Alike

4.5K 115 2
                                    

ARIANA'S POV

Her sister really looks like their mother. They share the same hair color but her sister really looks like her mother's young version with that expressive green eyes. 

"Your sister must not be here, Lianne. They must not know where I am." 

Tumingin ito sa kanya at nilapitan agad siya at niyakap ng mahigpit.Pero saan naman nagtatago ang mga ito?

"Sino ba talaga ang tinataguan ninyo ?" 

Tanong niya sa mama niya lumuwag ang yakap nito at hinawakan ang magkabilaang braso niya.

"Hindi pa ito ang tamang oras anak. May ipapakiusap ako sa'yo wag ka munang magsasabi ng kung ano tungkol sa pagkikita natin." 

"P-pero mama? kailangan ng malaman ni Ariana ang lahat, ilang araw na lang at kaarawan na namin hindi ba't kailangan niya na ding maging handa at lumayo muna sa mga lobo at mga sorceress." 

sabi ni Alex sa tono ng boses na tila gustong ipilit sa mama nila ang dapat niya umanong malaman tumingin ang mama niya sa kapatid niya

"Walang dapat na makaalam na andito siya, ihatid mo muna siya at ibalik mo na lang ilang araw bago ang kaarawan ninyo."-bumaling ang tingin nito sa kanya

"Ariana anak, huwag kang mag-alala at ilang araw na lang malalaman mo na din ang katotohanan kung bakit kita inilayo lalo na kayong magkakapatid pero ngayon hindi muna."

Niyakap siya nitong muli ng mas mahigpit kaysa sa nauna.

"Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama sa lahat ng aspeto sa kanya mo namana, lalong lalo na ang anyo mo. Lianne umalis na kayo dalhin mo ang kwentas kong ginawa para sa inyo." 

Sinuot niya ang kwentas na isa gayundin naman si Alex.

"Isa iyang may mahikang orasyon na ginawa ko ng ipinagbubuntis ko pa kayo para sana sa inyong kaarawan."

Hinalikan sila ng mama nila. Hinawakan siya ni Alex ng bumitiw sila sa mama nila at wala pang ilang segundo ay nagulat siya ng makitang nasa lugar sila kung saan sila nanggaling.

Nagulat siya ng napahagis na lang ang kapatid niya sa kung saan at nakita niya si Dane na nakatutok sa direksiyon ng kanyang kapatid ang wand nito na umuusok. Nakatayo lamang siya at napatulala sa nangyari. Tatakbuhin na sana niya ang kanyang kapatid pero nakita niya itong tumayo mula sa pinagbagsakan nito at singbilis ng kidlat na nawala sa patingin niya. 



"Sinaktan ka ba niya Ariana?!" 

Sumisigaw si Dane sa direksiyon niya dahil sa malayo ito sa kanya bago pa man siya makasagot ay sinusugod na ito ng ilang mga taong-lobo na tila takam na takam pa sa gutom na mga hyaena. 

ALEXANDREIA'S POV

"Shi*!" 

Mura niya ng makita ang braso niyang napinsala dahil sa baliw na lalaking pinatamaan siya ng kung anong mahika. Nakita niya ang ilang sundalong lobo at ginamit niya ang tinatago niyang kapangyarihan, inutos niya sa mga ito na sugurin ang lalaki. 

"You won't like me when I am hurt. I can kill you for this. Sayang ang kutis na minana ko pa sa nanay ko! Dam* you!!" 

Tiningnan niya lang kung paano gumawa ang lalaki ng harang sa susugod sanang mga lobo. She can't win her fight with this guy kung hindi siya mismo ang lalaban dito. She utter a spell and automatically the guy curls like a ball on the ground. Lumapit siya dito and give him a  boring look.

"You can't use your magic in my curse, Mister." sabi niya sa lalaki

"I won't be a soldier slash sorceress if I am not strong enough. You will be having that as long as my wound won't be healed."

Tinawag niya ang broomstick niya na minsan niya lang gamitin dahil sa mas mabilis pa siyang magteleport kaysa sa magpagana ng broomstick niya.

DANE'S POV

He can't walk for almost two days dahil sa pesteng babae na ginamot niya. He was surprised that the girl has a powerful magic compared to him. Nagtataka nga siya kung paano pa ito natalo sa labanan ng mga lobo at bampira kung ganoon pala ito kalakas at kagaling makipaglaban. 

"She is not an ordinary Sorceress for sure." sabi niya kay Ariana 

"A-ano?" tanong nito sa kanya 

"ah, w-wala wala"-sabi niya sa nagpapahingang dalaga sa higaan nito

"Dane?"

"hmmm..? Bakit?" 

"Hindi mo pa din ba kayang maglakad?"-tanong nito sa kanya 

"Masakit pa din ang buo kong katawan pero di gaya noong mga ilang araw. Mga dalawang araw na lang din at mawawala di ito."-ngumiti siya dito 

Hindi niya alam pero hindi tulad dati na araw-araw ay ito na lang ang kausap niya sa pack na iyon at laging iniisip. Nasasanay na siyang hindi ito gaanong kausapin kung hindi ito mismo ang kakausap sa kanya. Totoong mahal niya ang babae pero matagal niya na ding alam na hindi na siya nito kayang mahalin pa lalo pa at mukhang kapatid lang talaga ang turing nito sa kanya.

ARIANA'S POV

Kung maayos na ang kalagayan ni Dane doon niya na rin malalaman kung gumaling na ang sugat ng kapatid niya. Iniisip niya kung bumalik sa mama nila si Alex o sumama na naman sa digmaan ng mga bampira at lobo. 

Tatlong babaeng lobo ang lumapit sa kanila ni Dane at yumuko pa.

"Lady Crowell ,Lord Carlisle ipinatatawag  po kayo ng aming Alpha para sa isang piging kasama ang lahat ng mga lobo bilang pasasalamat sa inyong ginawang pagtulong saaming pack."

Kinabahan siya ng marinig ang sinabi ng babae. 

"Sige, ipaalam mong makakarating kami." si Dane na ngumiti pa sa tatlo

Agad na umalis ang mga ito bago magpaalam sa kanila at may iniwang dalawang kahon na naglalaman ng isusuot nilang damit para sa piging.

"Ariana? Ayos ka lang ba? Namumutla ka may hindi ba maayos sa'yo?"-tanong ni Dane sa kanya at hinipo ang noo niya

"Ayos lang naman ang tempratura mo. Magpahinga ka na lang muna para mamaya ay makapunta tayo sa piging at mamaya na din natin ipaalam na uuwi na tayo sa atin. Ipinatatawag na tayo ng lolo mo dahil nalalapit na ang kaarawan mo at sa susunod na linggo na." 

Tumango na lang siya binigay nito ang isang kahon sa kanya at agad na iniwan niya ito at pumasok siya sa silid-pahingaan. Hihiga na sana siya ng makita niya ang kapatid na sumulpot sa higaan ni Dane.

"Hindi ka pwedeng sumama sa kanya pauwi kailangan kitang dalhin kay mama para sa katotohan na matagal ng itinago sa'yo. Mamaya pagkatapos ng piging isasama na kita sa bahay."-anito sa kanya 

Tama ang kapatid niya kailangan niyang sumama dito para malaman ang katotohanan. 

"Teka, pwede ko bang makita ang damit mo?" ngumiti siya sa sinabi nito

"Wow! ang ganda naman nito." nagulat siya ng makita ang isang damit na kulay asul na may bulaklak na disenyo
















"

The Alpha's Mate was  a Sorceress BOOK ONE(For REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon