhan

    Nasa harap niya ang isang pulang damit na inutos sa kanya ng lolo niyang suotin kaya isang itim na damit ang sinuot niya imbis ang damit sa harap niya. Nakaramdam siya ng poot ng malaman na kailangang palitan niya ang pwesto ng mama niya bilang isa sa mga tagapagbantay ng kanilang angkan at siya ang bantay na mula sa Familia Crowell, Tumayo siya sa itaas ng ginawang stage ng pamilya niya dahil tinawag ang pangalan niya bilang isa sa mga Master Guardian .Ibinigay sa kanya ang isang kadena na isang magic instrument for protection sa kanilang mansiyon na gagamitin niya sa pagprotekta sa angkan nilang mga Sorcerers at wizards. Nagulat siya sa nalaman na si Dane ay isa sa mga Master Guardian na pinalitan ang pwesto ng papa nito para naman sa Familia nito dahil ito ang unang anak.  

"Sa halos dalawang dekada nabuo nating muli ang mga Guardian na magpapanatili ng ating malakas na samahan" 

Agad na nagsipalakpakan ang lahat ngumiti na lang siya kahit wala sa intensyon niya ng makita si Shantalia na sumisigaw para sa kapatid nito. Napansin din niya na ibang-iba siya sa mga kasama sa stage dahil nakangiti ang lahat maliban sa kanya. Umalis siya agad sa stage at bumalik sa kwarto niya.



Aisle_infinity



The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon