Chapter 14

17 0 0
                                    

.
"Salamat sa paghatid Joseph,mkakauwi ka na.."...sabay lakad nya papasok ng pintuan ng bahay..

Narinig ni Juaquin ang sinabi ni Ilay kya huminto ito sa paglalakad..

"ganyan ba ang itinuro sayo nina mama pagdating sa bisita?, Ilay naman papasukin mo muna siya sa loob ng bahay bago mo pauwiin..."... Sabay kindat ni Juaquin kay Joseph .

Napapangiti naman itong si Joseph dahil may naaamoy siyang maganda sa pakikitungo ng kapatid ng dalaga. Mukhang magkakasundo silang dalawa..

Napa irap lamang si Ilay at no choice naman siya kundi papasukin muna ito sa bahay nila dahil sa pangungulit ng kapatid..

Pinapasok niya muna si Joseph at saglit siyang nagtimpla ng juice sa kusina.. Hindi pa siya makalabas at prang biglang na conscious sa itsura nya.. Nakailang tingin siya sa salamin saka lumabas ng kusina..

Nagulat pa siya ng makita roon ang ama at ina niya pti kapatid at masayang nagkukwentuhan ang mga ito. Kandong kandong pa ni Joseph si Colleen na mukhang giliw na giliw sa binata.. Lahat ay napatingin kay Ilay ng makita itong lumabas ng kusina...

"anak halika na rito,hinihintay ka na ng bisita mo.. Hindi mo naman sinabi na may kasama kang manliligaw, di sanay nakapaghanda tayo...." wika ng kanyang ina..

Pinandilatan nya ng mga mata at ina pti na rin ang ama nya na prang kinikilig pa noon... Napapangiti na rin si Joseph. . Mukhang magigiliw ang panilya ng dalaga.. May pagmamanahan pala talaga itong si Ilay ng ugali niya...

"ma, anu ba,,hindi ko siya manliligaw, inihatid nya lang ako pag uwi..."...wika ni Ilay...

"ma,hindi po manliligaw kasi boyfriend na nya si Joseph..."...si Juaquin sabay kindat kay Joseph...

"masaya kami sayo anak kung ganun.. Matutupad na rin ang hiling namin na mkpg asawa kana,,gusto pa namin makita ang magiging mga apo namin sa inyo iho kya kung ako sayo mag propose kna kaagad dahil madaming nagkakagusto sa anak naming ito pero ikaw pa lang ang sinagot niya na dinala nya dito sa bahay..."...wika ng kanyang ama...

Biglang napaisip ang ina ni Ilay..
"teka anak,,saan ka natulog kagabi?bakit umaga ka na nakauwi ha?,,"...

Kinabahan si Ilay,hindi kasi siya marunong magsinungaling lalo na sa mga magulang niya kya hindi niya alam kung saan hahagilap ng sasabihin niya..
Napansin na siya ni Joseph kya ito na ang nagsalita...

"ah,tito,tita, pasensiya na po kasi may tinapos kaming presentation kagabi kya mejo late na nakauwi. Sobrang delikado na sa daan kya doon ko na muna siya pinatuloy sa unit ko.."...kabado rin itong si Joseph ng sabihin niya ito...

Saglit na natigilan ang lahat saka nagsalita ang ina ni Ilay....

"ganun ba anak?,mabuti na iyon pra siguradong hindi siya mapahamak.. Alagaan mo tong nobya mo ha dahil hindi yan maalaga sa sarili.. Huwag ng hahayaang nagpupuyat. Malaki na ang ipinayat nyan mula ng magpuntang Amerika. Mabuti na lamang at nanjan ka na. Mapapanatag na ang loob namin na may mag aalaga na sa unica iha namin..."....sbi ng knayang mama na mukhang gustong gusto itong binata pra sa anak..

Nagsimula na ang pagpapanggap ng dalawa. May pagkakataon naman silang tumutol at sabihin ang totoo ngunit tikom ang mga bibig nila. Prang gusto rin naman nila ang mangyayari...

.

Matapos ang diskusyunan ay nag usap muna silang dalawa sa may hardin nina Ilay.

"tama ba tong ginagawa natin? Niloloko natin sila,,alam mong walang tayo pero ikaw pa itong sumasakay sa mga sinasabi nila. Ano bang plano mo Joseph?"...wika ng dalaga...

Hinawakan ni Joseph ang kamay ni Ilay ngunit iniiwas niya ito..

"pwede naman nating totohanin na lamang ang lahat db?kalimutan ang nakaraan at magsimula tayong muli Ilay!, kakalimutan ko na yung mga nangyari khit sobrang sakit niya,please ,mahal pa rin pla kita Ilay..."....

"mahal? Bkit ngayon lang? Dahil ba nakuha mo na ang gusto mo? Kya mo na realized na mahal mo pa ko? Tapos noon ano? Uulit ulitin mong gawin sakin yun?... Tanga ko lang kasi ibinigay ko agad yun sayo without even thinking what's in your head at yung nanjn sa puso mo...,,Joseph,hanggang ngaun hindi pa rin nwawala yung takot sa puso ko. Yung takot na maiwanan. Ayokong magmahal, ayoko na..."... Sabay buhos ng kanyang luha na hindi na nagpapigil...

Niyakap siya ng binata at inalo alo pra huminto sa pag iyak ngunit mas lumakas lang lalo ang pag iyak nito...

"Ilay, sabi ko noon, kapag mahal ka,hindi ka iiwan. Pero sabi mo ,kapag mahal ka,babalikan ka.. At nagbalik ka Ilay.. Binalikan mo ko, naririto rin ako,bumabalik sayo dahil mahal pa rin kita,sobra.. "wika ni Joseph sa dalaga..

Naramdaman niyang yumakap na rin sa kanya ang dalaga....

"tahan na Ilay,naririto na ko ,please magsimula tayong muli, alam kong mahal mo pa rin ako at sigurado na kong mahal pa rin kita sobra. Natabunan lang ng galit pero naririto pa rin yung pagmamahal..."...

Kumalas sa pagkakayakap si Ilay saka tinitigan ang binata..

"pero nagawa mo na kong lokohin noon, maaari mo ulit iyong ulitin ngaun Joseph, at ayokong hintayin ang pagkakataong iyon dahil baka hindi ko na kayanin..."...wika ni Ilay

Hinawakan ni Joseph ang kamay ng dalaga saka hinalikan..

"hindi kita niloko.. Mali ka sa nakita mo Ilay,, kagabi habamg pinagtatapat mo sakin yan,doon ko nalaman at naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit mo sa akin noon.. Pero mali ka sa nakita mo.. Yung babaeng humalik sa akin noon ,lumapit lang siya bigla. Lasing na ko noon kya hindi ko na rin alam ang nangyayari.. Naglasing ako dahil buong akala ko mawawala ka na ng tuluyan.. Hindi ko kya Ilay.. Hindi ko kya.. Nagtiis ako ng tatlong taon dahil sobrang mahal kita.. At hanggang ngaun pala.. "..... Iniharap nya ang dalaga sa kanya saka muling nagsalita...

"hindi na kita pakakawalan pang muli Ilay,hindi na.. Hinding hindi na tlga. "... Niyakap nya ito ng mahigpit..

Naguguluhan naman si Ilay..

Kami na bang dalawa?teka.. Hindi pa ko ng oo, ni hindi pa nga ko nakakapagsalita db. Bkit ganito ang sinasabi ni Joseph...?... Hindi pa ko ready... Hindi ko pa kayang makipag commit....

......

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon