"I told you, I could be really evil when someone messes with me.
Tatlong araw pagkatapos mangyari yon, parang hangin nalang sya kay Chanyeol. Kapag kakain ang buong crew, hindi ito sumasama, kapag taping nila, tahimik lang ito at hindi manlang sya tinitignan. Hindi na natutuwa si Baekhyun sa nangyayari.
Umuulan ngayon, canceled ang taping nila outdoor kaya nakahiga lang sya sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi nya iniisip si Chanyeol, bakit nya naman iisipin yon, hindi naman sya guilty, mas gusto nya ngang hindi sya nito ginugulo, o niyayabangan. At least that's the thing that keeps on swarming inside his head.
Naiinis syang tumingin kay Jongdae at sa phone nitong kanina pa tumutunog, kumuha sya ng unan at binato ito. "Aww! Ano ba?!"
"Nabingi ka na ba? Kanina pa tumutunog ang phone mo!" May kung anong tinanggal sa tenga nya si Jongdae bago tumingin sakanya. "Ano?"
"Oh my god." Napa-facepalm nalang si Baekhyun. Nakita nya pang nag-mamadaling sinagot ni Jongdae ang phone nito bago lumabas. After a minute, pumasok ito at tinignan sya.
"You've got a meeting to attend in less than half an hour."
"Ha? Eh diba free ang sched ko ngayon?"
"Sorry, but I think you're sched will be fully book today." He inwardly groans before standing up and heads to the bathroom.
××××
Naupo sya sa bakanteng bangkuan sa tabi ni Chanyeol. Hindi ito ang inaasahan nyang meeting, akala nya buong crew at staffs ang kasama. Nagdasal pa naman sya na sana, naisip ng direktor na dapat nang i-cancel ang movie dahil wala nang patutunguhan ang namumuong cold war sa pagitan ng mga lead actors.
"Bakit tayo lang?" Tanong nya sa direktor, nakaupo sila sa pabilog na lamesa, kasama si direk at ang dalawang pang assitant director at isang writer nila atsaka si Chanyeol. Apparently li-lima sila sa meeting na ito. May inabot ang writer sakanilang dalawa ni Chanyeol, just by looking at it, alam nyang script yon.
"Since, the weather isn't helping out, napag-isipan namin na ituloy nalang yung indoor scene ninyo, we don't have a choice but to execute it right now." Binuklat nya ang papel at agad na napailing ng mabasa ang nakasulat dito. Tahimik lang naman ang katabi nya.
"Pero direk, we've only been together for... i don't know... three days? Pano namin ma-e-execute ang scene na to? We're hardly friends!" Kulang nalang ibato nya sa muka ng writer ang hawak nyang script. Ni hindi nya inaasahan na ganto agad ang ipapagawa sakanila.
Nag-react na rin ang kanina pang tahimik nyang katabi. "He's right. I thought this would be a canceled scene? Bakit gagawin pa din namin?"
"The PDs talk about it. Nagkaroon ng maliit na argument and it resulted to this. Kailangan na sya sa pelikula. You even kiss each other in the first taping, alam kong professional kayong dalawa. Isa pa, you both agreed to this movie even before the scene was canceled!"
They both sighed in exasperation. Bed scene was the least they wanted to shoot right now.
××××
"So how does this works?" Tanong ni Chanyeol sa dalawang pd na kasama nila, "We already set up 4 cameras inside the room. You two will be alone inside, once you enter, the camera will start rolling. Please, kailangan natin matapos to. We knew you were both great actors, so we're expecting a lesser takes in this." Tumango sila.
Kung nung una, kinakabahan si Baekhyun, ngayon pakiramdam nya lalabas na ang puso nya. He's not ready for this, kung ibang artista siguro to, confident pa sya sa isang take, pero hindi sumangayon sakanya ang tadhana. Chanyeol is a great guy and they're not in good terms right now.
BINABASA MO ANG
[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series
RomanceChanyeol is an actor, Baekhyun is an actor. Nagkasama sila sa iisang pelikula. Sapat ba ang oras na nagkasama sila sa trabaho para makilala ang isa't-isa. ROMANCE . BOYxBOY . CHANBAEK ◎1st book of the 슬픈 사랑 Series (Sad Love Series)