Chapter 26

11 0 0
                                    

"Joseph.. Mabuti na lang at inabutan kita.."...lumapit siya sa binata sabay yakap dito ng mahigpit..

Hindi gumaganti ng yakap si Joseph kya napansin niyang wala ito sa mood kaya kumalas siya ng pagkakayakap sa binata at tinitigan ito sa mukha..

"Joseph?"....nakita nya ang galit na mukha ng binata kya mejo napalayo siya dito..

"umalis ka Shillah sa harapan ko, ngayon na!!! At huwag n huwag ka ng mgpapakita pang muli sakin...!!!" itinaboy siya nito papalayo ngunit nagpupumilit pa rin siyang yakapin ang binata...

"Joseph please mag usap tayo. Pag usapan natin to? Please"....pagmamaka awa nya..

Pasigaw ang mga sagot ni Joseph sa kanya...

"anong gusto mong pag usapan ha? Na kaya ayaw mong sumama sakin kagabi dahil doon mo gustong sumama sa lintik na lalaking yun ha? Na kya ka nanlamig bigla sa akin kahapon ay dahil na realized mo na gusto mo pa rin pla siya? Kaya nakipagtalik ka sa kanya kagabi at sinadya mong makita ko iyon kninang umaga ng mka skype kita?,, unfair ka... Napaka unfair mo Shillah... Sana sinaksak mo na lang ako ng kutsilyo kesa ginanito mo ko.. Pinagmukha mo akong tanga..."....

Hindi alam ni Shillah ang dapat isagot sa binata.. Mali lahat ng paratang nito sa kanya.. Pero ung huli nitong sinabi ay hindi nya rin alam sa sarili kung may katotohanan ba iyon...

"Joseph...mali ka sa iniisip mo,please pakinggan mo muna ko,,"...hinawakan nya ang kamay ng binata pero mabilis nitong iniiwas ang kamay nya sa dalaga..

Napahawak na lamang sa bibig si Shillah at pilit na pinipigilan ang pag iyak... Napapailing na lamang siya dahil hindi nya alam kung paano at kung saan magsisimula...

"hindi ka mkpgsalita db,dahil totoong lahat ang sinasabi ko... U ARE A BIG SLUT...."...at dinuro duro pa siya nito sa noo...

Dahil sa ginawa ng binata ay nasampal nya ito ng malakas at tuluyan ng napaiyak...

"you have no rights to call me a slut Joseph.. Hindi mo alam ang totoong nangyari kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan... At ikaw,ano namang tawag sayo? Nakikipag sex sa loob mismo ng opisina? Hindi ka na nahiya.. Oo pinuntahan kita sa opisina mo dahil gusto kitang surpresahin sana pero anong nangyari?ako pala itong nasorpresa sa pinag gagagawa nyo ng babaeng iyon!"....

Napakunot ang noo ni Joseph at napahawak sa kanyang noo..

"my god, wala kaming ginagawang masama ni Carmen,, ang dumi ng utak mo Shillah..."....wika ng binata..

Natawa ng bahagya si Shillah sa sinabi ng binata..
"so ako lang ba yung madumi ang utak? Eh anong tawag sa utak mo?sobrang linis at alam ang lahat ng nangyayari sa paligid mo ha? Nkita mo ba kmi in an actual position doing that fucking thing you are accusing on me??!! ...galit na ring wika ni Shillah...

"ah ganun,so walang naganap na kung ano.. MAGKATABI LANG KAYO SA KAMA WITH BOTH OF YOU BEING NAKED and nothing happened? Kung gagawa ka nalang sana ng alibi,gandahan mo naman at yung kapanipaniwala man lang sana pra naman may dahilan ako pra maniwala pabg muli sayo... Sinira mo na ang tiwala ko.. At hinding hindi mo na ko maloloko...hindi na Shillah, wala ka ng lugar sa buhay buhay ko....!!!!"

Ininwanan nya ang dalaga at mabilis na pinatakbo ang kanyang sasakyan..

Todo naman ang pag iyak ni Shillah dahil sa hindi na siya pinakinggan ng kasintahan at natitiyak nyang maaaring iyon na ang huling pakikipagkita nito sa kanya..

Umuwi siyang umiiyak at agad naman siyang sinalubong ng kanyang ina. Niyakap siya nito at saka inalo alo... Ngaun lamang siya nitong nakitang umiyak ng dahil sa lalaki.. Matatag si Ilay at kilala siya ng pamilya nya at alam nilang lahat ng bagay nalalagpasan ng dalaga.. Pero sa pagkakataong ito alam din nilang kailangan ni Ilay ng karamay.. Dahil sa usapang pag ibig,kahit pa ata si superman o si Darna,titiklop at mawawalan ng lakas sa oras na iyon,sa pagkakataong iyon at sa parehong sitwasyon na nadarama ng dalaga...

Hindi mapatid ang mga luha ni Shillah habang ngkukwento siya sa ina. Nahahabag man sa kanya ang ina ay hindi nito ipinakita sa anak dahil bka lalo lamang nitong kaawaan ang sarili.. Kinausap na lamang nya ito at umaasang mapapagaan ng khit konti ang bigat ng kalooban nito..

"anak,hindi lahat sa pag ibig ay kaligayahan, hindi lahat ng umiibig ay puro saya lamang ang hatid.. Dadating at dadating tayo sa sitwasyon na halos isumpa nyo na ang isat isa.. Na halos ipagtabuyan tayo ng taong mahal natin.. Anak makinig ka.. Hanggat alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama,hayaan mo lamang. Palipasin nyo muna ang galit at sama ng loob, at kapag pareho na kayong kalmado ay saka kayo mag usap na dalawa.. Hayaan mo at magiging maayos rin ang lahat sa inyo at mangingibabaw ang pag iibigan nyo. Maniwala ka at magtiwala..".... Hinagkan siya ng ina saka muling niyakap..

Mejo gumaan ang pakiramdam nya pero konting konti lamang. Naaalala pa rin nya ang ginawa ni Jay sa kanya. Pinagkatiwalaan nya ito pero ganun lang ang isinukli sa kanya.. Galit siya sa binata at gusto niya itong komprontahin pero wala naman siyang lakas ng loob na alamin ang lahat ng nangyari nung gabing iyon. Pero sa tingin nmn nya ay walang nangyaring kahit na ano.. Pero magulo pa rin ang utak nya at kahit kailan ay hindi magiging maayos hanggat hindi siya muling kausapin ni Joseph..
.
.
.

Nsa bar ngaun si Joseph sa dati niyang tambayan na minsan na niyang kinalimutan dahil sa dalaga.. Nag focus na siya masyado sa dalaga at iniwan lahat ng kanyang bisyo sa buhay..

Pero ngayon na niloko lang pala siya nito ay balik na naman siya sa dating gawi..

Inom hanggang sa malasing. Nakipaglandian sa mga babaeng lumalapit sa kanya.. Nagpakalunod siya sa alak sa buong maghapon..

Naroroon din sa bar si Carmen dahil alam nyang pupunta doon si Joseph. Tagumpay siyang pglayuin ang dalawa.. Ang kailangan na lamang nya ngaung gawin ay maging karamay ng binata pra mapunta sa kanya ang atensiyon nito at makuha na rin niya pati ang puso ng binata.

....

FOREVER in DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon