(15) Little did they know... *

2.5K 111 39
                                    

dedicated to Dace_Yamada yie! Thanks for non stop comments. Labyah!

●●●

Sa loob ng tatlong araw, halos hindi makatingin si Baekhyun sa mga katrabaho dahil sa nangyari. Chanyeol also kept on teasing him about concealer. Inis na inis tuloy sya dahil don.

"Baek, kung lumipat nalang kaya ako dito sa suite mo?"

"Nanaginip ka ba?" Ngumiti si Chanyeol saka umiling. "You tell me. Pakiramdam ko panaginip ka parin eh, you're too beautiful to be true." Binato nya tuloy si Chanyeol ng unan.

"Bumalik ka na nga sa room mo!"

"Bakit ba? Napapagod pa ko eh." Lumipat to sa kama nya saka sya niyakap. "Let's cuddle."

He wriggled from him. "I don't cuddle, ano ba?" But ended up being wrapped inside Chanyeol's arms.

"Baek?"

"What?"

"Wala ka paring contact sa manager mo?" Tinignan nya si Chanyeol saka umiling. Gusto nya mang tawagan si Jongdae, wala syang lakas ng loob ma-sigawan at mababaan nito. He can't handle that. "Baek?"

"What?!" Naiirita niyang tanong ulit.

"Can I call you babe?" His lips suddenly twitched upwards saka nya tinulak ang muka ni Chanyeol para hindi na to nakatingin sakanya.

"What the fuck Yeol." Natatawa nyang bulong bago nya narinig ang tawa ni Chanyeol.

"Then, can I call you mine instead?" Nagulat sya sa pag-seryoso ng boses nito. He almost thought that Chanyeol was being sincere at the moment pero sumagi din agad sa isip nya ang laro kung saan silang dalawa mismo ang kasali.

"Stop kidding will you?" Pero seryoso parin ang mga tingin ni Chanyeol sakanya, he suddenly felt uncomfortable.

"Chanyeol, tumigil ka nga." He looked away, ayaw nya ng gantong sitwasyon. Alam nya, Chanyeol and him did alot of things in a span of three days. They did a lot of things together. Things that doesn't involve this game. This isn't the game he's playing. Hindi sya mag-papadala sa ginagawa ni Chanyeol ngayon, those words are empty. Biglang tumawa ng mahina si Chanyeol saka ginulo ang buhok nya. Tumayo ito saka sya kinumutan.

"Babalik na ko sa room ko." Nakangiti nitong saad saka sya hinalikan sa noo bago umalis. Parang kanina lang, pinag-tutulukan nya na si Chanyeol pero hindi to umalis tapos ngayon... He suddenly felt heavy. Nag-away ba sila? Was Chanyeol offended by his words? Magso-sorry ba sya? Natauhan nalang sya na kanina pa pala sya nakatitig sa pintuan na nilabasan ni Chanyeol.

Fine. He'll apologize. Bumangon sya at nag-suot ng bathrobe saka lumabas para kumatok sa pintuan ni Chanyeol. He knocked for a minute, pero walang lumalabas, aalis na sana sya ng biglang bumukas ang pintuan ng suite ni Chanyeol. Nakatapat ang phone nito sa tenga habang tumatawa. Damn! He doesn't look offended at all. "Baek."

"Oh, you... actually look... alright."

"Ha? What do you mean?" Naiinis syang tumingin dito. So... he got it wrong. Akala nya lang pala na na-offend to. Bakit nga naman to ma-oofend in the first place kung hindi naman talaga totoo ang mga pinag-sasasabi niya.

"Wala. Continue what your doing." Tinuro nya ang phone nito sa tenga. Alam nya namang si Kyungsoo nanaman ang kausap nito. Tangina lang, ang tanga tanga nya talaga. "Mukang nakaistorbo pa yata ako." Tumalikod na sya sa lalaki at bumalik sa suite nya.

"Baek! Baekhyun!"

Malakas na kalampag ng pinto ang isinagot nya sa lalaki. Damn it.

"What are you even thinking?" Bulong nya sa sarili. Ni hindi nya nga alam kung ano sila ni Chanyeol. Was it a mere fuck buddies or something more than just flesh and lust. Ewan, hindi nya alam. Ang hirap ng walang label. Ang hirap ng pangalawa lang. Ang hirap ng kaya ka lang nilalapitan dahil wala sya sa tabi ng taong mahal nya. Kahit ata sa boses lang ni Kyungsoo, kayang-kaya syang ipag-palit ni Chanyeol.

[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon