"ehhheemmmm!, mukhang puyat na puyat na naman ang bachelor of the year ah". Sabi ni Carmen na isa ring engineer doon sa kumpanya kung saan nagtatrabaho si Joseph. Pumasok ito sa opisina ng binata saka nangulit dito. Ugali na nyang kulitin si Joseph tuwing umaga dahil sa kabilang pintuan lamang naman ang kanyang opisina kya mdali niya itong mapupuntahan..
Apat na taon na si Carmen sa kumpanya samantalang si Joseph ay halos labing isang taon na doon dahil hindi na siya humanap ng iba pang trabaho. Sapat na iyon pra sa kanya.
"ikaw Carmen,bumalik ka na dun sa office mo at huwag ako tong kinukulit mo, im busy cge na labas na"...pagtataboy ni Joseph sa dalaga..
Nag pout naman ng lips itong si Carmen at animoy isang batang paslit na inaway ng kalaro. May pagka batang isip din kasi itong dalaga at may tamang lihim na pagtingin sa binata. Ayaw nya lng na mlalaman nito kya dinadaan nya sa biro ang lahat..
"ikaw Joseph,mukhang hindi mo ko namimiss ah nakaka inis ka na ha.. Cge ka dun nlng ako sa mga uuwi galing America na mga engineers din. Baka my mas gugwapo pa sayo sa mga dadating mamaya..., hmmm jn ka na nga."... Sabay padabog na umalis si Carmen...
Napahinto naman sa ginagawa si Joseph dahil sa sinabi ni Carmen.. Bigla nyang naisip si Shillah at kumabog ng malakas ang dibdib nya..
"uuwi? My uuwing galing America?? Huwag naman sanang isa siya sa mgbabalik na dito.. Ayoko! Ayoko siyang makita.. Hindi ko pa kya..." nawika nya sa sarili saka naupo sa kanyang silya roon at napatakip sa mukha nya habang nakapatong sa table ang kanyang mga siko...
Biglang pasok nmn ng head engineer nila at nagulat pa si Joseph kya napatayo siya agad..
"Relax Jose,pra kang nakakita ng multo jan.. Mukhang hindi pla multo ang makikita mo sa mga susunod na araw,, goodluck boy.. Cge dumaan lamang ako dito pra sabihin ko yun sayo at pra mkpghanda ka na rin.. "...pangiti ngiting lumabas ng opisina ang bossing niya. Alam kc nito ang nakaraan ng dalawa at alam rin niyang mahal pa ng binata ang dalaga...
Muling napaupo sa silya si Joseph at napaisip.
"hindi ako pwedeng maging mahina. Sinaktan nya ko. Sobra sobra kya hindi ko maaaring palagpasin na lang ng ganitong kadali ang lahat,, ipapakita ko sa kanya na malaking kawalan ang pag iwan nya sakin.. Na hindi na ako ang dating si Joseph. Na hahabulin at susundin lahat ng gustuhin nya... Dahil ngaun,sisiguraduhin kong ikaw na ang maghahabol sa akin ngaun..."... Galit na wika ni Joseph at nakakuyom pa ang mga kamao nito...
...
"American Airlines flight AA704 is now landing on NAIA international airport. Welcome to the Philippines..."...wika ng isang flight stewardess sa loob ng eroplano..
Todo naman ang ngiti ng mga Pilipinong pasahero na nsa loob ng eroplano habang unti unting bumababa ang eroplano sa lupa..
Naroroon din si Ilay at nsa isang sulok malapit sa bintana. Nakamasid siya sa paligid. Walang pa ring pagbabago ang Pilipinas sa nakikita nya..
Wala nga bang nagbago doon? Umaasa siyang sana pati ang nararamdaman ng mga tao ay hindi rin nagbabago. Na sana may pag asa pang madugtungan ang pag iibigan nila ni Joseph. Na sana makausap nya ito at malinawagan ang isipan ng bawat isa sa kanila.. Dahil sa lahat ng relasyon, mahalaga ang closure.. Kung may dapat pa bang ituloy o tlgang dapat ng wakasan..
Pagbaba nya ng eroplano at paglabas nya ng airport ay kaagad siyang sinalubong ng isang napaka cute na tatlong taong gulang na batang babae.. Nagtatakbo ito sa kanya saka siya nito niyakap ng mahigpit..
"Mommy, its me, your baby girl Colleen, and I am now a big girl"...wika ng bibong batang si Colleen..
"i miss you so much Colleen, Im happy you know me eventhough we only seeing each other on Cam..."...sabay halik nya sa pisngi ng bata..
"yes mommy, because I am genius"...sabay turo nito sa kanyang utak.....
Napangiti naman si Ilay dahil sa kakulitan ng bata. Tumayo na siya saka yumakap naman sa kapatid nya na naroroon din..
"kuya,namiss ko kayo.. Salamat sa pagsundo at pagsama dito kay Colleen ha"... Wika ni Shillah sa kapatid nya..
"wala yun. Sampung taon ka kayang nawala. Gusto ring sumama nina mom and dad pero hindi na ko pumayag. Diretso na lang tayo sa bahay at kanina pang naghihintay ang mga yun sayo."...sabay kuha niya sa maleta ng kapatid at naglakad na sila palabas ng airport habang buhat buhat ni Shillah si Colleen..
Pag uwi nila sa bahay ay agad siyang sinalubong ng ama at ina. Halos maluha pa nga ang mga ito pagkakita sa anak. Napakaganda nito at mas lalong kuminis ang balat. May pagka morena pa siya noong nsa Pilipinas pero ngaun ay sobrang puti na nito na prang isa na tlgang amerikana.. Maging ang buhok nito ay may pagka blonde na rin...
"anak ko, mas lalo ka pang gumanda.. Sobrang miss na miss ka na namin anak....." sabay halik ng kanyang ina sa kanya. Maging ang ama nya ay yumakap na rin sa kanya..
Napaluha siya dahil hindi nga pla biro ang sampung taon. Ibang iba na ang paligid kumpara noong umalis siya sampung taon na ang nakalipas.. Parehong senior citizen na ang mga magulang niya samantalang noon ay napaka bata pa ng mga ito..
Naputol ang pg eemote nila ng hilahin ni Colleen ang ibabang bahagi ng soot na palda ni Shillah...
"mommy enough for that.. Look at my toy that you gave me.. Still its pretty right?, I take good care of it because you say so"... Sabay lahad ng isang set ng barbie doll kay Shillah..
"baby, let mommy take a rest for a while. She is tired. Let her rest then after that you two can play,ok?"...wika ng kapatid ni Ilay. Napangiti naman si Ilay dahil mukhang sa mga oras na iyon ay kailangan na nga niyang mgpahinga. Mejo sumakit kasi ang likuran nya sa tagal ng byahe.. At sa totoo lang ay na miss na nya ang kanyang silid...
Pinagpahinga muna siya saglit ng mga ito kya pumasok na siya sa kanyang silid na sobra niyang na miss. Maayos na iyon dahil nilagyan ng muli ng kanilang kasambahay ng kobre kama.
Ang paborito niyang hello kitty character na halos buong kwarto niya ay animoy pabrika ng hello kitty..
Ang mga gamit niya ay naroon pa rin sa mismong lagayan nito. Umalis siya noon ng ganito at ganito pa rin pagdating nya.. Ang bilis ng panahon, kasing bilis ng pagka lanta ng tatlong petals ng bulaklak na nakasipit sa bible nya sa harap ng malaking salamin doon..
Napangiti siya ng bahagya saka may naalala..
...
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!