"kapag mahal ka babalikan ka"... #/#/Ilay...
"kapag mahal ka, hindi k iiwan"... #/#/Teph...
.....
"walang tayo... At kahit kailan ko inisip na naging tayo...!!!" galit na wika ni Shillah kay Joseph habang kausap nya ito sa telepono.. Iyon ang huli nilang pag uusap.. At si Shillah...
Naglaho na parang bula...
Tatlong taon ng panliligaw at sa loob ng tatlong araw.....
Nawala ang pagmamahalang inakalang magtatagal ng pang habambuhay.
Oo tatlong araw mula ng sagutin ni Shillah si Joseph ay binawi nya ito sa binata sa hindi malamang dahilan.....
.....
Flashback....
(10years ago).....Ktatapos lamang nila magsimbang gabi noon.. Sa labas ng simbahan kung saan naganap ang isang bagay na matagal ng hinihintay ng binata.......
......
"yes yes Joseph i love u too!, I really do love u..."... Sabay yakap ni Shillah sa binatang halos tatlong taon siyang niligawan at ngaun ay sinagot na nya..Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Joseph ng mga oras na iyon.. Hindi niya inakala na dadating sa oras na ito na sasagutin na siya ni Shillah.. Ito na ang pinaka masayang pasko na dadating pra sa kanya. Sobra sobra pa ata sa lahat ng regalong dala ni santa claus ang natanggap nya ngaun at nauna pa sa pasko..
December 20, 2006 ng sagutin siya ni Shillah.. Pareho silang nsa dalawampung taong gulang noon.. Hindi pa man tapos ang simbang gabi ay natupad na ang wish nya.. Ang mapasakanya ang puso ng babaeng pinakamamahal nya..
....
Paano nga ba sila nagkakilala??
....
Nsa isang eskwelahan lamang sila at parehong magtatapos sa sekondarya.. Matagal ng pantasya ni Joseph si Shillah ngunit wala siyang lakas ng loob dahil nsa star section ito at kilala sa eskwelahan dahil sa aktibo nitong pakikilahok sa student council.. Mula first year hanggang forth year ay mayroon itong posisyon doon.. Hindi sila magka klase dahil pangalawa naman ang section ni Joseph.. Hanggang tanaw na lamang ang nagagawa nya sa dalaga..
Lapitin ng mga babae si Joseph pero si Shillah ang gusto niya at wala ng iba pa.
Hanggang sa maka graduate sila ay hindi man lang nya nagawang makalapit sa dalaga...
Ayyy naalala ko pla,,nagka time pla siyang lapitan si Shillah,nung prom nila nung third year sila...
Nakalapit nga siya sa dalaga kaso naudlot pa dahil biglang nagkagulo sa loob dahil may bigla sumigaw na may nasusunog daw na isang bahagi ng paaralan..
Paglingon nya sa dalaga ay wala na ito.. Natabig na rin ng mga iba pang estudyante ang hawak nyang three red roses na ibibigay nya dapat sa dalaga...
Yun na yun eh,naudlot pa...
Pero yung inakala nyang wala na tlgang pag asang malapitan nya ang dalaga.. Mali pala dahil tadhana na rin siguro ang naglalapit sa kanilang dalawa....
Sa isang friends party ay pareho silang isinama ng kani kanilang mga kaibigan. Graduate na sila noon ng high school at naghahanda na ng kni kanilang eskwelahan na papasukan sa kolehiyo...
Mejo boring ang party dahil napaka sosyal ng mga nsa paligid. Pinong pino ang mga kilos ng lahat ng nandito.. Dahil nga sa kilala at mayaman ang may paparty na isa sa mga classmates nila ay mga kilala ring tao ang naroroon. Hindi nga alam ni Joseph kung bakit napapayag siyang sumama roon gayung alam naman na niya na mabobore lamang siya sa party..
Naisipan niyang maglakad lakad muna sa may hardin. Malaki ito at may magagarbong mga bulaklak at halaman...
"hmmmm... Kung hindi lang dahil sa kakulitan ng kaibigan ko,hindi tlga ko sasama dito..."...sabay niluwagan nya ang kurbata sa kanyang leeg at naupo sa my gilid ng bench..
Maliwanag noon dahil sa sikat ng buwan, samahan pa ng mga dim lights sa paligid ng hardin..
Naririnig niya ang ingay ng tugtugin sa loob ngunit hindi niya ito pinapansin.. Maya maya pa ay may narinig siyang iyak ng isang babae sa hindi kalayuan sa kanya..
Hinanap nya ito at maya maya ay nakita niya ito.. Mejo magdilim at nakatalikod pa sa kanya kya hindi niya masyado makilala..
Nilapitan nya ito at nagulat pa siya ng makilala nya kung sino ang babae.. Saglit siyang napahinto at bumalik ng paglalakad at naisipang huwag ng ituloy ang paglapit dito.. Pero bigla rin nmn pumihit pabalik sa dalaga..
Halos mataranta na siya at umurong ang kanyang dila ng mga oras na iyon... Pero pagkakataon na nga ito ,bkit pa niya palalagpasin db? Kya bolta boltaheng hugot ng lakas ng loob ang hiniram nya sa poste ng meralco pra lamang makalapit at makausap ang dalaga. . Hindi naman siya nabigo at nakalapit na siya. Mejo nauutal pa nga nung magsalita ito...
"Sh-Shillah... Bkit ka umiiyak?" wika ng nahihiyang maton na si Joseph..
Napalingon sa kanya ang dalaga saka kaagad pinunasan ang mga luha nya sa kanyang mga mata at inayos ang pagkaka upo nya..
Tumabi ng upo si Joseph saka naghintay hanggang mgsalita n itong si Shillah.. Hindi nmn agad ito nagsalita at nakatingin lamang sa kawalan saka biglang tumitig ito sa kanya...
"masakit palang maiwan noh,,pero siguro babalikan pa naman nya ko.. Hindi palang ngaun.. Kasi sbi nila kapag daw mahal ka,babalikan ka nya at alam ko mahal nya ko..."...wika ni Shillah kay Joseph...
Napailing at napangiti lamang si Joseph saka nagsalita rin..."..kapag mahal ka ,hindi ka iiwan..."...
Muling napaluha si Shillah sa sinabi ni Joseph.. Kinabahan naman si Joseph saka sinisi ang sarili..
"sorry na,,mukhang hindi ako nakakatulong,hindi kasi ako expert pagdating sa pagpapayo.. Ang alam ko lang kasi ay ang magmahal,at hindi pa ko nakakaranas na mahalin at masaktan kya siguro wala pa akong alam sa ganyan...
Napahinto sa pag iyak si Shillah dahil sa narinig.. Napatitig siya sa binata at napakunot ang noo..
"bkit nakasimangot ka?"... Wika ni Joseph...
"sigurado kang hindi ka pa nkakaranas na mahalin? O bka bulag ka lang sa mga nsa paligid mo...,sa itsura mong yan? Walang nagkakagusto sayo?"... Wika ni Shillah...
Napatitig rin si Joseph sa dalaga at doon natitigan nya ng malapitan ang itsura nito.. Iba pla tlga kpg malapitan.
Napaka amo ng mukha nito at napaka inosente. Khit may luha sa mga mata ay kitang kita mo pa rin ang angking kagandahan nito...
"hello!, bkit prang natigilan ka?,, bye the way, im Shillah but call me Ilay..." sabay lahad ng kanyang kamay sa binata..
Nakatitig pa rin si Joseph sa kanya. Sa loob loob nya ay kilala na naman nya ito tlga sa pangalan.. Ikaw b nmn ang palaging nakasubaybay sa buhay ng dalaga...
"Ah, Im Joseph, call me Teph..."... at kinuha ang kamay ng nadalag at nkipag kamay dito..
Huminto na sa pag iyak si Ilay at saka nkipag kwentuhan na lamang sa binata. Masaya naman si Teph dahil ito na ang matagal na niyang pangarap..
Kahit pala mayaman itong si Ilay ay hindi nmn pala maarte at simple lng mag postura,at higit sa lahat...
Kalog kausap kya hindi ka maboboring..
Ng dahil sa boring na party ay nakasama nya si Ilay kahit konting oras lang dahil inaya na siya ng mga kaibigan nya na umuwi nA kya si Teph... Umuwi na rin na may ngiti sa kanyang mga labi.........
Paano nmn siya niligawan ni Teph?at saan ito nagsimulang manligaw? Anong diskarte ang ginawa nya pra napasagot si Ilay?........
Esep esep... Hehehe..
.
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!