Chapter 18

10 0 0
                                    

Palabas ng opisina noon si Shillah at nakita niyang nag aabang sa labas si Joseph habang nakasandal sa kanyang kotse.. Ng makita siya nito ay kaagad siyang nilapitan ni Joseph at niyakap ng mahigpit.. Pra naman siyang ewan na hindi tumutol sa ginawa ni Joseph..

Hinawakan nito ang kamay niya saka hinila papasok sa loob ng kotse.. Dali dali rin siyang pumasok at saka ini start ang sasakyan..
Tinitigan siya ni Ilay saka ito nagsalita..

"Joseph,anong nangyayari? Bkit inilipat ka nila ng building?"...wika ni Ilay..

Napatingin sa kanya si Joseph ngunit ibinalik rin ang tingin sa daan..

"hindi ko rin alam, pagdating namin doon saka sinabing iyon na ang bago naming opisina,labag to sa karapatan naming mga manggagawa. Pero ni isa sa kanila ay walang tumutol dahil mas malaki ang offer na ibinigay sa amin doon.. Ako lang ang tumutol Ilay at waLang sumuporta sa akin,maging si Carmen,hindi niya ko sinuportahan..."...wika ni Joseph...

Napatitig sa kanya si Shillah at mejo nag iba ang timpla ng kanyang mukha. Hindi pa ito napapansin ni Joseph...

"kasama mo si Carmen sa kabilang building??"wika ni Ilay...

Tumango lamang si Joseph sa dalaga ng hindi pa rin ito tinitingnan.

Biglang nanahimik si Ilay. Nagkukwento pa noon si Joseph about sa bagong mga kasama niya at bago nilang opisina..

"alam mo ba Shillah, mukhang mganda naman doon sa kabila. Maraming mga bagong ksama at enjoy silang kausap. Mukhang magiging maganda ang trabaho ko doon,hindi sila nakakailang kasama... " nakangiti pang wika ni Joseph saka tiningnan si Shillah na prang hindi naman nakikinig sa kanya.

Napataas ang kilay ni Joseph sa nakikitang reaksiyon ng dalaga..

"Nakikinig ka ba sakin??wika ni Joseph...

Sumagot di Ilay habang sa labas pa rin ng kotse nakatingin...

"oo narinig kong lahat,narinig ko rin kung gaano mo gusto ng malipat ka..."...wika niya..

Wla pa rin sa loob ni Joseph ang totoong nararamdaman ngaun ng dalaga.. Yung pakiramdam na gusto nitong humiyaw at sabunutan si Joseph dahil sa inis nito. Dahil masaya pa ang lalaking ito na napagiwalay sa kanya. Yung mukhang ng eenjoy pa na malayo siya habang siya ,hindi na mapakali kanina. Ni hindi nga nkpg focus sa ginagawa niya knina sa opisina kakaisip kung ano na bang lagay ng binata...

Tshimik pa rin ang dalaga kaya nagtanong naman si Joseph..

"ikaw kumusta sa office naTin?"...

Tinapunan siya ng isang tingin ni Shillah saka ito nagsalita..
"ok lang,si Jay ang pumalit sayo sa pwesto, ka team na namin ang ex ko at palagi ko ng makakasama sa trabaho..."....

Dahil sa narinig ni Joseph ay nawala ang focus sa pgda drive kya bigla itong napa preno. Mabuti na lamang at wala silang kasunod kya safe naman ang pagkakahinto pero sobrang kinabahan si Ilay at napahawak pa siya sa kanyang dibdib...

"ano ba Joseph, papatayin mo ba ko ha? Sobra mo kong pinakaba nakakainis ka ha!"... Galit na wika niya...

Tahimik lamang si Joseph. Hindi naman niya maaaring ipakitang galit siya dahil mgkasama pla ang dalawa. Hindi niya maaaring sabihing hindi iyon maaari dahil nagseselos siya.. Wala siyang karapatang magselos o pagbawalan ang dalaga...

"lecheng buhay naman to oh"...naibulong nya sa sarili...

"anong sabi mo Joseph?"....wika ni Ilay..

"ah,wala ,wala naman.." saka pinatakbong muli ang sasakyan...

Napansin ni Ilay na hindi naman iyon ang way papunta sa kanila kya nagtanong siya sa binata..

"saan ba tayo pupunta? Hindi naman to yung way ng pauwi sa amin db?"...wika ni Ilay....

Inihinto ni Joseph ang sasakyan at tumingin sa dalaga at mabilis pa sa alas kwatrong hinalikan nito ang labi ni Ilay..

Mapoprotesta pa sana ang dalaga pero gusto naman niya iyon. ..

Ang gulo nila ha.. Walang sila ha, pero kung mkapaghalikan grabe... Ah ewan ko ba sa mga ito,hindi pa hayaang maging sila na lang...

Inawat ni Shillah ang binata sa paghalik nito sa kanya at pinagdaop ang knilang mga noo habang nakapikit itong dalaga.. Mejo hinihingal pa nga sila pareho..

"Joseph"......

"Ilay".....

Prang nag uusap ang mga isipan nila at muli silang naghalikan...

Mas matagal...

Mas masuyo...

At mas ramdam ang pananabik sa isa't isa...

Ng matapos sila ay saka nagtanong si Joseph...

"masaya ka bang ganitong lamang tayo? Walang level ang relasyon natin? Kasi ako hindi,ayoko.. Ayoko ng ganito... Ramdam kong mahal mo rin ako hindi lang dahil inamin mo sakin.. Kundi nraramdaman ko sa paraan ng paghalik mo.."......hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga saka iniharap ito sa kanya..... "I want you, I need you, I love you... Gusto ko akin ka lang kya please pumayag ka ng maging tayo.. Sabay nating harapin ang kinatatakutan mo.. Pangako hinding hindi kita sasaktan,.."..niyakap nya si Ilay at hindi nmn ito tumutol.. Gumanti pa nga ito ng yakap sa kanya...

"Joseph, natatakot ako sobra... Natatakot akong mawala ka sa akin.. Natatakot akong may ibang mag may ari sayo.. Natatakot akong masaktan... At dahil sa takot kong ito,, sobra pala akong nasasaktan.."......yumakap pa siya ng mas mahigpit sa binata saka muling nagsalita...

"pumapayag na kong maging sayo.. Maging pag aari mo... Maging tayo....".....

Sobra sobra ang kaligayahan noon ni Joseph. Sa wakas ay may masasabi na siyang "sila" at "tayo"...

Opisyal na ang pagiging magkasintahan nila sa wakas...

Kaya naman itong si Joseph ay kaagad na iniuwi itong si Ilay sa bahay nila pra ipakilala sa kanyang pamilya.. Masayang silang pumasok sa bahay na magkahawak kamay pa.... Inabutan niya roon ang kapatid na si Karla na masaya.g nakikipagtawanan sa isa pang babaeng ksama niyang nakaupo sa sofa..

Lumapit sina Joseph at Shillah sa dalawa at nagulat sila sa bisitang nakita..

Si Carmen ang katawanan ni Karla... Magkaibigan nga pala ang dalawa at madalas ito sa bahay nina Joseph. Minsan lang umuuwi itong si Joseph dahil nga may sarili itong condo unit...

"kuya??" wika ni Karla...

"Karla,si ate Shillah mo nga pala.. Girlfriend ko"...wika ni Joseph at yumakap pa sa tagiliran ng dalaga..

Ngumiti naman si Shillah sa kapatid ni Joseph at maging sa kasama nito.. Kapwa mga tulala ang dalawa dahil kanina lang ay pinagkukwentuhan nila si Joseph at ang pgkakalipat nito ng building ksama ni Carmen.. Sinabi pa ni Carmen na masosolo na niya si Joseph at wala na ang asungot na si Shillah..

Alam ni Karla na may gusto si Carmen sa kapatid niya at botong boto ito pra sa kaibigang si Carmen ...

Alam rin niya ang tungkol kay Shillah. Lahat naikwento na ni Carmen sa kanya..

Nagpaalam na muna sila saglit at dumiretso sa kusina pra mkpgluto silang dalawa.. Wala pa roon at knilang ama at ina..

Naiwan sa salas ang dalawang magkaibigan na kapwa hindi makapaniwala sa nalaman nila...

....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon