"dont cry baby, mommy is ok..,sleep ka na at bukas papasyal ulit tayo,ok?"....pag aalo ni Ilay sa anak..
Ayaw nitong huminto dahil gusto nyang makita ang daddy nya. Gusto niyang makita si Joseph.. Inamin na rin ni Ilay kay Topher na daddy nito yung lalaking kasama nila kanina lang... Kya naman itong si Topher, hindi magkaintindihan at gustong mkita ang daddy Joseph nya... Hindi mapahinto ni Shillah ang anak at mejo nakakaramdam na siya ng pagkayamot kya naman nataasan na nya ito ng boses..... Doon na sila nilapitan ng ina at inalo alo ang bata.. Maya maya pay napahinto na nito ang bata at nakatulog na..
Magkausap ngaun si Shillah at ang kanyang ina.. Nsa labas sila ng kwarto nina Shillah..
"anak, alam ko magulo ang isipan mo ngaun.. At kahit hindi mo sinasabi,alam kong nahihirapan ka.. Patawad anak kung hindi dahil sakin-"........
"ma,ilang beses ko bang ipapaliwanag na wala kang kasalanan.. Desisyon ko to ma at kung mgkamali man ako ay ako ang dapAt sisihin... Huwag na po natin ibalik ang nakaraan.. Tapos na un.. Ang mahalaga ay ang ngaun.."....
Napatitig sa kanya ang ina ang ngumiti ito...
"anak, nagawa akong tanggapin muli ng papa mo dahil nangibabaw sa kanya ang pagmamahal.. Nagawa ko ring ituwid ang lahat dahil binigyan nya ako ng chance at dahil doon,naging masaya kaming muli.. Wala ng sikreto, wala ng tampuhan.. Lahat tayo anak my maling desisyon na nagagawa.. Ng mga oras na iwanan mo si Joseph,hindi rin natin alam kung anong buhay ang tinahak nya ng mawalay sayo.. Hindi rin kayo nkpg usap ng maayos noon , pero muli kaung pinagtagpo at nabaliktad ang sitwasyon.. Marahil anak ay pra marealized mong lahat tayo hindi perpekto.. Siguro panahon na buksan mong muli ang puso at isipan mo.. Kausapin mo siya dahil hanggat hindi kayo nagkakaliwanagan ay mananatiling may mabigat jn sa puso mo.. Kung sakaling makausap mo siya at wala na tlga, saka mo lng malalaman kung dapat ka p bang masaktan.. Huwag mong hayaang punuin ng galit ang puso mo. Hindi mo makakamit ang tunay na kaligayahan....".....
Dahil sa mga sinabi ng kanyang ina ay napapaisip siya... Bakit hindi nga nya subukan? Sakto ang class reunion pra mgkaroon na sila ng closure na dalawa...
Niyakap nya ang kanyang ina at nagpasalamat dito. Ngaun ay alam na nya ang dapat gawin..
Mag uusap na sina Shillah at Joseph..
.....
Dumating nga ang araw na pinakahihintay na araw ng lahat. Ang class reunion. Bawat isa ay may kanya kanyang table at magkakasama ang bawat magkaka batch. Maraming dumadating pra dumalo. Naroroon na rin si Jay at kasama nya ang isang babae na ipinakilala nya bilang kasintahan sa mga dating classmates nya. Wala pa noon si Shillah at Joseph. Palinga linga si Jay at hinahanap nya si Shillah. Gusto nyang ipakilala na agad dito ang gf nya na sa wakas ay sinagot rin siya.
Maya maya ay dumating na si Joseph at umupo siya sa kabilang table ksama ng mga classmates nya. Hindi naman kc sila mgka klase ni Ilay noon..
Halos lahat ay lumalapit sa kanya at ngpapa picture. Bilog tlga ang mundo. Dating walang dating na si Joseph, ngaun kinakikiligan na ng mga kababaihan.. Lumabas kasi ang kagwapuhan nito habang nagkaka edad at nagma matured..
"bkit wala ka pang asawa Joseph, 34 ka na,cge ka baka pikutin na kita nyan mamayang gabi"...biro ng isa nyang kaklase..
Nagsitawanan naman lahat roon at agaw atensiyon silA sa mga taong naroroon. Napansin na rin ni Jay si Joseph at napangiti ito ng magtama ang kanilang mga mata..
Nagulat si Joseph pagkakita kay Jay na may kasamang babae at magkahawak kamay pa ang mga ito..
At ang babae?
Hindi ito si Shillah...
Naguluhan bigla ang utak niya.. Pinairal na naman pla nya ang tamang hinala effect at lahat ng iyon ay unti unti na nyang napapatunayan na mali pla ang lahat..Hindi siya ipinagpalit ng dalaga at ang sinabi ng anak nyang si Topher ay nag eecho sa kanyang pandinig..
"sabi ni mommy,kapag daw mahal ka babalikan ka at sabi rin nya na huwag mo siyang papalitan kung talagang mahal mo siya"...
"mahal pa kaya talaga ako ni Ilay?"....
Speaking of gordeous Ilay..
Napalingon ang lahat sa kanya ng dumating ito.
Simpleng above the knee red fitted red dress ang soot nya at nka 3inch high heels ito. Kitang kita ang hubog mg kanyang katawan. Hindi rin nmn ganitong ka sexy ang dalaga noon at hindi siya mahilig mgsoot ng gnito dati kya namangha rin ang kanyang mga kaklase at lahat ng nakakita sa kanya..Sa table nina Jay ito pumunta dahil kaklase nya ang mga ito. Agad naman siyang dinaluhan ng mga ito particularly si Jay at ipunakilala agad ang gf nya. Nkipg beso si Ilay dito at masayang binati ang kompare niyang si Jay.
Kitang kita ni Joseph ang mga ito pero hindi siya makalapit sa kanila.. Hindi alam ni Joseph na pasimple rin siyang sinusulyapan ni Shillah sa gawi nya. Minsang nagtatama ang kanilang paningin pero nagbababa agad ng tingin si Ilay at ibinabalik ang mga mata sa mga katawanan niyang kaklase..
Nagsiupo na ang lahat dahil isang video clips ang inilabas ng isang nalaking projector na nsa unahan ng stage..
Video ito ng prom ng ibat ibang batch na naroroon. Nagsisitawanan ang lahat kpg nakikita nila ang sarili sa halos labing anim na taon na lumipas...
Ang pinaka highlights ng slides ay ang kontrobersiyal na prom ng batch nina Ilay at Joseph kung saan nagkaroon ng kaguluhan na hanggang ngaun ay wala pa ring nakaka alam na tropa nina Ilay ang may dahilan.
Nagkakatinginan ang mgkakatropa at nagsesenyasan. Naaalala kasi nila ang kalokohan nila noon. Mga bata pa ngang tlga sila noon at walang pakialam sa mga ginagawa..
Lumabas ang video at halos lahat ay nag aabang na masulyapan man lang ang kanilang mga sarili doon..
Napanganga si Ilay ng makita nya ang sarili doon pero ang mas ikinagulat nya ay ng may makitang isang lalaki na may hawak na pulang rosas na papalapit sa kanya. Ni hindi niya ito napansin noong mga panahong iyon dahil na rin siguro sa dami ng taong naroroon dati..
Napapatingin kay Ilay si Joseph dahil nakita rin nya ang sarili. Kinakantyawan naman siya ng iba pang mga ksama dahil sa may hawak itong bulaklak. Inaabangan nila kung kanino nito iaabot..
Kitang kita sa video na halos magkalapit na sina Joseph at Ilay at kita rin doon ng akmang iaabot ito ng binata sa dalaga ng may biglang sumigaw na may nasusunog daw.
Doon na nagkagulo ang lahat pero ang agaw pansin ay ang pagdampot ni Ilay sa pulang rosas na hawak ni Joseph at doon na nga naputol ang video dahil nagkagulo na ang mga taong naroroon..
Napatitig kina Joseph at Ilay ang mga taong naroroon at hindi sila makapaniwalang sa likod ng kaguluhan ay mayroon palang namumuong ligawan na naudlot labing anin na taon na rin ang lumipas..
.....
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!