Wound

3.8K 110 1
                                    

ARIANA'S POV

Nagulat siya ng makita ang pack nila na punong-puno ng mga lobo na halos karamihan sa mga ito ay sugatan. Suot niya ang itim na cloak niya at may tatak ng kanilang lahi at hinayaan niyang nakatakip sa mukha niya matagal na din ang lumipas at alam niyang ibang-iba na ang amoy niya para sa isang dating normal na tao.

Papunta sila ni Dane sa pinakamagaling na doktor ng pack at halos hindi na din sila makasiksik sa pila ng mga sugatang lobo karamihan sa nakikita niya ay ginagamot ng mga ito ang sarili at inaalis ang pulburang pilak na ginagamit ng mga bampira sa labanan.

Nagtanong si Dane kung saan nila pwedeng makita ang doktor sa mga lobo at tinuro naman sila sa gawi ng isang taong nakasuot ng face mask.

Luminga siya sa paligid para hanapin ang mama at papa niya pero hindi niya makita ang dalawa ng makalapit sila sa doktor na may suot na face mask ay nagulat siya ng mabistahan kung sino ang doktor.

Ang mama niya ang gumagamot sa mga lobong sugatan at nalaman niyang nasawi sa digmaan ang ama niya. Dalawang taon na ang nakakaraan nang biglang nagising muli ang alitan ng mga bampira at lobo dahil sa isang batang-babae na lobo na nadakip ng mga bampira sa kanilang kaharian at walang awang pinaslang. Sa pagaakala ng mga bampira ay isang tao lamang ang bata na naligaw sa kanilang teritoryo lalo pa at hindi pa nakakapagpalit-anyo ang babae bilang isang lobo.

"Kung ganoon kayo pala ang pinadala ng mga Familia Carlisle para dalhin ang gamot sa Alpha namin?"

matapos na kausapin ni Dane ang mama niya

Gumamit siya ng ilusyon para itago ang anyo sa mama niya at hindi naman alam ni Dane kung ano ang itsura ng mga lobong kumupkop sa kanya.

"opo" tugon ni Dane

"Marunong ba kayong manggamot?" tanong ng babae

"isa po akong manggagamot "sabi ni Dane

Si Dane ay pinakamagaling manggamot sa kanilang mga Guardian at bihasa sa paggawa ng mga gamot at kadalasang sa lalaki siya nagpapagawa ng mga potions. Sa mundo ng mga tao isa itong magaling na Chemist.

Ngumiti ang mama niya at inakay sila sa loob ng pagamutan ng mga sundalo .

" Pumasok muna kayo" sabi ng mama niya

Bumungad sa kanila ang isang higaan na kung saan nakahiga ang lalake na matagal niyang hindi nakita.

Nakapikit si Kael at may malaking gasa na nakatakip sa braso nito gayundin sa tiyan nito.

"siya ang Alpha namin"

pakilala ng mama niya sabay lapit sa dextrose na nakakabit sa lalake at chineck kung anong lagay ng pasyente nito

"anong nangyari sa malaking sugat niya?" tanong niya sa mama niya

"Nilusob kami ng mga bampira ng malaman ng mga itong kaanib kami ng Hari ng mga lobo para lumaban sa digmaan. Nakagat siya ng isang Heneral na may lason ang mga pangil na hinaluan ng makamandag na katas ng isang dahong ligaw at para sa isang lobo hindi basta-bastang matatanggal ang lason lalo na at may ibang sugat pa kaming sugat na natamo sa labanan. Napatay ni Alpha ang bampira pero nalason naman siya dahil sa pangil ng bampira. "

Nilapitan niya si Kael at tiningnan ito sa mukha. Tila gusto niyang iumpog ang sarili ng biglang bumilis na naman ang tibok ng puso niya ng makita ang makisig na itsura nito at ang katawan nitong matipuno pa din kahit na may sugat ito sa tiyan. Pumayat ang lalaki pero mas lalo niya yatang nakita kung gaano ka aristocrat ang itsura nito.

"Ilang araw na siyang hindi nagkakamalay?"

tanong ni Dane sa kaniyang mama

"isang linggo na kaya nga nababahala na kami"

Inangat niya ang kamay kung saan ang singsing niya at itinapat sa sugat ng lalaki bago siya bumulong ng isang makapangyarihang orasyon na ginagamit niya sa pagpapagaling ng mabilis sa mga sugat. Natanggal ang gasa na nakatakip sa braso ng natutulog na lalaki at tila may liwanag na lumabas sa kanyang kamay na agad na pumasok sa sugat ng lalaki.

"hmmm.. huh.." ungol ni Kael habang ginagawa niya ang orasyon dito.

"A-anong ginagawa ng kasama mo?"

Nakita niya na papalapit sana ang mama niya sa kanya pero nagulat ito ng hindi na ito makalapit pa sa kanila ni Kael. Gumawa siya ng harang para mas makapagconcentrate siya ginagawa.




DANE'S POV

"A-anong ginagawa ng kasama mo?"-tanong ng doktor sa kanya

"Huwag po kayong mag-alala isang manggamot din po ang kasama ko at isang orasyon ng pamilya nila ang ginagawa niya." sabi niya sa doktor na kinalma naman nito

Napatingin siya kay Ariana na gumagamot sa lalaki hindi niya inaasahan na sasama ito sa kanya pero natutuwa siya dahil sa makakasama niya ito habang nasa misyon siya. Isang orasyon ng pamilya ng mga ito ang ginagawa nito at alam niyang nasa malalalim na konsentrasyon ng isip ang kailangan nito para sa pagbuo ng orasyon nakita niya na umungol ang lalaking ginagamot nito.

"iwan po muna natin sa kasama ko ang paggamot sa inyong Alpha"

Sabi niya sa doktor at agad na binuksan ang pinto at sinamang lumabas ang doktor agad na dinaluhan naman nila ang ibang lobo na hirap sa paggamot ng sarili.


KAEL'S POV

Napamulat siya ng mata at tumayo sa kama niya sa clinic ng pack nila ng maramdamang guminhawa ang sugat niya na kumikirot at pati na din ang katawan niyang pagod na pagod sa labanan.

" A-Alpha?!"

masayang nilapitan siya ng mama ni Ariana

Mahina pa din ang pang-amoy na mayroon siya.Lumabas siya ng clinic at tiningnan ang labas ng pack nila at nagtatakang lumingon siya sa sumuusunod na babae.

"Inaayos po ng mga kaibigan natin na galing magical kingdom ang lahat pati na ang pagsasaayos ng mga sinirang gusali ng ating pack"

tugon nito kahit na hindi pa nito naririnig ang tanong niya

"Ilang mga wizards at sorcerers ang pumunta?" tanong niya

" Isang wizard at isang sorceress ang nakapunta Alpha pero ang lahat ng nagmagic sa mga nasira ay ang babaeng Sorceress. Ang lalaki naman po ang gumagamot sa ating mga sundalo."

"Maaari mo ba akong dalhin sa kanila?" tanong niya dito

"opo Alpha" at sabay na silang naglakad








The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon