CROWELL'S MANSION
Ariana was amazed that her mother was known to be one of the most powerful Sorceress and to know that her family is not just a normal family of sorceress but they are the best one. Nasa loob siya ng Mansion ng kanilang pamilya at nakatingin sa magandang painting ng buong pamilya ng mama niya.
Kompleto ang tatlong mga anak ng lolo at lola niya kasama ang mama niya na panganay sa tatlong babaeng magkakapatid pangalawa ang tita Pricilla niya at ang bunso na si Patricia. May mga Maria pa pala ang buong pangalan ng tatlo ang pangalan naman ng lola niya ay Anastacia at Peter naman ang pangalan ng lolo niya. Her real name is Ariana Yzabelle Crowell dahil hindi naman niya alam kung ano ang apelyido ng papa niya.
She discovered that her aunt Pricilla can create portals to go in any places she wants. The only place that her aunt can't find is where her mother is. Her late grandmother can heal any curse but in exchange of healing others the magic she used speed up her death the main reason her grandmother died at a young age.Her grandfather is still the best Sorcerer in making potions and magic fumes.
Dahil na nga rin sa rason na'yon iti-train daw siya ng tita niya at ipapakilala na rin sa buo nilang angkan kaya siya pinapunta nito sa Mansion ng pamilya nila.
"Dito kami natuto ni ate at Patty na gumawa ng mga potions at dahil na rin sa hilig ng lolo mong pagbasahin kami ng mga potion books pero si Patty lang talaga ang pinaka nagmana kay papa. Si ate ang pinakamaagang natutong manggamot sa amin but then she can't heal and break curse kagaya ng kay mama but she's the best flyer of broomstick at walang nakakatalo sa kanya even the witches. Malakas si ate sa aming tatlo pero siya rin ang pinakamahirap mapasunod."
Nilibot niya ang paningin sa buong lugar,sa isang laboratoryo siya nito dinala na nasa ibabang parte ng Mansion nila.
Napapangiti pa ang tita niya
" Nakikita ko na ganon ka din . Si ate ang taong mahilig sa lahat ng bagay na bawal, siya yung tipo ng taong mas lalong lumalapit sa mga bagay na hindi pwede kaysa sa matakot. Noong nag-aaral pa lang kami mahilig siyang mawala sa klase minsan nga may iniiwan pa siyang clone na akala namin siya pero hindi pala pinakamagaling na taga-bantay si ate Alicia.She used to guard and protect kaya hindi na din ako magtataka kung paano ka niya natago sa amin."- tumingin ito sa kanya
"Sa tingin ko naman malapit na siyang bumalik at sigurado akong hindi yun papayag na ako ang mag-train saýo lalo na at gusto ka niyang maging apprentice."
"Hindi naman na importante kung siya o ikaw ang magttrain sa akin tita alam kong kaya mo akong turuan."
"Iba sa akin si ate, mas mainam pa din kung siya ang magtuturo sa'yo at sa kanya mo lang malalaman kung ano pa ang kayang gawin ng singsing na 'yan sa daliri mo."
Wala na siyang sinabi pa rito at sinundan niya na lang ito kung saan pa siya nito dadalhin.
"Sa likod ng Mansion natin ka pwedeng gumamit ng singsing mo dahil hindi ka papayagan ni papa na gumamit ng kung ano mang magic sa loob ng bahay maliban na lang kung nasa laboratoryo ka dahil sa may orasyon kaming ginawa para hindi mawasak ang loob nun. Ipapakilala kita kay papa sa makalawa dahil sa nasa misyon siya at alam mo na gusto niyang gumawa tayo ng party para sa pagpapakila ng ating angkan sa'yo ."
Kinakabahang tumango na lang siya
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate was a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)
WerewolfPaano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle Crowell Isa lang ang alam niya, sa mundo ng mga immortal isa siya sa hindi alam kung saan siya luluga...