Untitled Part 36

3.7K 89 0
                                    


"Bakit?" 

Nagtatakang tanong niya kay Ariana na napatigil sa kanilang paglalakad lalo pa at nakita niya ang pagkunot ng noo nito at tumingin sa gawing Silangan ng kaniyang Pack. Nasa gawi kasi na iyon ang Palasyo ng buong Lahi ng mga lobo at kung saan nakatira ang kanilang Hari.

"Wala may narinig lang akong mga yabang ng mga kabayo. Wala ka bang naririnig?" 

Tumingin siya sa buong pack at mas nilakasan pa ang kanyang pang-amoy at pandinig pero kahit anong huni man o anong amoy ay wala siyang nasagap. Mukhang higit ngang malakas at sensitibo ang pandinig ni Ariana sa kanya. 

"Wala akong masagap na kung ano. Sigurado ka ba?"

"Oo at nasa gawing iyon ko iyon naririnig ." turo nga nito sa silangang bahagi ng pack

"Sa tingin ko'y hindi naman iyon isang pangkat ng mga bampira." ani niya na lang dito

"Tama ka hindi sila mga bampira at pawang mga lobo ang lahat sa kanila base sa naaamoy ko." 

Nagulat siya sa kaalamang kahit ang pang-amoy nito ay higit na mas malakas at pambihira sa kanilang mga Alpha. 

"Kung ganun nga huwag na tayong mag-alala pa tiyak na wala silang masamang gagawin sa atin. Malapit lang sa atin ang pack ng isa kong kaibigang Alpha malamang na sa mga oras na ngayon ay nandoon sila kaya mo sila naririnig."

Agad na napansin niya na nag-iba na agad ang kulay ng mga mata nito kahit wala pa man itong ginagawang transpormasyon

"Hindi ako nakatitiyak na hindi sila badya may nararamdaman akong kakaiba sa kanila. Sigurado akong may misyon ang mga iyon." 

"Huwag ka nang mag-alala maraming mga lobong sundalo ang nakabantay sa buong paligid kaya tiyak na hindi sila makakapasok dito agad."  

Sabay hawak niya sa mukha nito . Tumingin ito sa kanya at agad na bumalik sa dati ang kulay ng mga mata nito.

"Hindi ba dapat na akong magsanay? Wala akong masyadong alam sa pagiging lobo nasanay na ako na gumagamit ng magic at mga orasyon. Siguro mas mabuting magsanay na lang ako kaysa sa mamasyal." anito sa kanya 

"sige babalik na lang muna tayo ngayon sa ating silid at magpahinga ka muna mamaya ay simulan natin ang pagsasanay mo. "

"sige gusto ko na ding magpahinga"

 sagot nito at agad na tumuloy sa paglalakad papunta sa mansiyon niya sa pack


Yasmine <3

"Ano nga ba ang misyong ipinadala sa atin ng aking ama?" 

Tanong niya sa kapatid ng kanyang ama na kahit kailan ay hindi niya man lamang makasundo.

"Wala ba siyang sinabi sa iyo tungkol sa misyon? Wala akong tiwala sa iyong kakayahan pamangkin mas maganda pa ngang hindi ka na lamang niya pinasama gayung wala ka namang maitutlong pa."

Napangisi siya sa sinabi nito.

"Natapos ko ang aking mga pagsasanay at kahit noon pa man hindi ba lagi kong natatalo ang inyong mga anak sa mga labanan naming mga  dugong-bughaw. Marahil iyan ang rason kung bakit ayaw niyo sa akin kahit sa aking mga kapatid dahil kami ang susunod na magmamana ng mga pwesto sa kaharian."

Ngunit tumawa lang ito ng malakas.

"Wala sa atin ang magmamana ng pwesto sa kaharian kahit ang mga kapatid niyo. Ang misyon natin ay hanapin ang pinsan mo na anak ng aming bunsong kapatid na si Raphael. Sinabi ng babaylan na nasa isa sa mga pack ngayon ang pinsan mo."

Nagulat siya sa tinuran nito.

"Bakit pumayag si ama na palitan siya sa pwesto ng anak ng isang traidor na lobo. Nilabag niya ang batas ng mga immortal hindi ba?"

Tukoy niya sa kapatid ng kanyang ama na si Raphael

"Oo pero siya ang ninanais ng Moon Goddess para sa trono at para makatulong sa atin para magtagumay sa labanan laban sa mga bampira. Bumaba ka na nandito na tayo sa pack ng mga mandirigmang lobo halos lahat ng naririto ay pawang mga sundalong lobo ng ating kingdom."

"Oo alam ko kaya nga tinawag ang pack na ito na Moon's Knight Pack mas marami pang mga sundalong nakatira dito kahit ang mga babae ay pawang ganun din."

"Sa lahat ng mga pack sa Kingdom natin sila ang isa sa pinakapinagkukunan natin ng mga nagtatanggol kaya malawak ang kanilang pack para sa mga pagsasanay may sariling paaralan din sila. Kaibahan sa lahat walang limitasyon ang edad kung kailan pinapaaral ang mga bata na makipaglaban at ang pinakamagaling ay kinikilalang bagong Alpha sa kanilang pack."

"Sila pala ang laging  may mga hamong ginagawa para may ipalit sa kanilang Alpha buti at nasa ama ko pa din ang kanilang mga tiwala." 

"Kilala din silang mabuti sa ating lahing pinagmulan dahil may koneksiyon tayo bilang tayo ang kinikilalang may purong dugo ng angkan ng mga sinaunag lobo."

Agad na bumaba siya sa kanyang kabayong sinasakyan takip ng kanyang kapa na may simbolo ng kaniyang katungkulan.

"Ang prinsesa ng mga lobo." 

Turan ng isa sa halos dalawampung mga gwardiyang lobo na pawang mga nakahubad baro.

"Oo tama ang anak ng inyong Alpha King IV at ikatatlo sa kanyang mga anak. May  taglay na kapangyarihang Beta." pakilala niya sa mga ito

"Alpha Gabriel ng Half Moon at ngayon ay isa ng Heneral sa palasyo."

Napatingin siya sa kanyang tiyo sa sinabi nito. Bakit isa na lamang heneral ang kapatid ng kanyang ama?

"Nais naming kausapin ang Alpha."


Aisle_infinity






















The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon