Chapter 31

18 0 0
                                    

Nsa park sina Shillah at baby Topher at namamasyal. Nagyaya kasi ang bata doon. May hawak na lobo ang bata habang si Shillah naman ay nagpaalam pra bumili ng ice cream pra sa kanila.. Naroroon rin ang ina nya at akay akay ang bata...

May lumapit sa mag lola na isang lalaki at ng makita ito ng lola ay napalaki ang mata nito at umapaw ang kasiyahan sa puso nya. Napatingin ang lalaki sa batang si Topher at ganoon na lamang ang saya niya at halos naluha pa siya pagkakita dito.. Nilapitan nya ang mag lola at nagmano siya sa ina ni Ilay..

"kumusta po nay. Patawarin nyo ko. Gulong gulo ang utak ko noon at hindi ko alam kung anong tamang desisyon na gagawin.. Nagkasala ako kay Ilay at sa anak ko at hindi ko alam kung paano makakabawi.. "... Wika ni Joseph habang hawak hawak nya ang kamay ng bata..

Nakatingin lamang sa kanya ang bata at parang nakikinig rin sa mga sinasabi nya.

Nakangiti lamang ang ina ni Ilay dahil naiintindihan nya ito. Maging siya man ay ganoon rin ang nangyari noon. Buong akala nya ay pinagtaksilan siya ng ama ni Ilay kya siya umalis. Sampung taon noon si Ilay at may isip na ito. Halos limang taon siyang nawala at nagawa nyang iwan ang kanyang pamilya. Naiwan si Ilay sa ama habang siya naman ay kasama sa America ang dalawa pang mga anak.. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit takot na magtiwalang muli ng anak na si Ilay.. Natatakot siyang maiwanan muli...

Pero maayos na muli ang pamilya nila dahil nangibabaw ang pagmamahalan. Kinalimutan ang nakaraan at pinatawad ang kung sinumang nagkasala pero ang takot sa pyso ng dalaga ay hindi mawala wala..

Kaya pagkakita ng ina ni Ilay sa binata ay nagkaroon itong muli ng pag asang magkaka ayos pang muli ang dalawa. Nagkaroon siya ng pag asang magiging masaya ng muli ang anak at sa tulong ni Joseph, maaaring mawala na ang takot sa puso ng dalaga. Takot siyang magmahal kahit alam ng lahat kung sino tlga ang minamahal nya dahil takot siyang maiwanang muli. Umaasa ang ina nya na sa muling pagbabalik ni Joseph ay magiging maayos na ang lahat...

"Topher ang pangalan nya, pagmasdan mo siya. Kamukhang kamukha mo ang anak mo,iho..," wika ng ina ni Shillah..

Biglang nabitawan ng bata ang hawak nitong lobo at hindi rin ito nahagip ng mga kamay ni Joseph. Pinagmasdan na lamang nila itong lumipad sa kalawakan.

"bibilhan kita ng bago,anak. Saglit lamang..".. Tatayo na si Joseph ng bigla siyang hawakan ng bata sa braso at nagsalita ang maliit na tinig nito...

"huwag na po kasi ang sabi ni Mommy kapag daw mahal ka,babalikan ka kaya alam ko na babalik yung lobo ko dahil mahal nya ako at sabi rin ni mommy kapag daw mahal mo huwag mong papalitan kya hindi ka po pwedeng bumili ng bago"....

Nagkatinginan sina Joseph at ang ina ni Ilay dahil sa sinabi ng bata at sabay pa silang napatingin sa dalagang kanina pa palang nakatayo sa may harapan nila..

Napatayo si Joseph pagkakita kay Ilay at kitang kita niya ang galit sa mukha ng dalaga na pra bang anumang oras ay bubuhos na ang luha nito..

Kaagad na binuhat ni Ilay ang anak saka naglakad na papalayo. Tiningnan naman si Joseph ng ina ni Ilay saka sinenyasan na habulin ang mag ina...

Mabilis ang ginagawang paglalakad ni Ilay dahil naguguluhan siya sa nangyayari. Yung pagkakita pa lamang niya kay Joseph kanina ay hindi na nya alam yung dapat na maramdaman. Yung dapat galit siya at kamuhian nya ito dahil sa pag iwan nito sa kanilang mag ina.. Pero mali ang nararamdaman niya. Pra bang nakaramdam siya ng pananabik sa binata. Nagbalik sa isipan nya lahat ng masasayang sandali sa buhay nilang dalawa. At kahit pilitin niyang isiksik sa isipan nya na pinabayaan sila nito ay hindi tanggapin ng isip nya ito. Nangingibabaw ang pagmamahal at ayaw nya sa kanyang nararamdamang iyon...

"Shillah,sandali lang mag usap tayo please."..hinawakan niya ang dalaga sa braso pra huminto ito sa paglalakad.

"Joseph bitiwan mo ko please.."...wika niya dito saka inalis ang kamay ng binata..

Sa pagkakadampi ng kanilang mga kamay ay may kung anong kuryente ang bumalot sa katawan ng bawat isa sa kanila na mahirap ipaliwanag. Basta ang alam ng dalaga ay galit siya sa binata. Yun lang yun.

Tinitingnan naman sila ng bata.. Palipat lipat ang mga mata nito sa dalawa....

"mommy,who is he?."...sabay turo nito sa binata...

Hindi alam ni Ilay ang isasagot dahil ni minsan ay hindi pa siya nagsabi ng kasinungalingan sa anak kahit pa nsa murang edad pa lamang ito at minsan ay hindi naman siya nito naiintindihan..

Napatitig si Joseph sa bata at hinawakan nya ang pisngi ng anak.

"kahit pla almost Perfect family ay nagkakatampuhan rin noh, tingnan mo sila ang gwapo at gandang mga nilalang samahan pa ng gwapo ring anak pero nag aaway rin pla noh..." sabay turo sa knila ng isang ginang na naroroon rin sa park di kalayuan sa kanila.

Tinabig ni Ilay ang kamay ng binata pra maalis iyon sa pisngi ng anak..

"dont ever touch my son's face"....galit nyang wika.

"anak natin Ilay, anak natin si Topher.. Ako ang ama nya..."...

Napakagat ng labi nya si Ilay saka iniwas ang tingin sa binata. Malapit na tlgang bumuhos ang mga luha nya.

Nsa gitna sila at nakikita ng lahat kya naman nagmamadaling naglakad muli si Ilay papalayo sa maraming tao. Nakasunod lamang si Joseph sa kanila...

Nag makahanap ng lugar si Ilay ay doon na siya muling humarap sa binata at nag wika...

"anak ko si Topher,anak ko lang dahil mula ng iwan mo kmi,inalisan na kita ng karapatan pra sa anak ko, mula ng pabayaan mo kmi, inalis na rin kita sa buhay ko..."....

"kaya ba naghanap ka ng iba? Kya ba nakisama ka sa iba? Kala ko ba kapag mahal mo hindi mo ipagpapalit?"...

"Oo hindi nga ipagpapalit, kya nga ganun mo na lang ako naipagpalit dahil hindi mo naman ako minahal tlaga...db Joseph,,kya nga ganun mo nlng ako iniwan kahit alam mong buntis ako at ikaw ang ama, iniwan mo pa rin ako..wala kang kwenta..."... Doon na bumuhos ang luha nya sa mga mata...

Hindi mkpgsalita si Joseph dahil totoo ang mga sinabi ni Ilay. Totoong nang iwan siya pero hindi totoong hindi na nya ito mahal... Hindi niya ito ipinagpalit.. Ang tanging pagkakamali lamang nya ay ang iwanan nya ito na sobrang pinagsisisihan nya tlga...

Naiwang mag isa si Joseph na hindi man lamang nkpgsalita.. Hindi niya naipaliwanag ang mga gusto nyang sabihin dahil hindi niya alam kung paano magsisimula..
.....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon