Punong Babaylan POV
"Totoo bang wala sa anak namin ni Alpha Gabriel ang sinasabi ng Moon Goddess?"
Tanong ng kanilang hari sa kapatid nitong Alpha na masama ang tingin sa kanya.
"Opo kamahalan totoong wala sa inyong anak na tatlong mga anak at sa anak ni Alpha Gabriel na dalawa ang sinasabi sa aking pagitain mula sa Moon Goddess."
Napayuko ang Hari ng marinig ang sinabi niya sa trono nito.
"Kung ganoon nasaan ang tinutukoy ng Moon Goddess? Walang anak ang kapatid kong si Raphael."
Tukoy naman nito sa kapatid nitong dating Beta sa pack ng kinatatakutan nitong kapatid na si Alpha Gabriel.
"Sa inyong tatlo ang kapatid nyong si Raphael ang siyang sumunod sa nais ng Moon Goddess na tanggapin ninyo ang mate na ibinigay sa inyo para maging kabiyak . Ikaw kamahalan hindi ba ang pinakasalan ninyo ay hindi ang inyong mate na inilaan para sa inyo kung hindi ang ipinagkasundo sa inyo ng inyong ama at ganun ka din Alpha Gabriel. Lahat ng inyong mga dapat na naging mate ay wala sa ating lahi gaya ng sa inyong kapatid. Isang mortal at isang bampira ang itinakda sa inyo kaya inayawan ninyo sila na kabaliktaran sa ginawa ng inyong kapatid na bunso. Hindi naman ipinagbawal ng Moon Goddess na layuan ninyo sila pero sa kanilang batas alam niyong hindi kayo matatanggap wala sa inyo ang sumunod sa nais ng inyong dyosa maliban sa inyong kapatid. Kapatid na pinatay ninyo na walang kasalanan kundi ang sumunod sa nais ng kanyang puso at sa utos ng ating Moon Goddess."
Nagulat ang dalawa sa ginawang rebelasyon niya sa mga ito. Akmang sasampalin na sana siya ng Kapatid ng hari pero agad na napalibutan siya ng aura ng kanyang kwentas."Tama na Gabriel!"pigil naman ng Hari sa kapatid nito
"Sinabi ko ngayon sa inyo na wala sa inyong mga anak ang nais na mamuno ng ating Moon Goddess kundi ang anak ng inyong kapatid sa mate nitong si Alicia Crowell na isang sorceress. "
"May anak ang kapatid kong si Raphael?" tanong ng hari sa kanya
"Opo kamahalan at isang hybrid or mixed-blood ang ipinahahanap niya sa atin pero ngayon isang ganap na lobo na ang inyong pamangkin at ngayon ay nasa isa sa mga pack sa Kingdom natin."
sabi niya pa sa mga ito
King's POV
(Silid ng Hari)
"Ano bang ginawa mo Gabriel!?Ang akala ko ay traidor ang kapatid nating si Raphael kaya mo siya pinaslang!"
galit na tanong niya sa kapatid na pangalawa
"Oo totoo naman hindi ba!? Isang traidor si Raphael ginawa niya tayong suwayin at ang nais ni ama na sundin natin ang tagubilin at batas ng mga immortal at bawal tayong mag-asawa ng hindi naman natin kalahi."
"Pero ang nais ng Moon Goddess mula nang ako ang naging hari ang ipinapasunod ko. Hindi ko nais ipakasal sa isang kalahi natin at ireject ang mate ko noon pero dahil ang ama natin ang dating hari ay wala akong nagawa para sa mate kong mortal.Matagal ko siyang nakalimutan pero kahit minsan hindi ko man lang minahal ang asawa ko ngayong si Alona. Hindi ba ganun ka din sa iyong kabiyak na si Cristal?"
at tiningnan niya ang kapatid
"Oo tama ka!!Kaya ng mabatid kong isang sorceress ang mate ng kapatid nating si Raphael at nalaman kong kinasal siya dito ay nagalit ako sa kanya----"
"MALI!! Hindi ka galit kundi naiinggit ka sa kanya! Kapatid natin angpinatay mo!maledicentibus vobis (curse you!!) "
Galit na sabi nya sa kapatid
"contristatus ( Sorry) pero wala na akong magagawa pa napatay ko na ang kapatid natin at alam kong nararapat akong maparusahan dahil sa ginawa kong ito."
"Alam mo naman siguro kung ano ang parusa sa ginawa mo?!"
"Oo kapatid ko, aalis na ako ngayon din bilang Alpha."
malumanay na sabi nito sa kanya
"Inaalis na kita bilang Alpha at ang nais ko din ay kahit isang anak mo kailanman ay hindi na maaari pang maging Alpha.Kapalit yan sa buhay ng kapatid nating si Raphael at sa pagsuway sa Moon Goddess."
Tiningnan niya ang kapatid niya alam niyang matapang ito pero sa kanya ay kaya nitong magpasailalim bilang siya ang mas nakakatandang kapatid.
"Oo tinatanggap ko ang parusa."
"Nais ko din na hanapin mo ng personal ang ating pamangkin at itinatakda kita bilang maging isa kong Heneral."
"Aalis na ako ngayon din para hanapin ang anak ng ating kapatid nais ko ding humingi ng kapatawaran sa kanya. Kasama na sa ina nitong si Alicia malaki ang nagawa kong kasalanan at matagal ko na dapat itong pinagbayaran pero nanaig sa akin ang sarili kong paniniwala noon na tama lamang ang ginawa kong pagpaslang sa ating kapatid."
"Umalis ka na at isama mo ang anak kong bunso na si Yasmine malakas ang kanyang pang-amoy at matalas din ang kanyang paningin lalo pa at nasa digmaan tayo. Siguradong maraming nagkalat na bampira at naliligaw ngayon. Hintayin mo na lamang siya sa labas ng palayo."
yumuko naman ito sa kanya at umalis
Yasmine pinapadala kita sa isang misyon maghanda ka na makakasama mo ang aking kapatid at makikita mo siya ngayon sa labas ng ating palasyo siya na din ang magsasabi sa iyo ng inyong misyon.
tawag niya sa anak na prinsesa gamit ang mind link nilang mga lobo wala pang ilang oras ay sumagot din ito
Pupunta na ako doon ama
Mahalaga ang misyong ito sa amin ng aking kapatid kung kaya nais kong mag-ingat kayo wala pa ang iyong dalawang nakakatandang kapatid sa palasyo at kakaalis palang nila.
Opo ama sinisugaradong ligtas kaming makakabalik.
Aisle_infinity<3<3
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate was a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)
WerewolfPaano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle Crowell Isa lang ang alam niya, sa mundo ng mga immortal isa siya sa hindi alam kung saan siya luluga...