(7) Gossips and Dating Issues *

2.7K 102 33
                                        

"Baekhyun!" Sinalubong sya ni Jongdae habang naka-stretch ang mga braso nito para yakapin sya. He immediately threw a bag at Jongdae, nag-pout naman ito. Inis na inis parin kasi sya kung bakit iniwan sya ni Jongdae. Edi sana walang nangyayaring kakaiba. Kasunod nyang lumabas si Chanyeol sa taxi. Kinuha naman ni Jongdae mula dito yung ibang gamit nya.

"Salamat Mr. Park." Sabay turo ni Jongdae kay Baekhyun. Inirapan naman sya ni Baekhyun. Pagakyat nila ng elevator, tumabi si Chanyeol kay Baek, habang nasiksik naman sa likod si Jongdae.

"First time in Japan?" Tanong ni Baekhyun kay Chanyeol na ikinagulat ni Jongdae. Baekhyun is making a conversation with the guy. Gustong maiyak ni Jongdae.

"Second time. Soo is my travel buddy. Last year he wanted to go here so we did. Ikaw? First time?" Natahimik naman sandali si Baekhyun sa pag-mention ng pangalan ni Soo.

"I've been here a lot of times."

"Alone?"

Bago pa makasagot si Baekhyun, bumukas na ang elevator at lumabas na sila. Tutulungan pa sana sya ni Chanyeol sa pagdadala ng maleta nya pero hindi na nya pinayagan pang mahawakan nito ang mga iyon.

"Kaya ko na to."

Since nakay Jongdae na ang iba nya pang gamit, isang maleta nalang ang dala nya.

"You sure?"

Tumango nalang sya. Magkatabi nanaman ang kwarto nila, maybe the director thought it would be nice and practical kung magkatabi ang kwarto ng dalawang lead. Mas madaling balitaan, mas madaling tawagin.

"Pasok na ko."

"Ha? Ah. Okay. Ako din."

Pero walang pumasok sa kani-kanilang kwarto. They stay outside waiting for each other to enter their room. "Pasok na ko ha."

Natatawang tumango ulit si Baekhyun bago panuorin ang lalaking pumasok sa kwarto nito. Nagulat naman sya ng sikuhin sya ni Jongdae.

"Pasok na ko ah? Ano yon?! Kailangan may ganon?" Tanong nito sakanya bago sila pumasok sa kwarto nila ni Jongdae. "Shut up. Galit parin ako sayo." Naupo sya sa kama saka nag-umpisang mag-unpack ng gamit.

"Sorry na nga eh."

"You even shut your phone off. Baliw ka ba? Tinatawagan kita! Hindi ka manlang sumagot! Wala akong makausap. Mababaliw na ko kakaisip."

Sumampa din si Jongdae sa kamang inuupuan nya. "You can tell me now." Niyakapyakap sya ni Jongdae.

"Get off me."

You're the one clinging to me.

Bigla syang napatigil nang maalala nya yon. Nababaliw na talaga sya. It's like Chanyeol was stuck inside his head. Ayaw na nitong mawala don. Kasalanan to ni Jongdae, kung sinagot lang sana nito ang tawag nya, hindi sya mababaliw ng ganto.

"Naano ka?"

"Ha?"

"Oh my god! Byun Baekhyun?! Anong nangyayari sayo? Isang araw ka lang naiwan kay Chanyeol, ganyan na ang nangyari sayo?"

Bumalik na sya sa pag-a-unpack ng gamit. Kinuha nya ang toothbrush at dinala sa c.r. Pagbalik nya, hawak-hawak na ni Jongdae ang t-shirt na bigay sakanya ni Chanyeol.

"Say, is this a couple item or what?" Inagaw nya yon mula kay Jongdae bago ibalik sa bag nya.

"He just got the same design. Hindi yon couple item okay?"

"Whatever."

Inirapan nya si Jongdae bago sumalampak ulit sa kama. "Anong ginawa nyo sa eroplano?"

[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon