Maagang pumasok si Jay sa trabaho pra abangan ang pagdating ni Shillah. Sakto namang pagbaba nito sa kotse ni Joseph.. Kitang kita niya ng halikan ni Joseph ang dalaga kya may kung anong kirot ang naramdaman ni Jay sa puso niya....
Papasok na sa loob ang dalaga at nakaalis na si Joseph.. Mabilis siyang naglakad pra masabayan sa paglalakad si Ilay.. Nakita naman siya agad ng dalaga at nginitian siya nito... Sabay na silang pumasok na dalawa..
Walang kibo si Jay at paminsan minsang napapatingin kay Shillah habang abalang nagtatrabaho silang lahat.. Nahuhuli naman siya minsan ng dalaga na nakatingin..
Naglakas loob ng lumapit si Jay sa dalaga. Kinakabahan pa nga siya pero itinuloy pa rin niya ang paglapit dito...
"Shillah,.. Pwede ka bang sumama sa amin mamaya? Buong team lang naman. I celebrate lang natin ung mgpaka approved ng project natin.. Nag aaya rin kasi sila pero walang mglakas loob na sabihin sayo..."....
Abala si Shillah sa ginagawa nya pero tinitigan nya pa rin si Jay saka umiling ito...
"alam mo namang hindi ako maaaring lumabas ng ako lang.. Hindi papayag si Joseph,, at may lakad kami mamayang gabi.."...wika nya..
"ganun ba,,o cge sa mga susunod na araw nlng kung kelan ka may oras..."... Wika ni Jay sabay lumabas siya prA naman tawagan si Carmen..
"hello, hindi ko siya napapayag, may lakad raw sila ni Joseph mamaya..."...wika ni Jay...
"may lakad?sila? Pero pumayag na si Joseph na sumama mamaya sa amin, wala naman daw siyang gagawin.."...pasimpleng napangiti si Carmen.. Naisip nya na bka may away ang dalawa.. Nagtatalon na naman ang puso niya sa saya...
Nagpaalam na ito sa kausap at itinuloy ang trabaho niya habang pasimpleng tinitingnan ang abalang si Joseph...
Maaga namang natapos si Ilay sa ginagawa nya kya nakatambay na lamang siya sa loob ng opisina.. Wala pa ring tawag mula sa kasintahan niya kya naisipan na niyang puntahan n lamang ito sa kabilang building tutal ay authorized naman silang mgpunta doon dahil isang kumpanya lamang naman silA, susurpresahin na rin nya ang binata.
Nalaman iyon ni Jay kaya agad nyang iya itong pinaalam kay Carmen. Wala naman maisip na gagawin si Carmen dahil anumang oras ay dadating na doon si Shillah.. Hanggang sa mapatingin siya sa kape sa ibabaw ng table nya at sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi...
Pasimple siyang lumingon sa labas dahil kita naman agad doon kung may parating na tao. Mejo malayo layo pa rin ang hallway kya kung may darating man ay hindi agad iyon makakapasok sa knila..
Hanggang sa magbukas ang pinto ng elevator at kitang kita niya ng iluwa noon si Shillah.. Agad niyang kinuha ang kape na lumamig na sa tagal ng di nainom. Nilapitan niya si Joseph. Nakatayo noon ang binata at nakatalikod sa kanya.
Tinawag nya ito.. Sobrang lapit nya sa binata at anumang kilos nito ay tlagang masasagi siya nito..."Joseph,magkape ka muna!"...wika niya..
Nagulat si Joseph sa dalaga kya paglingon niya ay nabundol nya ito at tumilapon sa kanya ang kape. Saktong tumapon ito sa may tyan nya pababa sa may pantalon. Maligamgam na lamang iyon pero ramdam pa nya ang konting init dahil sa malamig sa loob ng kwarto..
"o m g! Sorry Joseph di ko sinasadya.."..sabay pulot nito sa tasa na hindi man lamang nabasag. Mabuti at sa isang telang basahan ito nahulog at hindi mismo sa sahig...
Agad na pinunasan ni Carmen ang damit ni Joseph na natapunan pero kumalat lang lalo ang dumi kya hinubad na ni Joseph ang polo nya at ngaun ay nakaputing Shirt na lamang siya. Mabuti at hindi tumagos sa tshirt nya ang kape kya malinis pa ito. Problema naman ay ang kanyang pantalon na nalgyan rin ng kape..
Nakangiti pa si Shillah habang hinahanap ang office number nina Joseph. Ng matagpuan nya iyon ay nagmamadali siyang pumasok sa loob.. Ngunit nagulay siya sa kanyang nakita.. Mejo pangit kasi sa mga mata ang naabutan niya at mejo nsackalayuan pa siya noon kya hindi niya masyadong naaninaw ang totoong nangyayari..
Nakita nyang nakatayo si Joseph at patagilid sa kanya kya kita nya pa rin na ito ay ang binata.. Hawak nito ang kanyang belt at hinuhubad iyon habang kaharap ang isang babae na itago na lamang natin sa pangalang Carmen. Nanlilisik na ang kanyang mga mata dahil hindi niya kayang makita ang susunod pang mangyayari..
Hinubad ni Joseph ang kanyang pantalon. Hindi naman kita ni Ilay ang bandang ibaba dahil natatakipan iyon ng table.. Sakto namang umupo ang babae at hindi rin nya alam kung bakit.. Pero sa mga ganitong posisyon ay iba ang tumatakbo sa isipan ni Ilay... Umupo si Carmen dahil pinupunasan nya ang sahig na natapunan ng kape.. May dobleng short naman ksi si Joseph kya malaya nyang hubarin ang kanyang pantalon.. Hindi rin nmn kasi nadumihan ang short nya kya maaaring gamitin na iyon.. Madalas na ganun ang ginagawa nya kpg nka pormal attire sila pra pag uwi ay nka sibilyan na lamang ang binata..
Nangingilid na ang mga luha ni Ilay sa isiping may ginagawang milagro ang dalawa at sa mismong opisina pa tlga nila. Nagkubli siya sa may pintuan at agad na nag dial sa numero ng kasintahan..
Nagring ang telepono ni Joseph at agad naman nya iyong sinagot...
"misis ko,, sorry di kita natawagan masyadong busy sa opisina maghapon hanggang ngaun.."...wika ni Joseph.."I know,sobrang busy mo nga tlga,"...pilit nyang pinapakalma ang sarili nya pra hindi bumubos ang kanyang luha.... "mauuna na akong umuwi kasi mejo napagod ako sa trabaho.."...wika niya..
"hintayin mo ko,ihahatid kita,aayain pa sana kita kasi nag aaya itong mga ka trabaho ko na lumabas mamaya kso masama pla pakiramdam mo"...wika ni Joseph...
Nakita ni Ilay na tumayo na si Carmen at lumayo na sa kasintahan nya.. Naupo naman na si Joseph. Hindi pa rin siya nakikita nito..
"hindi na Joseph ikaw na lang ng magka oras ka sa kanila. Uuwi na lamang ako mag isa. Kya ko na ang sarili ko... Cge bye!!!" ...nagmamadali na siyang umalis doon at pagkalabas ay agad namang tinawagan si Jay...
"hello,Jay sasama na lang ako sa inyo..."...wika niya..
"good.. Asan ka ba pra sabay na tayo.. Papunta na kasi ako ngaun.."....
"sa labas ng tower 2,hintayin kita dito..."....
Agad na dumating si Jay at inalalayan niya si Shillah na makapasok sa kotse... Sakto namang labas nina Joseph at Carmen at kitang kita ni Joseph kung paano nito alalayan ang kasintahan.. Huli na siya dahil napa andar na ni Jay ang sasakyan. Patakbo pa naman niyang nilapitan ang mga ito...
Dahil sa galit ay tinawagan nya agad ang kasintahan. Sinagot naman nito agad ang tawag..
"nasaan ka?"wika ng binata..
"sakay ng taxi,pauwi na ko. Huwag ka ng pupunta muna sa bahay kasi gusto ko ng matulog. Masama ang pakiramdam ko.. Bye.."...wika ng dalaga..
Pansin ni Joseph ang pagiging matamlay ng boses ng dalaga at panlalamig nito sa kanya. Hindi nga ito nagsabi ng Iloveu man lang. Pero sa nakita nyang kasama ni na si Jay ay doon na nagpuyos ang galit nya.
Nagsisinungaling sa kanya ang dalaga...
....
![](https://img.wattpad.com/cover/70024991-288-k372949.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!