Napatingin sya sa kaliwa pagkatapos marinig ang malakas na busina ng sasakyan. Last thing he knew mabubundol na sya ng paparating na taxi, but someone from behind grabbed him with full force at nahatak sya papunta sa side walk. Mabilis ang tibok ng puso nya at lalo pa yong pinabilis ng lalaking humatak sakanya.
"WHAT THE HECK?!"
Napatitig sya dito. Ni hindi sya makapag-salita, ni hindi sya makakilos. Para syang nagising sa kung ano pero pakiramdam nya nananaginip parin sya dahil kay Chanyeol na nakahawak sakanya ngayon.
"BALIW KA BA HA?!" Nag-umpisa nanamang pumatak ang mga luha nya. Ngayon, kahit na pilit nya tong pigilan hindi nya na magawa. He's sobbing his heart out, in front of the guy he never wanted to show his weakness. Ang mahigpit na hawak nito sakanya, ang mga mata nitong kanina pa nakatitig sakanya, it feels so surreal again.
Para namang natauhan ito ng makitang umaagos na ang mga luha nya. Lumuwag ang hawak sa braso nya saka sya hinawakan sa muka. Now worry and guilt is all evident on Chanyeol's face. "Sorry, sorry nag-alala lang ako. May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba?" Pinunasan ni Chayeol ang mga luha nya pero hindi talaga tumitigil ang mga yon. He's starting to make a very hideous sound.
"I'm so sorry." Niyakap sya ni Chanyeol.
Hindi nya alam kung bakit sya umiiyak, kung dahil ba muntik na syang maaksidente o dahil sa reaksyon ni Chanyeol sa nangyari.
"You're shaking." Nagulat sya ng niyakap sya ni Chanyeol.
No. No, don't give in. Tama na. Kailangan nya nang magising.
-
Agad silang sumakay ng taxi pabalik sa hotel. Naghubad ng mask nya si Baekhyun at huminga ng malalim. Habang nasa loob ng taxi, tahimik lang siya. Kung ano anong bagay ang tumatakbo sa utak nya. Kung ano-anong insulto ang naririnig nya. Pakiramdam nya, ang liit liit nya nanaman. Wala syang magawa kundi tanggapin lahat. Kasi tama pala talaga lahat.
Bago makarating ng hotel, nakapag desisyon na sya.
Bumaba sila sa taxi at pumasok sa loob ng hotel, inalalayan naman siya ni Chanyeol pero ni isang salita walang lumabas sa bibig nya. Nag-uumpisa na syang maguluhan sa nararamdaman nya. He's being unfamiliar of his heart again.
Saktong pag pasok nila sa loob ng elevator, kumalas sya mula sa pag-kakaalalay nito. "Baek." Pag-babawal ni Chanyeol dahil sa paglayo nya pero nag-matigas sya.
Chanyeol was just watching him habang lumalayo sya dito. Every step away from the guy is like a layer thicker in the wall he's building between them again. "Baekhyun."
Humarap sya kay Chanyeol.
"Let's stop this." Pag-kasabi nya non, umiwas sya ng tingin.
"Ano bang sinasabi mo? What should we stop?"
"Everything." Mahina nyang bulong. Malaki na ang basag nya, hindi nya na hahayaang pulbusin sya ni Chanyeol o ni Kyungsoo. He just need to glue back every pieces that fell from him eversince. Hindi man mawala yung crack na matagal nang nandoon, atleast mabubuo parin sya.
"Baek, if this is about the yelling earlier, look—"
"This has nothing to do with that." He snapped. "Kahit sigawan mo pa ko ng paulit-ulit wala na akong pakialam. Let's stop this game Yeol. I'm already sick of it. Ayoko na." Nope, he's not crying, he won't cry. Not in front of this guy again.
"Ano bang sinasabi mo Baek? What game?"
Hindi na sya nakapag-pigil.
"Edi itanong mo kay Kyungsoo para maintindihan mo. That too damn perfect guy you've been talking about almost everyday. Hindi ko alam kung pinapamuka mo ba saking trapo ako kung itatapat sakanya o sobrang perpekto nya lang talaga kung itatapat sakin eh—"
BINABASA MO ANG
[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series
RomanceChanyeol is an actor, Baekhyun is an actor. Nagkasama sila sa iisang pelikula. Sapat ba ang oras na nagkasama sila sa trabaho para makilala ang isa't-isa. ROMANCE . BOYxBOY . CHANBAEK ◎1st book of the 슬픈 사랑 Series (Sad Love Series)
![[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series](https://img.wattpad.com/cover/67556321-64-k823995.jpg)