Isang tinig mula sa itaas ng entablado ang pumukaw sa diwa ng lahat at napatingin silang lahat sa nagsasalita...
"good evening po sa lahat, im so glad na pinaunlakan nyo ang invitations namin sa inyo pra sa ating class reunion,.. Isang opportunity rin ito pra muling magkita kita kayong mgka kaklase at magkamustahan.. Alalahanin ang masasayang sandali nung mga panahong nag aaral pa lamang kayo sa ating mahal na eskwelahan.. Mga masasaya at malulungkot na sandali ninyo dito. Natutuwa ako na bilang isang punong guro ng eskwelahan natin na may mababalitaan tayong estudyanteng nagtapos dito na ngayon ay isang successful na tao na. Masarap sa pakiramdam at nakaka proud ang mga ganitong balita. Kahit hindi ganoon kasikat ang ating eskwelahan ay nakikita naman sa husay ng pagtuturo ng ating butihing mga guro sa inyong mga mag aaral na ngaun ay maunlad na ang pamumuhay.. At isa ngang estudyante na noon hindi naman ganoon kasikat,hindi ganoon kapansinin pero ngaun,ngaun ay abot kamay na nya ang kanyang mga pangarap... Abot kamay na nga ba kaya ni Engineer Joseph Madrigal ang kanyang mga pangarap..? Nais po naming anyayahan ka Mr. Madrigal for a speech and serve as our speaker for tonight.. By the way. Hindi lang pala siya isang successful engineer dahil isa rin siya sa top 10 bachelor engineer of the year... , may we call on you to join me here on stage Mr. Madrigal??"....
Nagpalakpakan ang nga tao ng tumayo si Joseph.. Nagulat naman si Ilay dahil nakalimutan pla nyang basahin ang invitation na natanggap nya. At pagbukas nya doon ay nakita nga nya ang pangalan ni Joseph. Napatingin siyang muli sa binatang naglalakad na papunta sa stage... Hanggang sa maka akyat ito ay nakatitig pa rin si Ilay...
Ng makarating sa stage ang binata ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mag appear sa projector screen ang mukha ng binata.. Napaka gwapo naman talaga nito at hindi sila makapaniwala na siya ung lalaking nakita nila kanina na may hawak na bulaklak. Payat pa kasi ito doon pero may itsura na rin pero hindi gaya ng nakikita nila ngaun.. Nagsitahimikan ang lahat ng magsalita na siya...
"magandang gabi sa lahat.. Im so bless being here in front of all of you at mejo nangangatog yung tuhod ko this time. Im not expecting na ganito karami na ang crowds ngaung gabi at I know na yung iba dito ay pinagtatawanan ako habang nagsasalita ako dito....".......sabay turo nya sa mga katropang nsa isang table malapit sa stage na nagtatawanan at nagtutulakan pa... Muling nagsalita si Joseph...
"itong paaralang ito ang nagmulat sa akin sa lahat ng bagay.. Natuto akong makisalamuha sa iba, natuto akong ipaglaban ang sarili ko at tumayo sa sariling paa.. At dito ko rin natutunang magmahal sa unang pagkakataon..."..... Pagkasabi nya doon ay naghiyawan ang mga tao.. Namumula naman ang mukha ni Ilay dahil kitang kita nya na sa kanya nakatitig si Joseph. Sinusundan rin ng mga mata ng tao ang mata ng binata kung saan ba ito nakatingin... At ng makita nilang na kay Shillah ang mga mata nito ay mas lumakas ang hiyawan at palakpakan..
Umakyat sa stage ang principal ng school at nagsalita ito pra tumahimik ang mga naroroon. Maya maya ay nagsitahimikan ang mga ito.. Hindi naman alam ni Ilay ang gagawin. Prang gusto na nyang lumabas ng hall ng mga oras na iyon dahil sobra na siyang nahihiya. Isa pa ay hindi niya alam kung anong sunod na sasabihin ng binata..
Nagsalitang muli si Joseph pero hindi inaalis ang pagkakatitig kay Ilay...
"ang unang pagmamahal ko sa unang babaeng nagpatibok ng puso ko,sa babaeng dahilan kung bakit naniwala ako sa salktang pag ibig.. Ngunit siya rin ang babaeng nagparamdam sa akin ng unang heartbreak, masakit oo,sobra pero sa lahat ng nangyari ay isa lang ang pinagsisisihan ko. Yun ay ang hindi ko pgtitiwala sa kanya. Mabilis ko siyang hinusgahan kaya sobra ko rin siyang nasaktan.. At ang sakit na yun ang naging dahilan ng pagbabago ng lahat.. Pagbabagong hindi ko alam kung kaya ko pa bang maibalik sa dati.. Dahil kung may isang bagay man akong gustong sabihin sa ngaun ... Gusto kong sabihing"Miss Shillah Hermosa,, im sorry for being a fool, im sorry for not trusting you a lot, im sorry for being so stupid to let you go... And im sorry dahil sa kabila ng lahat ng nangyari... Hindi nawala yung pagmamahal ko sayo. Hindi nawala tong laman ng puso ko... Gusto ko na ring humingi ng sorry sa lahat at sa management for using this moment for my own sake.. Dahil gusto kong sabihin sa lahat,at malaman ng lahat kung gaanong ka stupid si Joseph Madrigal for letting go of Shillah Hermosa.. Successful nga ako sa materyal na bagay pero ang hindi alam ng lahat... Balewala itong lahat ng ito kung wala naman sa piling ko ang pinakamamahal kong si Shillah.."....
Marami pa sanang sasabihin si Joseph ngunit nakita nyang tumakbong papalabas si Shillah kya nagmadali siyang bumaba ng stage at hinabol ang dalaga.. Sunod nmn ang tingin ng mga taong naroroon na prang mga teenager na kinikilig...
Nakalabas na ng hall si Shillah ng hindi niya namamalayan dahil hindi rin nya maintindihan ang sarili.. Bigla kasing nawala lahat ng galit sa puso nya para sa binata.. Hawak hawak nya ang kanyang dibdib dahil ang lakas ng kabog nito. Hindi nya napansin na nasa likuran na pala nya si Joseph...
"Ilay"....
Nahulat ang dalaga pagkatinig sa tinig ni Joseph. Napapikit pa siya at napahinga ng malalim.. Ramdam rin niya na unti unti itong humahakbang papalapit na sa kanya... Muli itong nagsalita sa likuran nya..
"Im sorry, im really sorry sa lahat.. Patawarin mo ko, mula high school palang tayo gusto na kita.. As in gustong gusto pero naduwag ako.. At hanggang ngaun duwag pa rin ako.. Duwag ako kpg wala ka.. Ikaw pla tlga ang lakas ko.. Ikaw lang at wala ng iba.. Patawad Ilay.. Hindi ko kayang mawala ka sakin...".... Umiiyak si Joseph habang nagsasalita ito. Humarap na si Ilay sa kanya. Kitang kita sa mga mata ng binata ang sinseridad nito. Lumambot na ang puso ng dalaga. Dahil sa totoo lang ay matagal na nya ring hinihintay ang pagbabalik nito sa buhay nya...
Lumapit pang lalo ang binata kay Ilay. Hinawakan nito ang pisngi ng dalaga saka inayos ang buhok na tumatakip sa mukha nito..
"kapag mahal ka,babalikan ka... Kaya nandito ako Ilay,dahil sobrang mahal na mahal kita.. At hindi na ko muling aalis pa. Bigyan mo pa ko sana ng isa pang pagkakataong maituwid ko ang lahat...please.."...Tumingin si Ilay sa binata at siya naman ang nagsalita....
"kapag mahal ka,hindi ka iiwan"..... Nagtagal pa bago siya muling nagsalita kya mejo nalungkot ang mukha ng binata..akala nya kasi ay isusumbat ng dalaga sa kanya ang pag iwan nito dito... Pero mali siya ng pagkaka alam dahil..."kapag mahal ka,hindi ka iiwan...... Kya hindi kita pwedeng iwan o ipagpalit o kalimutan... Dahil napakatanga kong babae na khit sinaktan mo ko at iniwan, ikaw pa rin tlga ang mahal ko. Ang tinitibok ng puso ko... Ang laman nito... Hindi nawala Joseph. Itinago ko lang, pero ngaun,hindi ko na kailangan pang itago.. I still love u.."...
Sa sobrang saya ni Joseph ay nabuhat nya si Ilay at iniikot ikot pa nya ito... Walang pagsidlan ang kaligayahan nilang dalawa ng gabing iyon...
.....

BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomansaKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!