Buong shooting nya iniiwasan si Chanyeol, hanggat maaaring hindi sila mag-usap, hindi nya to kinakausap. Pagkatapos silang pag-sabihan ng direktor, he immediately flee the seen. Buong maghapon nya ding kasama si Jongdae para hindi sya mawalan ng company at lapitan ni Chanyeol.
Nag-dinner out ulit ang buong crew, this time, kasama nya na si Jongdae.
Nagtatawanan ang buong crew, dahil sa isang kwento ni Jongdae, syempre sya nakikitawa din, pero bigla silang natigil ng may tumawag kay Chanyeol.
Chanyeol excused himself to answer his phone. Hindi nya naman maiwasang panuorin ang lalaki na umalis ng table at lumabas ng hotel. Nagpatuloy lang ang tawanan at kwentuhan but he was so bothered because of the call.
"Dae, CR lang ako." Paalam nya kay Jongdae at nagtuloy-tuloy palabas.
Nakita nya si Chanyeol malapit sa parking, habang nagtago naman sya sa likod ng isang sasakyan. Enough ang layo para marinig nya ang usapan nila. He doesn't want to be nosy, pero minsan umiiral yon sa katawan nya.
"What do you mean Soo? Dating issue?" His heart skip a bit. Nagaaway ba sila dahil sakanya? Lalabas ba sa media si Soo at sasabihin na malandi sya dahil sa pang-lalandi sa boyfriend nito?
God.
"It's not what you think, I would rather visit the falls with you. Ano ka ba?"
Yes. Ano nga bang aasahan nya. Chanyeol will always prefer The Soo. Chanyeol will always pick Soo over him, just like what Sehun did before. Baliw na nga sya. Eavesdropping isn't his thing, but he's actually doing it.
Tumawa si Chanyeol. "Ang dami mo nang souvenir Kyungie."
Yeah the souvenir. Kyungie? Sino naman si Kyungie? Kyung Soo. His name must be Kyungsoo, pero what the fuck, wala parin syang muka.
"Hindi naman totoo yung issue na yon. It's not what you think. No, Baekhyun wouldn't do that. Don't worry, just trust me okay?"
Narinig nya na lahat, siguro. Kaya umalis na sya. Wala naman nang dapat marinig, wala na ring dapat pakinggan. Isa pa wala naman syang napala sa pakikinig nya kay Chanyeol. Naalala nya lang yung, dati.
"Oh? Saan ka galing?"
"Sa CR lang. Nagpaalam ako sayo diba?"
Tumango nalang si Jongdae bago kumain ulit. Hindi na bumalik si Chanyeol sa lamesa. Siguro bumalik na ito sa suite nya at nakipag-usap nalang kay Kyungsoo. Great, buo na rin ang pangalan nito sa wakas.
"Dae. Akyat na ko ah." Tinignan sya ni Jongdae, tatayo na rin sana to pero pinigilan nya. Mukang nag-eenjoy kasi ito. Pati ba naman ang gabi ni Jongdae sisirain nya.
"Ako nalang. Kaya ko naman. Excuse me." Umalis sya sa lamesa at sumakay sa elevator. He's over thinking again, and it's not helping him to calm his nerves. Masyadong magulo ang isip nya. Nasa sitwasyon nanaman sya na hindi nya alam ang gagawin kundi magtago. Ang pinagkaiba lang, ngayon, hindi naman totoo ang issue.
Kaya hangga't maaari iiwasan nya si Chanyeol. Hangga't pwede, hangga't kaya nya pa—pero mukang hindi sya lulubayan nito. Paglabas nya, nakita nyang naka-upo si Chanyeol sa harap ng pinto ng suite nila. Bigla nyang gustong bumalik ulit sa elevator at bumaba sa lobby.
Kaso nakita na sya ni Chanyeol, tumayo ito at naglakad palapit sakanya. He suddenly had the urge to punch his face. Bakit ba kasi hinayaan nyang mangyari lahat ng yon. He just made the biggest tactical error ever.
"Baek."
"Mr. Park."
Mas lalo pa itong lumapit sakanya. "Wow, I'm Mr. Park again."
BINABASA MO ANG
[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series
RomanceChanyeol is an actor, Baekhyun is an actor. Nagkasama sila sa iisang pelikula. Sapat ba ang oras na nagkasama sila sa trabaho para makilala ang isa't-isa. ROMANCE . BOYxBOY . CHANBAEK ◎1st book of the 슬픈 사랑 Series (Sad Love Series)
![[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series](https://img.wattpad.com/cover/67556321-64-k823995.jpg)