Hiling

3.6K 85 0
                                    


Agad na niyakap niya si Ariana na nasa kanyang tabi nag-aalala siya lalo at mas naramdaman niya rin ang taglay na lakas ni Ariana tuwing may buwan. Dapat nga yata ang pinakaunang niyang gawin ay ang masigurado ang pagkontrol na kakayahan ni Ariana sa wolf nito.

"Ariana???"

Hanap niya sa katabi ng magising siya sa kalagitnaan ng gabi.Agad na bumangon siya ng makita itong nakadungaw sa labas ng kwarto nila.

"Ariana--"

"N-Nararamdaman kong may paparating na p-panganib Kael"

Nanginginig na sabi nito sa
kanya habang nakatalikod at nakaharap sa buwan.

"Kaya ka ba hindi makatulog??"

"Oo at may mga tao akong nakikita sa panaginip ko na may kinukuha mula sa akin."

Niyakap niya na lamang ito at hinarap sa kanya.

"Wala silang makukuha mula sa 'yo dahil kung anong iyo ay akin lang at proprotektahan kita laban sa kanila."

Nagulat siya ng maramdaman ang mga luha nito na pumapatak sa braso niya na nakasuot lang ng sando na pantulog.

"Hindi.Ako ang proprotekta sa 'yo dahil I-Ikaw ang nakikita kong kinukuha nila sa akin. Nais nilang makuha ako at ikaw ang gagawin nilang pain at hindi ako sigurado kung ano sila. Hindi ko alam kung lobo o mga wizard o mga bampira."

"Bakit mo baman ako proprotektahan pa?? Akala ko ba galit ka sa akin dahil sa pagkakagat ko sa leeg mo ng walang permiso."

Agad na pinalo nito ang ang dibdib niya.

"Baliw ka ba!? Wala na rin namang mangyayari kahit anong tanggi ko may nangyari na rin sa atin kaya obligasyon mong pakasalan at panindigan ako.Kaya nga hindi ka pwedeng mamatay!! Gag* ka ba!!"

Natawa siya sa sinabi nito.

"Papanagutan mo rin ang nangyari sa atin wala kang kawala sa'kin pero mas gusto ko pa din malaman na kung mahal mo'ko."

Babawiin na lang sana niya ang sinabi niya ng maramdamang nanigas ito pero bigla siyang napaiyak sa marinig na sinabi nito.

"Anong sinabi mo?"

"M-mahal kita." At niyakap pa lalo siya ng mas mahigpit.

Sa wakas at nasabi mo rin.

sabi ng wolf niya sa kanya

Oo na.

Ang akala ko wala kang guts na sabihin 'yon sa mate natin.

Nakataray na sabi nito sa loob ng isip niya.

Pwede ko ba rin palang pagbigyan ang mate natin sa gusto nito.

Anong pagbigyan??

Huh???Anong ibig mong sabihin.

Wala malalaman mo rin

Ayon lang at agad na naglaho din ito sa kanyang isip.

Yasmine<<3

"Ayos ka lang ba????"

Tanong ng tito niya Gabriel sa kanya ng magkatawang lobo siya para amoyin ang mga lobo pero wala siyang naamoy sa lahi ng pamilya nila.

"Ayos lang ako pero wala akong makitang bakas ng kadugo natin sa mga naririto mas mabuti pang sa iba pang pack tayo tumungo."

"Tama ka. Halika na at magpahinga para kapag bumalik ang lakas mo'y aalis na din tayo."





Aisle_infinity 😘

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon