Chapter 17

10 0 0
                                    

Bulong bulungan sa kumpanya ang bagong engineer na kapapasok pa lamang ngayon.. Gwapo raw at single pa rin hanggang ngaun. Mukhang may makakatapat na raw ang bachelor na si Joseph .. Yan ang usap usapan sa loob ng kumpanya at maging sa canteen ng kumpanya..

Hindi nakaiwas sa pandinig ni Shillah ang ganoong usapan. Nsa loob siya ng elevator noon at panay pa rin ang chismisan ng mga tao roon..

"biruin mo itong si Sir Howard may anak plang napaka gwapo at ngaun ay mkakasama na natin dito...,nsa lahi tlga nila ang pagiging mistiso..."... Wika ng isang babae na inayunan naman ng iba pa...

Nagulat si Ilay ng marinig niya ang pangalang Howard.. At hindi siya maaaring magkamali na si Jay ang tinutukoy ng mga ito dahil isa lang anak si Jay ni Howard..

Kumabog ang dibdib niya at umaasang mali siya ng naiisip. Na sana ay ibang Howard ang tinutukoy ng mga ito.

Pagdating niya sa loob ng opisina ay naabutan na niya roon ang iba pa nilang katrabaho na abala sa pagsusulat ng plano.. Wala pa roon si Joseph. Prang nakaramdam siya ng kaba at selos dahil naisip niyang baka nasa opisina ito ni Carmen. Sanay kasi itong dumadaan doon o kaya si Carmen ang ngpupunta sa opisina nila.. Pra siyang ewan na hindi mapakali.. Pero bigla niyang naisip..."wala nga palang kami"...

Naupo na siya sa kanyang silya at nagbukas ng kanyang laptop.. Patingin tingin siya sa pintuan at nag aabang pa rin sa pagdating ni Joseph ngunit walang Joseph na dumarating hanggang sa magsalita itong si Charles na isa ring engineer...

"ang daya ni Joseph noh,hindi man lang tayo ininform na babalik na siya sa dati niyang opisina. Kung anuman ang dahilan niya for sure mabigat yun.. Kulang tuloy tayo ng isa..." wika nito na nakatingin kay Shillah...

Isang tinig sa labas ang nagpahinto sa kanila. Lahat sila ay napatingin sa taong kadadating lamang...

"hindi na ngaun dahil may muling kokompleto na sa inyo..."...wika ni Howard na todo ngiti pa rin sa kanila...

Maya maya ay pumasok si Jay sa loob at may pagkaway pa ito. Napatayo si Shillah sa kinauupuan niya pagkakita kay Jay.. Si Joseph agad ang naisip niya.. Totoo nga kayang nagpalipat siya o kagagawan ito ni Jay? Gusto niya tuloy agad puntahan si Joseph sa dati nitong office pra makausap ngunit oras ng trabaho kya hindi maaaring puntahan ito...
Nakatitig si Jay sa dalaga na halatang malayo ang isipan.. Nilapitan niya ito saka umupo ng bahagya sa table ng dalaga..

"hindi ka ba masayang magkakasama na tayo muli? Tadhana tlga na pagsamahin muli tayo.. Db?"...wika ni Jay na todo ngiti sa dalaga...

Napatitig sa kanya si Shillah..."tadhana o koneksiyon?"...wika niya dito sabay upo sa kanyang upuan.. Napalingon nmn si Howard ng marinig ang sinabi ng dalaga.. Napangiti pa ito dahil totoo nmn ang sinabi ng dalaga.. Pero kailangan niyang tulungan ang anak dahil alam niyang mahal na mhal ng anak si Shillah at gagawin niya lahat pra sa kaligayahan ni Jay...

Nagpaalam na si Howard pero bago pa man siya umalis ay nagbilin siya kay Shillah..
"Shillah , I give you the responsibility to teach everything about the work to Jay so dapat malaman niya lahat lahat. I Trust you Shillah at alam kong mabilis lang yan matututunan ni Jay kung ikaw ang matuturo".....sabay kindat nito sa anak saka lumabas na ng office...

Pinagtitinginan nana sila ng iba pang naroroon at napapangiti ang mga kalalakihan doon dahil prang may naaamoy silang awkward feeling pra sa mga ito...

Tinitigan sila ni Shillah dahil nahuli niyang nagngingitian ang mga ito..
"oh,anong tinitingin tingin nyo jan ha? ?"....galit na wika ni Shillah sa mga ito...

Napailing lamang ang mga ito saka itinuloy ang mga ginagawa nila...

"Jay ito ang magiging table mo pansamantala kasi kay Joseph ang table na iyon at..."...hindi na siya nkpgsalita dahil nglakad itong si Jay papunta sa table ni Joseph at naupo doon...

"ito na ang bago kong table mula ngaun..."...iniikot ikot pa niya sa silyang kinauupuan niya...

Nilapitan siya ni Ilay saka sinuway..

"hindi maaari Jay, kay Joseph ang table na yan kya hindi ka pwede jan..."...

"wala ng Joseph Shillah kya akin na tong table na to ok?"...sabay tayo nito pra alisin ang mga gamit na naiwan ni Joseph doon pero kinukuha ito ni Ilay sa kanya at ibinabalik sa mismong pinag alisan ni Jay...

"ano ba Shillah,wala na nga si Joseph at hindi na yun babalik... Ikaw na ang magligpit nito kung gusto mo.."...wika ni Jay

Napakunot ang noo ni Shillah sa narinig niya kya dali dali siyang lumabas ng office at saka tinawagan si Joseph...
Nakatingin lamang si Jay sa dalaga...

Nagriring ang telepono ni Joseph pero walang sumasagot.. Nag aalala na si Ilay kya pinuntahan niya ito sa 5th floor sa dati nitong office..

Pagdating niya doon ay naabutan niya ang isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa silya kya dali dali niya itong nilapitan...

"Joseph,,totoo bang nagpalipat ka na muli dito? Bakit,anong dahilan ha?bkit ka umalis sa team?bkit mo kmi iniwanan doon?"..wika ni Ilay...

Nagulat siya ng biglang humarap ang lalaki at ibang mukha ang bumungad sa kanya...

"Miss,nagkamali ka, hindi si Joseph ito, ako na yung bagong gumagamit ng opisina ni Joseph dahil ipinadala na siya sa kabilang kumpanya kanina lang.. Ang alam ko na alam niya ay may pagpupulong lamang na dadaluhan siya roon
. Biglaan lang bale sampu silang lahat pero biglang nagbago ang desisyon ng board at maiiwan doon ang lima pra doon na mgtrabaho. Sa kabilang building lamang naman sila pero syempre mejo malayo rin dito sa building natin . Hindi pa nila alam siguro.. At isa doon si Joseph..."....wika ng lalaki..

Pigil luhang lumabas ng silid ng opisina si Shillah..

Prang may mali sa nangyayari? Prang sinadyang malipat si Joseph.. Prang...

Planado ang lahat...

Bumalik siya sa office nila at dumiretso kay Jay..

"kagagawan mo ba ang lahat ng to?"..galit na wika ni Ilay..

Tiningnan siya ni Jay...."ang alin ba Shillah?"....maang maangan niyang sagot...

"ang pagkakapasok mo dito sa team pa mismo namin, ang pagkakalipat kay Joseph sa kabilang building... ,sinadya mo to db pra magkalayo kaming dalawa?"....wika niya kya napatingin ang iba pang naroroon... May isa pang bumulong..

"sabi na pare,tama ang hinala natin"....at nagsingitian sila ng pasimple...

Tinitigan sila ni Shillah kya pigil ngiting itinuloy ang mga ginagawa nila... Ibinalik ni Shillah ang tingin kay Jay...

"Shillah,relax.. Magiging maayos ang lahat, promise...". Wika ni Jay sa dalaga...

...

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon