Special Chapter

4K 115 2
                                    

Alicia's POV

"Two mixed-blood from the werewolves and sorceress will turn to be the most powerful werewolf and sorceress of all time. They can rule all the immortal kingdoms.They have the power to raise a new and powerful Kingdom where the mortals from different kingdoms could live in harmony and equal law . Their power will be feared for they can kill and destroy everything they want we only have two choices either we accept them as our new enemies or as our new kings that must be served with our  respect and loyalty ."

 Ang palaging pangitaing napapanaginipan niya tuwing sasapit ang kaarawan ng mga anak niya at ang matagal niya ng inilihim sa ama niya mula ng malaman niyang nagdadalang-tao siya sa kanyang kambal  .Wala siyang ibang pinagsabihan maliban sa asawa niya na pinaslang naman ng Alpha nito na siyang kapatid pa mismo nito sa ama.Mula ng malaman niya ang pangitain buhat sa kanyang kaibigang sorceress din ay itinago niya sa lahat ang dugong nanalaytay sa kanyang mga anak. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay inilagay niya sa ika-25 edad ng kanyang mga anak ang paglabas ng mga kapangyarihan ng mga ito. 

Iniwan niya si Ariana sa isang mag-asawang lobo sa pag-aakalang magiging katulad niya din itong sorceress. Mapalalayo sa mga sorceress na maaring mangahas na paslangin ito upang lumipat ang kapangyarihang maisasalin lamang kung patay na ang mga anak niya sa taong papatay sa mga ito.

Si Alex naman na akalang niyang magmamana ng pagiging werewolf ay hindi niya pinagamit at tinuro ang mga spell na dapat ay nalaman nito. Hindi na siya nagtaka kung bakit higit na makapangyarihan ang nasagap niya noong kapangyarihan buhat sa mga wand ng anak niya noong wala pang gamit ang mga itong magical ring o instrument dahil higit sa kapangyarihan o salamangka si Ariana ay nakatadhanang maging lobo. Si Alex naman ang nakatadhanang magiging kalahi niya.

"Panahon ng lumabas kayo mama!" ang sigaw ng anak niyang si Alex ng bumalik ito ng huling dinala nito sa kanilang mansiyon ang kakambal nito

Alam niyang malaki ang pagkukulang niya sa mga anak lalo na ang pag-alaga sa mga ito. Malayong-malayo sa paraang dapat ginawa niya dapat inilayo na lamang niya ang dalawa niyang mga anak ng magkasama.

Nagsisisi siya.

Tumingin na lamang siya sa buwan ng makitang tila isang bolang kristal na tumatanglaw sa kalangitan.

"Maligayang kaarawan mga anak. Babalik na ako sa inyo hindi na uli ako magtatago pa."

"MAMA!!!!"

Narinig niyang sigaw ng anak niyang si Alex sa silid nito. Nagsisimula na....

"KAEL!!!!!!!!!!!" 

Malakas na sigaw ni Ariana naman ang gumising sa nahihimbing na si Kael at agad na hinabol ang mahal niyang babae na tumakbo sa labas ng kaniyang mansiyon.

Tumigil lamang siya ng makita ang pagbago nito ng anyo. Isang kulay-abuhing lobo na may ilang pulang balahibo sa katawan ang nakatayo gamit ang apat na mga paa ang nasilayan niya at may apoy sa dulo ng buntot nito. Walang-wala ang kulay puti niyang balahibo kumpara sa anyo ng lobong nagpapabilis ngayon ng tibok ng puso niya sa katawan.

ARIANA!! MY MATE



The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon