The rain is falling outside and that's what the crew's been waiting for days. Mag-iisang oras nang naghihintay sila Chanyeol sa lounge ng hotel pero hindi parin dumadating si Baekhyun. Chanyeol's been calling him over and over again pero mukang nakapatay ang phone nito.
"Akyatin mo na kaya?"
"Asan ba kasi yung manager nya?"
"We're wasting a lot of time!"
Lumapit sya sa director at nag-prisintang sya na ang aakyat para tignan si Baekhyun. Pumayag naman ang mga ito nang may kakaibang ngiti habang nakatingin sakanya. Sumakay sya sa elevator para umakyat sa floor nila. Nang makarating sya don, agad syang kumatok sa pinto nito.
"Baekhyun?" No answer. Sinubukan nya ulit kumatok.
"Byun Baekhyun?" Nilakasan nya yon. Is the guy still sleeping? It's not like Baekhyun to get late.
"BAEKHYUN!"
Natakot sya bigla. Pano kung may nangyari na dito. Kinalabog nya ang pinto nito. "BAEK! Open the door!" Pero hindi pa ulit sya nakaka-katok ng bigla itong bumukas, revealing a very sick looking Baekhyun. "Yeol." Mahina nitong bigkas sa pangalan nya.
"Anong nangyari? Asan si Jongdae?" Umiling lang ito saka lumabas.
"Look at yourself. Muka bang makakapagtrabaho ka pa ng lagay na yan?"
"Don't concern yourself over me. Kaya ko ang sarili ko." Sagot ni Baekhyun sakanya pero sa sobrang liit ng boses nito, hindi niya na halos narinig bawat salita. Inilagay nya sa noo ni Baekhyun ang kamay nya at dinama ang temperatura nito.
"You're burning! Goddamnit."
Agad namang hinawi yon ni Baekhyun at nag-lakad papunta sa elevator. "Baekhyun, will you please stop being stubborn?!"
"Shut up." Sumakay din si Chanyeol habang pinapanuod si Baekhyun. He's so pale. "Stop staring, para kang tanga."
"Look Baekhyun, alam kong concern ka sa trabaho mo, pero kahit bumaba ka sa lobby at sabihin sa direktor na mag-tatrabaho ka, hindi ka rin nila papayagan."
-----
"Okay, sige... mauuna na kami sa location, sumunod ka nalang." Nag-umpisa nang mag-hakot ang crew ng mga equipments. "Sorry po talaga, tinanghali ako ng gising."
"Pero direk! May sakit si Baekhyun. Hindi nya kakayanin yung weather."
"Tumigil ka na nga Chanyeol. I live here longer than you think. Kaya ko ang sarili ko. Go." Baekhyun hissed. Tinignan ni Chanyeol si Baekhyun saka umiling. "I'll stay, mag-seset-up pa naman sila so I would rather stay than wait there." Tinignan lang sya ng masama ni Baekhyun.
In the end, sinamahan nya na si Baekhyun na kumain at uminom ng gamot. Saka sila sumunod sa set, sakto namang pag-dating nila, naka-set-up na. Binigyan sila ng tig-isang script at pinaupo sandali para mag-saulo. Napa-face palm nalang si Baekhyun ng mabasa nya na may kissing scene nanaman.
"Chanyeol." Tumingin si Chanyeol kay Baekhyun. "I have colds. Really bad colds." Napangiti sya sa sinabi ni Baekhyun.
"No, it's alright."
Tumango si Baekhyun. Good, kasi wala syang choice. Habang minemake-up-an sila, panay lang pinapanuod ni Chanyeol si Baekhyun.
"Paki-kapalan nalang yung make-up." Narinig nya pang sabi nito sa make-up artist nila. Ganon sya ka-putla para kapalan ang make-up. Napansin nya rin ang panay pag-pikit nito at ang pag-dukmo, kaya nilapitan nya na si Baekhyun.
"Are you sure you can do this?" Tanong nya.
"I have to."
"Pero mukang hindi ka okay."
BINABASA MO ANG
[EDITING] ChanBaek: Wildest Dreams ¦ 슬픈 사랑 Series
Roman d'amourChanyeol is an actor, Baekhyun is an actor. Nagkasama sila sa iisang pelikula. Sapat ba ang oras na nagkasama sila sa trabaho para makilala ang isa't-isa. ROMANCE . BOYxBOY . CHANBAEK ◎1st book of the 슬픈 사랑 Series (Sad Love Series)