Umuwi na si Joseph. Nsa kwarto naman si Ilay at nakatulala habang nakaupo sa gitna ng kanyang kama.. Isang buntong hininga ang pinakawalan nya at ibinagsak ang kanyang katawan sa kama...
"hhhaaaayyyy Ilay, ano ba tong pinasukan mo?... Kagabi lang bumigay ka kaagad ng ganoon kabilis... At ngaun hinayaan mong maging kayo ng lalaking iyon ng ganoon kabilis.. Ni walang pagtutol sa isipan mo at wala ring pangamba,tapos ngayon ka matatakot, ngaun ka kakabahan kung kelan pinasok mo na ang gulong ito... Pinaniwala mo na ang pamilya mo na kasintahan mo na ang lalaking iyon..
Oo mahal ko pa siya,sobra pa nga e,pero ang maging kasintahan nya,hindi ko pa yun napaghahandaan.. Kahit pa sabihing nauna na ang honeymoon kesa sa maging kami eh hindi pa rin ito basehan pra maging kami na ngang totoo...
Namimiss ko siya,aminado naman ako, pero ayokong maging kami. Ayokong matali sa kahit na sino...
..
Nagulat na lamang si Ilay ng mag ring ang kanyang telepono..Si Jay tumatawag! , sinagot niya ito at kinausap..
"Jay,, bkit napatawag ka?,"..wika ni Ilay sa pinaka matamlay na boses.
"Ilay,ok ka lang ba?may sakit ka ba? Bkit ganyan ang boses mo?"...nag aalalang mga tanong ni Jay...
"wala Jay, pagod lang ako siguro..,,"....
"ganun ba Shillah,, ah kya pla ako tumawag kasi yayayain sana kitang kumain sa labas mamaya pero mukhang pagod ka nga kya sa ibang araw na lang..."...wika ni Jay...
"ok lang ako Jay, anong oras ba? Baka makakapunta ako," ...
Natuwa si Jay sa pagpayag ni Shillah...
"susunduin na lang kita jan sa inyo kahit bago mag alas siyete mamayang gabi kasi kausap ko pa si papa. May inaasikaso lamang kmi sa negosyo".....masayang wika ni Jay..
"o sge sunduin mo ko ng alas siyete,pero uuwi rin tayo ng alas diyes ksi may lakad ako bukas..." ..
"sure Shillah,basta't sinabi mo,matutupad.."...
Masayang masaya si Jay dahil sa wakas ay magkaka oras na silang muli ng dalaga. Lumalaki na rin ang pag asang magkabalikan silang muli.. Sobrang mahal nya pa rin si Shillah pero kinailangan nyang lumayo pra na rin sa future nila ng dalaga..
At ngaun ay hindi na siya makapapayag na may umagaw pa sa dalaga sa kanya.. Gagawin nya ang lahat maibalik lamang ang pag ibig na minsang sinayang nya mula kay Shillah..
.
Sakto lang sa oras ang pagdating ni Jay sa bahay ng dalaga. Sinundo na nya ito at ngaun ay nsa gitna sila ng daan papunta sa isang restaurant kung saan sila mgdi dinner...
Walang imik si Shillah at nakamasid lamang sa labas..
"Shillah,ok ka lang ba?"... Pukaw ni Jay sa dalaga..
"ah oo ok lang ako,mejo hindi lang ksi ako pamilyar sa lugar na ito. Pra kasing ngayon ko lang ito narating.."... Wika nya..
"siguro nga ay ngaun ka lang nakarating dti kasi hindi kita nadala man lang sa amin.. Isang bagay na pinagsisisihan ko noon kya ngaun ay isasama kita sa amin.."...
Nagulat si Shillah sa sinabi ni Jay.. Ang buong akala nya ay sa isang resto silang pupunta. Hindi niya napghandaan ang bagay na iyon..
"teka lang Jay,bkit mo ko dadalhin sa inyo?"...
Napangiti si Jay sa reaksiyon ni Shillah..
"relax.. Gusto ka lang makilala ni papa..."...
"teka bakit nya ko gustong makilala? At teka ulit,kilala ba nya ko bilang ako? Paano?...
"basta kilala ka niya at hindi lang basta basta kilala.. Kilalang kilala pa.."...
Kinakabahan na naguguluhan na si Shillah sa mga oras na iyon..
Imposible namang kilala nya ang ama ni Jay samantalang ni hindi pa nga siya nito nadala sa bahay nila noong mga panahong sila pa ng binata.....
Ng makarating sila sa bahay nina Jay ay namangha siya sa dami ng bulaklak na nsa paligid.. Talagang napakaganda ng hardin ng mga ito.. Maliwanag noon ang paligid kya nakikita niya.. Lalo pa sigurong nakita ang ganda nito kung umaga nya ito nakita..
Napatingin siya sa may mansiyon at may bigla siyang naalala..
Yung feeling n prang nakita na niya iyon ngunit hindi niya maalala kung kailan.. Pero pamilyar tlga ang disenyo na bahay na iyon..Maya maya pa ay lumabas ang isang lalaking matangkad. Mejo madilim pa sa lugar nya pero habang papalapit ito ay unti unti niya itong nakikilala.. At ng nakalapit na ito sa kanila ni Jay ay napataas ang isa niyang kilay dahil.......
"Sir Howard?,,".....
Si Howard ang may hawak sa team nila sa opisina. Siya ang nagsisilbing supervisor nila doon. Mas mataas ang posisyon kya iginagalang sa loob. Magaling din naman kasing makisama sa mga tao niya kaya maraming nakakasundo ito sa loob...
"Shillah, meet my dad... "...todo ngiti pa itong si Jay habang nakalahad ang kanyang mga kamay sa ama..
Alam niyang kilala na ito ni Shillah at alam din niyang nagulat ang dalaga dahil sa nalaman niya.. Kitang kita rin niya ang itsura ng dalaga. Hindi maipinta at pabalik balik ng tingin sa kanya at sa kanyang ama...
"mag ama kayong dalawa??"... Hindi nakapaniwalang tanong ni Shillah sa dalawa...
Napangiti si Howard saka nagwika..
"bkit Shillah, mukha ba kaming magkapatid?"...at sinabayan ng malakas na tawa..Hindi mo naman tlga mahahalata kay Howard na my edad na ito dahil matipuno pa rin ang pangangatawan...
Napailing na lamang si Shillah at ngaun ay alam na nya kung bakit ganoon na lamang ang kabutihan nito sa kanya at iyon ay dahil sa anak niya si Jay. Ibinilin pla siya nito sa ama na huwag pababayaan sa trabaho. Pero yung pagkaka promote niya ay sariling sikap at dahil iyon sa husay niya sa trabaho...
Ngkakwentuhan sila sa loob ng bahay.. Naalala na nya ang bahay na iyon. Iyon pla ang nsa opisina nila na nka frame.. Si Howard mismo ang nag disenyo nito at nanalo na ang bahay na ito sa ibat ibang paligsahan sa pinakamagandang disenyo ng bahay.. Talaga palang asensado na itong si Jay ngaun at hindi gaya dati na easy go lucky lamang ang walang pakialam sa mundo.. Matured na rin ang utak nito at handa na dw na itama ang lahat pra sa kanila ni Shillah .
Magkausap silang dalawa sa may balkonahe.. Mejo mahangin doon at feel na feel ni Shillah ang sariwang hangin na nagmumula sa labas...
"Shillah..."...sabay lapit nito at hinawakan ang kamay ng dalaga....."magsimula tayong muli please... Hindi na ako ang dating walang kwentang si Jay. Nagbago na ko at lahat ng ito ay dahil sayo. Wala akong ibang babaeng minahal kundi ikaw lang.."....
Saglit na natigilan si Shillah at bigla niyang naalala si Joseph...
Kinapa nya ang cellphone nya ngunit hindi pla niya ito dala. ..
Pra bang hindi niya napansin ang mga sinabi ni Jay sa kanya.. ..
At bigla siyang nakaramdam ng kaba pagka alala kay Joseph..
....
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!