"Good morning, Mr. Byun."
Tatlong araw, tatlong araw na syang iniiwasan ni Chanyeol. Tatlong araw narin syang walang problema. Atleast iyon ang iniisip nya.
"Bakit ba napaka-iritable mo?" Naiinis na singhal ni Jongdae sakanya.
"Sino bang hindi magiging iritable kung ganto kainit tapos naka-standby tayo." Naiinis syang kumuha ng bote ng tubig sa cooler na nasa gilid ng bangko saka ininom. Kanina pa sila naka-standby. Nagkaroon ata ng problema sa camera 2 at camera 3 nila. Sino ba namang mag-seset-up ng sirang equipments? Sana hindi nalang tinuloy tong pelikula na to.
Dumagdag pa na buong araw nya ring nakikita si Chanyeol sa set at yung mag-ka-cameo sakanilang famous make-up artist na nag kukwentuhan. Nakakatawa dahil nasa harapan pa mismo ng tent nya yung pwesto ng dalawa.
"Kung ako sayo Baek? Nag-saulo nalang ako ng linya. Hindi yang tingin ka ng tingin tapos reklamo ka ng reklamo." Inagaw ni Jongdae yung bote nya ng tubig at uminom. Mag-saulo ng linya? Kahit yata tulog sya, kaya nya nang i-recite ang linya nya sa tagal nilang standby, tatlong oras na to be exact. "Pwede ba? Wala akong choice kundi makita sila. Kung wala sila sa harapan nitong tent na to edi sana hindi ko sila nakikita."
Inirapan lang sya ni Jongdae saka nya ulit tinitigan ang script na nasa kamay nya. Nagulat pa sya ng biglang lumapit ang isa sa mga PD at sabihing cancel ang taping nila. Sa wakas... Tumayo sya at nagtuloy-tuloy sa loob ng isang coffeeshop sa tapat ng shooting location nila.
Coffeeshop nanaman.
Pagkatapos um-order, naupo sya sa gilid sa tapat ng bintana habang pinapanuod ang mga kasama nilang nagliligpit ng mga gamit. Kung kanina pa sana kinancel ang taping, edi sana kanina pa din sya nakabalik ng hotel. Hindi nya na sana nakikita si Park Chanyeol ngayon na papasok ng coffeeshop kasama yung maharot na make-up-artist na si JeA na nakakapit sa braso nito.
Pinapanuod nya kung paano ikiskis nung babae ang boobs nito sa braso ni Chanyeol. "Tss. Gustong-gusto naman." Naiinis syang humigop sa kape at muntik na syang masamid ng mapaso ang dila nya dahil don. Dapat talaga ice coffee nalang ang inorder nya. Nakakainis.
Umupo ang mga ito sa tapat ng table nya. Nakakainis talaga. Hindi nya alam kung nanadya ba si Chanyeol o malandi lang talaga to. Bigla nya tuloy gustong umalis...
"Hindi mo naman na kailangan ng make-up. Your bare face doesn't show it anyway."
"Really?" Natatawang sagot ni Chanyeol.
Kung umarte akala mo walang boyfriend. Ganon ba talaga kalandi si Chanyeol? Magpapalit ng haharutin kapag ayaw na ng isa. Kung sya si Do Kyungsoo, siguradong papatayin nya si Chanyeol agad-agad.
"Got something on your lips." Puna ni Chanyeol, pero ng pasimple nyang tignan si JeA, wala namang kahit ano sa bibig nito. Siguro babato si Chanyeol ng punchline. Tss. Naiinis syang tumayo, ni hindi nya pa napangalahati ang kape. Kung nanadya si Chanyeol, tangina lang dahil hindi sya naapektuhan.
Sinalubong si Baekhyun ni Chen sa labas ng shop. "Ano?" Naiinis nyang tanong dito ng bigla tong tumawa.
"May foam ka sa bibig." Pinunasan nya ang bibig nya... nang may bigla syang marealize. His gaze immediately flew inside the coffeeshop. Tumigil ang mata nya ng makita nya ang hinahanap. Nagkatinginan sila ni Chanyeol.
So I'm the one who had something on the lips.
Pero agad ding nag-iwas ng tingin si Chanyeol. Nice... hindi nya alam kung anong i-rere-act o dapat ba syang mag-react. "Tara na." Tumango nalang sya kay Jongdae.
Nakarating silang dalawa sa hotel ng alas dos ng hapon. Weird sa pakiramdam pero ang aga nila ngayon kumpara sa 12am or 1am nilang uwi this past few days...
BINABASA MO ANG
[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series
RomanceChanyeol is an actor, Baekhyun is an actor. Nagkasama sila sa iisang pelikula. Sapat ba ang oras na nagkasama sila sa trabaho para makilala ang isa't-isa. ROMANCE . BOYxBOY . CHANBAEK ◎1st book of the 슬픈 사랑 Series (Sad Love Series)