"misis ko,napagod ka ba sa maghapon? Mukha kasing wala ka sa mood. Ni ayaw mo nga kong tingnan.. May problema ba?"... Wika ni Joseph habang nagdadrive ng kanyang sasakyan..
"wala naman,pti huwag mo kong tinatawag na misis,hindi pa naman tayo kasal,naiilang ako tuloy sayo"...wika naman ni Ilay sa binata sabay tingin sa labas ng kotse...
Napapangiti naman si Joseph at nahuli siya ni Ilay..
"anong nginingiti ngiti mo jan?"...wika nito...
"kasi naiilang ka pa rin pala sakin..kulang pa ba yung...."...sabay hawak nya sa hita ng dalaga ngunit kaagad rin niyang inalis at pinutol na pa ang sasabihin dahil pagtingin nya sa dalaga ay animoy nag transform ito sa isang mabangis na tigre sa sobrang galit nito at anumang oras ay maaari siyang kainin ng buhay...
"kapag hindi ka tumigil bababa na ko dito!!!" galit na wika ng nobya nya..
"misis ko naman eh"....
"isa pang tawag sakin ng misis,makikita mo tlaga"....
"ang ano?"...at isa pang ngiti ng binata na para bang mapupunit ang mga labi nito...
Sa sobrang inis ni Ilay ay hindi na siya nagsalita at umiwas na lamang ng tingin sa binata na noon at todo ngiti pa rin.. Alam rin kasi niya na galit galitan lamang itong nobya para makaiwas sa mga pinag uusapan nila..
Sa labas naman ng building kung saan naroroon si Carmen at naghihintay kay Jay na lumabas ito..
At ng lumabas ang binata ay agad siyang nilapitan ni Carmen at nagpakilala ito.."Hi, Im Carmen, you must be Jay,right?"....wika ni Carmen sabay lahad ng kanyang kamay sa binata..
Tinanggap naman ni Jay ang kamay nito saka tumango at nagsalita..
"ako nga si Jay.. Sino ka? Bakit kilala mo ko?".....wika niya..
Parehong kumpanya lang tayk kaya kilala kita pero sa kabilang building ako na assign kya malamang na hindi mo ako nakikilala.. Same as you,isa rin akong engineer at kasama ko sa trabaho si Joseph Madrigal..."....
Pagkawika ni Carmen sa pangalan ni Joseph ay prang na curious kaagad si Jay at mukhang may mahalaga silang dapat pag usapan ng dalagang nsa harap niya..
"can we talk about that over a cup of coffee? If you mind talking to me,,,now?"...wika ni Jay...
"sure,gusto ko na rin kasi kitang nakausap talaga and I dont want to wait in vain for this to say so..."...nakangiting wika ni Carmen..
Sumakay na sila sa kotse ni Jay at nagtungo sa isang coffee shop pra doon pag usapan ang mga bagay na gusto nilang malaman sa isat isa...
.
"uhhmmm,sa unit ka na matulog, miss na kita sobra. Gusto ko palagi kitang kasama,kayakap,.. Nakikita pag gising ko, nakakakulitan.. Gusto ko kapag palagi mo kong sinusungitan. Masaya ako kpg malapit ka lang sa akin.. Ilay,sobrang mahal na mahal kita..."...sabay halik niya sa kamay ng dalaga at sumunod ay ginawaran nya ng mabilis na halik sa labi ang dalaga..
Nasa loob pa rin sila ng kotse at nakahinto sa tapat ng bahay nina Ilay.. Ayaw nyang pababain pa ang dalaga.."Joseph, hindi pwede, ayoko ng ganun.. Kpg may oras saka na lang ako pupunta sa unit mo,pero ayokong doon na lang palagi tumigil. May bahay naman kmi oh, at dito lang ako titigil unless kasal na tayo..."....wika ni Ilay sabay hagpos niya sa pisngi ng binata..
Hinawakan naman ni Joseph ang kamay ni Ilay na nsa kanyang pisngi saka hinalikan nya ito....
"tandaan mo na mahal na mahal kita at sayo lang ako makikinig. Ikaw lang ang paniniwalaan ko, at sobrang nagpapasalamat ako sa pagtitiwala mo sakin.."...wika ni Joseph...
Niyakap nya ang dalaga saka masuyong hinalikan sa labi. Nagtagal pa sila sa ganoong sitwasyon at para bang ayaw ng putulin ang mga halik. Yung tipong sabik pa rin sila sa isat isa.. Yung tipong ayaw na nilang matapos pa...
Ang dalaga na ang pumutol sa halik at yumakap sa binata..
"I love u too Joseph"... I'm afraid to lose you,, na kahit minsan ko lang iparamdam sayo to,araw araw ko namang ipinagdadasal na sana huwag na tayong magkakalayong muli dahil hindi ko kya.. Hindi ko na pala kayang mawala ka pa sakin.. Mahal na mahal din kita sobra...".... At mas hinigpitan pa niya ang yakap sa binata saka nagpaalam na siya sabay lumabas ng kotse ng binata...
Hinintay naman muna ni Ilay na makalayo si Joseph saka siya pumasok sa loob..
Sa coffee shop....
"pag ibig nga naman noh..., pero I know na sa huli ay kami pa rin ni Shillah ang magkakatuluyan, hindi ko kailangan ng kahit na anong dahas pra lamang makuha siya.. Sapat na sa aking nakikita siya araw araw na masaya. Na nakangiti...".... Wika ni Jay...
Sumimangot si Carmen sa binata..
"masaya at nakangiti dahil sa iba at hindi dahil sayo, yan ba ang gusto mo Jay? Ang tuluyang mawala sayo si Shillah? Ganyan ka ba ka martir tlaga?" wika ni Carmen at panay pa rin ang pag kumbinsi niya sa binata..."hindi,pero kung talagang mahal pa nya ko,babalikan nya ko,,ayokong bumalik siya dahil sa ako lang ang may kagustuhan..."wika ni Jay.. Hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinasabi ni Carmen...
"cge ka,ikaw ang bahala.. Kpg hindi ka pa kumilos malamang isang araw malaman na lamang natin na ikakasal na ang dalawa lalo pa ngaun at nsa isang bubong na lamang sila nakatira..."... Pagsisinungaling ni Carmen. Desperate moves na kasi siya at wala ng maisip na sasabihin pra makumbinsi ang binata...
Napahinto sa paghigop ng kape si Jay sa narinig kay Carmen..
"you mean? Live in na sila?"...wika ng binata..
Isang tango lamang ang isinagot ni Carmen at dahilan ng pagkunot ng noo ni Jay.. Hindi kasi siya makapaniwalang napapayag ni Joseph na mkipag live in itong si Shillah.. Although may pagka revealing itong manamit paminsan minsan at mukhang hindi na inosente sa mga bagay bagay,, alam niyang deep inside ay my pagka konserbatibo pa rin itong si Shillah.. At ang mkipag live in ay talagang hindi kapani paniwala pra dito...
....
BINABASA MO ANG
FOREVER in December
RomanceKung mahal ka babalikan ka... Kalokohan !!!! Kung mahal ka hindi ka iiwanan !!!!