Chapter 30

18 0 0
                                    

"kapag mahal ka, babalikan ka"!.....

"kapag mahal ka, hindi ka iiwan"!.....

....

Nasa labas ng bahay ngaun nina Shillah si Joseph at nag aabang na lumabas ang dalaga..

Maya mya pa nga ay lumabas na ito buhat ang isang sanggol at isinasayaw sayaw pa ito.. Masayang masaya ang mukha ng dalaga habang nilalaro laro ang sanggol.. Hindi napansin ni Joseph ang pagpatak ng luha nya habang pinagmamasdan ang mga ito...

Wala naman taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali. Lahat nakakagawa ng desisyon na hindi tama. Nakakasakit at nasasaktan... Ang tanong lang ay kung paano ba natin maitutuwid lahat ng pagkakasala natin. Paano tayo makakabawi sa taong nasaktan natin... At kailan ba tayo kikilos pra maitama ito?

Paano kung huli na pala ang lahat???

Napatitig si Joseph sa lalaking may dala dalang bote na may lamang gatas.. Pasayaw sayaw pa ito habang iniabot kay Shillah ang bote.. Pinainom naman ng dalaga sa sanggol ang laman nito.. Masaya ang tatlo at kitang kita sa mga mata ng mga ito...

Masakit man sa mata ang mga nakikita ni Joseph ay kailangan nyang tanggapin na masaya na ngaun ang dalaga sa piling ng iba.. Siguro ay pagpapatawad na lamang ang hinihiling nya buhat kay Shillah. Umalis na siya roon dahil sobrang sakit pla na makitang masaya ang mahal mo sa piling ng ibang tao.. Ngaun ay alam na nya ang naramdaman noon ng dalaga ng mga oras ng ipagtabuyan nya ito. Sobrang sakit pla. Hindi man siya ipinagtabuyan ng dalaga sa mga oras na ito ay prang higit pa roon ang nararamdaman nyang sakit... Sobra pa nga e at umaapaw...

"baby,pogi ba si Daddy ninong??..."wika ni Jay sa sanggol na pra bang maiintindihan siya nito...

Napapangiti naman si Ilay sa binata...

"ikaw,tigilan mo ang anak ko sa mga sinasabi mong yan ha. Baka paglaki nito matulad sayo .."...wika ni Ilay..

"matulad saking poging pogi rin db..."...sabay papogi looks pa ni Jay...

Napatawa lamang ang dalaga dito..

Ganun na lang ang naging routine nila at habang lumilipas ang panahon at lumalaki ang batang si Topher ay nakagabay sa kanya ang ninong Jay nya.. Malaki rin ang pinagbago nito. Siya na ang nagmamay ari ng kumpanya na dating pinapasukan nina Ilay at Joseph...

Nag resign na rin si Joseph matapos nyang malaman ang totoo.. Ang panloloko sa kanya ni Carmen.. Humahabol pa rin si Carmen kay Joseph pero ayaw na talaga ng binata dito... Ang totoo naman ay si Carmen lamang tlga ang naghahabol sa binata mula pa noon... At lalaki lang si Joseph pra hindi mapansin si Carmen... Isa pa ay ito ang umalalay sa kanya ng mga panahong gulong gulo ang utak niya...

....

Tatlong taon na rin ang lumipas mula noon.

Pababa ngayon ng eroplano si Joseph galing ibang bansa.. Sabi nya dati ay masaya na siyang nsa Pinas lamang pero nagbago ang pananaw nya sa buhay.. Siguro ay dahil gusto niyang makalimutan ang lahat lahat kaya siya nagpasyang mangibang bansa.. Umuwi lamang siya dahil may nareceived siyang email mula sa kanyang dating eskwelahan...

Isang reunion ang gaganapin isang linggo magmula ngaun at inaasahan ang pagdalo nya. Isa kasi siya sa ipinagmamalaki ng kanilang eskwelahan.. Mula sa isang simpleng estudyante noon at hindi man lang kilala ng lahit na sino at ngaun ay isa ng ganap na inhinyero at sikat na modelo ng isang brand ng damit....

Dahil sa pagkaka featured nya dati sa magazine as one of the top bachelor engineers ay nagkaroon na siya ng ibat ibang offers at isa n nga iyon sa dahilan ng pangingibang bansa nya dahil tinanggap nya ang offer sa kanya at pra na rin mabago ang mundong ginagalawan nya.. Nagtagumpay si Joseph sa buhay nya ngunit palaging may kulang. Palaging may mali at palaging may hinahanap ang puso niya..

Mula ng mangibang bansa siya ay wala siyang nakarelasyon na kahit na sinuman. Kahit napakarami ang nagpaparamdam sa kanya lalo pa ngaun at kilala na ang kanyang pangalan... Dahil isang babae lamang ang tinitibok ng puso nya.. Gusto na nya itong mayakap.. Mahagkan at muling makasama pati na rin ang kanyang anak.. Sabik na siyang makita ang mga ito ngunit may takot sa puso niya na makitang masaya na ito sa piling ng ibang lalaki..

....

Dumalaw si Jay sa bahay nina Shillah at hindi maipinta ang mukha nito...

"oh bakit naka lamukot na naman ang mukha mo Jay??"wika ni Shillah dito at inabutan nya ng juice ang binata...

Kinuha naman ito ni Jay at saka ininom ng dirediretso at matapos noon ay isinoli ang baso kay Ilay. Napapailing naman na ibinaba iyon ni Ilay at naupo sa tabi ng binata...

"Si Luisa na naman ba?hayyy bakit kasi hibdi mo subukan.. Malay mo ikaw lang din pla ang hinihintay nya at mahal ka rin niya..."... Wika ni Shillah dito...

Napatingin sa kanya si Jay at napangiti ng bahagya...

"bakit hindi mo yan sabihin sa sarili mo kaso malay mo ikaw lang din ang hinihintay nya..."....

Nagbibiro lamang si Jay pero hindi iyon naging magandang biro pra kay Ilay.. Tumayo ang dalaga at binuhat si Topher na naroroon sa damuhan noon at naglalaro saka tuloy tuloy na pumasok sa bahay.. Kakamot kamot namang sinundan siya ni Jay sa loob..

"Jay,umuwi ka na.."...galit na wika ni Ilay...

"Shillah naman,,nagbibiro lang ako. Ikaw talaga..."....

"umuwi ka na nga sabi kc db...hindi ka nakakatuwa..."....

Wala nang nagawa si Jay kundi ang umuwi pero panay pa rin ang pag hingi niya ng tawad kay Shillah..

Sa tuwing mapag uusapan nila ang tungkol kay Joseph ay nag bi beastmode itong dalaga.. Hindi rin maintindihan ni Jay kung bakit pero mahal naman iyon ng dalaga at inamin na nito iyon sa kanya dati palang..

Nsa loob na ng kwarto si Shillah at ang tatlong taong gulang na anak na si Topher...

"Mommy,gusto mo sayo na lang tong lollipop ko. Pra hindi ka na malungkot?"....sabay abot nya dito sa mommy nya...

Napangiti si Ilay saka inabot ang lollipop...

"sana anak kayang gamutin ng lollipop na to yung sakit ng pakiramdam ko pra mawaLa na ito ng tuluyan..."...

Nakatingin lamang ang bata sa kanya at napapangiti dahil akala ng bata ay masaya na ang mommy nya dahil sa candy..

...

Sana nga noh,,ma kayang lutasin ang lahat ng problema sa mundo sa pagkain lamang ng lollipop..

....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon